40. NAGLILIHI

24.3K 723 261
                                    

❌⚠WARNING: This chapter contains scenes not suitable for young readers.(MEDYO LANG) Wag matigas ang ulo.


Shilloh

"I thought you're on pill, mahal ko? Bakit ka nabuntis?" Bahagya pa itong tumingin sa akin. Nasa may parteng tyan ko ang mukha nito, at kanina pa iyong pinupupog nang matutunog na halik. Naayos namin ang away kagabi. Katatapos lang ng aming tanghalian at bumalik na ulit kami sa aming higaan.

"Nalimutan kong mag-take 'nung nagstay ka sa penthouse for two weeks." Pag-amin ko dito, habang hinahagod ko ang kanyang buhok. Bigla ko tuloy namiss ang mahaba nitong buhok. "Ikaw kasi eh."

"Bakit ako?" Natatawa nitong sagot sa akin. Nanulis naman ang aking labi.

" 'Coz you made me forget everything..."

"The feeling is mutual mahal ko, I also lost my control whenever you're near."

"I missed your long hair, yet I like it short."

"Missed mo lang ang pagsabunot mo sa akin---Aray!!" I gripped his hair hard. Malaman nya ang sinasabi nya.

"May sinasabi ka?"

"Wala..."

"Mahal ko..." tawag nito sa akin

"Hmmm?"

"Kapag buntis ba talaga nagiging maligalig ang babae?"

"According to studies, oo daw. Parte daw yun ng mood swings. Bakit? Sumasakit na ang ulo mo?" Tumatawa na ako habang nagtatanong dito. "Ayaw mo na ba? Ano? Last na to?"

"Anong last na? Kahit isa kang malaking maligalig at toyo-in tuwing buntis ka ay okay lang. Tanggap kong taon-taon kang may topak, dahil taon-taon kitang bubuntisin at aanakan."

"Ano ako baboy?"

"Ang sexy mo namang baboy, mahal ko?"

"Sige, bolahin mo pa ako!" Hamon ko pa dito.

"Okay lang may topak ka. Basta taon-taon ay isa. Pasasaan ba at masasanay din ako. Ang sarap kayang gumawa ng bata-amp!" Mahigpit kong pinisil ang ilong nito. Bumangon ito at mabilis na tinungo ang salamin dito sa aming kwarto. He checked his face.

"Mahal, ang sadista mong magbuntis." Nagrereklamo na ito. "Kahapon, pinagkaka-kagat mo ako, ngayon namisil ka naman ng ilong."

"Pasalamat ka nga ay sayo ko yan ginagawa at ikaw ang napaglilihihan ko. Gustong-gusto ni baby ang Tatay nya. Balik ka na dito. Dali!! Pakurot nga... Isa lang."

"Mahal ko..." Pinagtawanan ko na lang ito.

"Joke lang mahal, halika na rito. Hindi na kita kakagatin at kukurutin. Payakap na lang." Mabilis namn itong sumunod."

"Mahal wag kang masyadong dumikit. Baka mapisat si baby." Parati na lang ito ang concern nito. Misan nga ay parang O.A na ang dating sa akin.

"Hindi yan." Hanggang sa halos kalahati na ng aking katawan ang nakapatong sa kanya.

"Baka mapango si baby. Mahal ko, umayos ka nang higa."

"Tangii, walang pagmamanahang pango iyang si baby. Wag kang O.A. Walang pango sa ating dalawa."

"Baka kasi nahihirapan ka na sa pwesto mo, mahal ko."

"We're fine Nicolo. Hindi maiipit si baby at hindi rin mapapango." Napabuntong hininga na lang ito, animoy sensyales ng pag-suko. "Naligo ka na ba mahal ko?"

"Oo naman. Kanina, nung nagpaiwan ka sa baba."

"Naglagay ka ng cologne?"

"Hindi." Bumitaw ako dito at bahagyang naupo.

Aggressive Men Series 2:Switched (SPG|R-18) COMPLETED Where stories live. Discover now