9. TAMIS

28.8K 958 386
                                    

Just a touch of your love is enough
To knock me off of my feet all week

-Little Mix

Good morning mga meses at maamsh. Enjoy reading. Ang hindi boboto at magsasabi ng BITIN ay mabubungi, tapos pangil lang ang matitira.

BABALA: Bawal tumili at manghampas. Kung kinikilig kayo, let me know. Add me on FB @Misis Ni Kuzma

Shilloh

Napadalas na nga pag-uwi ni Nic sa bahay para dito mananghalian, at ako naman ay balik school na ulit, pero itong si Nic ay hindi pumapayag na di kami sabay mag lunch. Buti na lang at maganda ang aking schedule, may halos dalawang oras din kasi ang aking lunc break. So, ang siste ay ipapasundo pa ako nito sa aming driver para lang magsabay kaming mag tanghalian. Minsan pa nga ay ito mismo ang sumasadya sa school para ako ay sunduin, rinig na rinig ko ang mga bulungan at impit na tilian sa aking paligid. Gwapong gwapo kasi ito sa suot nitong fitted na polo, humulma iyon sa maganda nitong katawan. May mga kinikilig, pero may mga mangilan-ngilan din na nagtataas ng kilay. Magkagayunpaman ay ramdam kong tanggap ako ng karamihan. Hindi ko naman kailangan pang magpaliwanag sa kanila. Hindi naman nila alam ang kwento ko.

Si Clive naman ay palagi kong hiniram sa mga magulang nito kapag wala akong pasok, nakakawala kasi ito ng stress at pagod. Sobrang bibo at daldal kasi, isama pa na ang poging bata pa nito.

Ang mga kaibigan ko naman ay wala ng ginawa kundi ako ay tuksuhin ukol sa bago kong status. Sinabihan na rin ako ng mga ito na mag-change status na daw ako sa lahat ng social media accounts ko, pati Profile picture ko ay pinakialaman din. Uploaded na kasi sa social media ang ilang pictures noong nagpre-nup shoot kami, halos mangisay naman sa kilig itong mga kaibigan ko habang tinitingnan isa-isa ang mga larawan. Sa lahat ng pang-aasar ng mga ito ay isa ito sa hindi ko makakalimutan.

Flashback

"Besh, totoo bang masakit pag first time?" seryosong tanong ni Lhen. Ito agad ang bungad nito sa akin sa first day ng second sem. Seriously!??

"Oo nga Beshie. May ganyan kasi akong hanash na nririnig. Kapag daw una ay para kang hinahati sa sakit. Yan pang sa laki ng asawa mo. Imposibleng maliit ang itetchiwa nyan." Segunda pa ni Ann na ikina-ikot ng mundo ko. My God!!!! What a way to start my morning.

"Kwento ka naman besh" pamimilit pa ni Lhen. Todo ngiti pa ito, animoy may hinihintay na magadang balita.

"Wala akong sasabihin." Matigas kong turan.

"Remember beshie, BAWAL ANG SECRET." Pangongonsensya pa ni Ann.

"Hayyysss!! Ayoko nakakhiya kayo. Ke-babae nyong tao nagtatanong kayo ng ganyan!"

"ALAHOYYY!!! Pantay-pantay na tayo sa lipunan Mayora. Kaya GORA NA!! SPLUK mo na dalii!!" may pag-palakpak pa itong si Lhen, nag nining-ning na rin ang mga mata nito sa sobrang kasabikan.

"Ayoko nga." Sabi ko pa, kahit pa naman nakwento ko sa mga ito iyong usapan naming ni Nic. Alam kong nag-eexpect ang mga ito na gagawin ko ang duty ko as his wife. Pero wala na,naman talaga. Promise wala, we never went further than kissing.

"Hmmmmpppp. Damot." Sabay ingos pa nitong si Anne.

"Pero masakit nga ba?" ulit pa ni Lhen.

"Masakit siguro yun. Tamo iyan ay di makasalita. Sa laki ba ng katawan ng asawa nyan, baka kamo kung saan na iyang inihagis at isinandal. Sa tingin ko ay kayang-kaya kang buhatin ni Mayor eh." Balik ni Ann sa usapan. Nakakahiya talaga.

Aggressive Men Series 2:Switched (SPG|R-18) COMPLETED Where stories live. Discover now