8 . BUHAY MAY ASAWA

29.6K 1.1K 425
                                    

"And I can't help but stare, cause I see truth somewhere in your eyes."- Justin Timberlake

AYOWNNN!! Nagawan ko ng paraan para maisingit ang isang update.WALA po munang HIHIRIT ulit. HAHHAHAHAH. Anyways, pansin ko na kakaunti pa po ang bumabasa ng Chapter4. noong kasing i-publish ko yan ay may topak si WATTY, baka lang kako, nakaligtaan nyo. Sayang naman.

BABALA: WAG KAYONG MAGPAPAHALATA NA KINIKILIG AT TUMATAWA LALO NA AT MAY KAHARAP KAYONG IBANG TAO. BAKA PO PAGKAMALAN KAYONG BALIW. NAKAKAKILIG PO ANG ISANG ITO. KAYA IWAS IWAS DIN BAKA MAKAPANGHAMPAS. Ang di BOBOTO mabubungi, BAGANG lang ang MATITIRA. HAHAHHAHA


Shilloh

It' been a week since our wedding, isang linggo na rin akong Mrs. Asencio, minsan pa nga ay may tumatawag sa aking mayora na lubha ko namang ikinahiya. Don't get me wrong. Hindi ko ikinakahiya si Nic, pero nai-ilang talaga ako sa tawag na iyon, isama pa ang Madam.

Hanggang ngayon ay humahanga pa rin ako sa bilis ng mga pangyayari, ngunit kahit ganun ay napakalaking tulong ng naganap naming kasal. Bumalik na ulit ang sigla ng aming negosyo. Totoo nga ang sinabi ni Nic, na ito talaga ang pinaka-magandang solusyon sa aking problema.

Magkahiwalay kami ng kwarto, ayon na rin sa gusto nito. Laking pasalamat ko na lang at di nakakahalata ang mga tao dito sa bahay.

Nasa farm kami ng mga Asencio, regalo pala ito ni Lolo Luis kay Nic noong nanalo ito eleksyon, bale ay dalawang taon na itong tumitira dito, dahil dalawang taon pa naman si Nic sa serbisyo. Ngunit kung ako ang titingin at tatanungin ay hindi bagay ang salitang farm dito, mukha na itong rancho sa laki at lawak nito. May taniman , koprasan at hayupan na rin. Marami ding trabahador sa may bandang taniman.

"Shilloh ineng, ika'y pumarne saglit." Tawag sa akin ni Nay Regie, kakababa ko pa lang ng pinggan kong pinag-kainan sa lababo.

"Bakit po Nay?"

"May sasabihin la-ang ako sayo." Malumanay nitong sabi.

"A-ano po iyon?" kinakabahan ak, baka kasi may alam ito sa nagaganap sa aming dalawa ni Mason.

"Dati kasi ay ako ang gumagawa nito noong binata pa iyang si Mason, at ngay-ong may asawa na sya ay gusto kong ikaw na ang gumawa nito para sa kanya."

"Ano po ba iyon Nay?"

"Pag-umuwi si Mason mamaya ay salubungin mo. Kapag may dala ay ikaw ang kumuha, tapos ilapag mo na la-ang diyan at kami na ang magtataas. Matapos iyon ay hatakin mo na dine sa komedor at ang batang iyon minsan ay lipas na kung kumain, minsanan pa nga ay natutulog na iyon ng walang laman ang sikmura. Napapag-sabihan ko na minsan ay di naman nakikinig, at tsaka ineng, ikaw na rin ang mag-asikaso kay Mason sa hapag, baka iyon ay sisipagin ng kumain. Isa pa anak, Shilloh. Ito naman ay pakiusap ko sa iyo. Pwede ga akong humingi ng pabor?" tanong ni Nay sa akin.

"Oo naman po. Kapag kaya ko po ay gagawin ko, kapag hindi naman po ay gagawan natin ng paraan yan." Magalang kong tugon.

"Garne kasi anak. Baka naman ikaw ay mapapaki-usapan ko na palagiang i-text iyang si Mason kapag oras na ng tanghalian at meryenda. Tanungin mo la-ang kung kumain na ba ga siya? O di kaya ay paalalahanan na kumain na. Iyan lamang ineng ang hihingin ko sa iyo. Pwede ga ?"

"Opo Nay, sige po. Hayaan nyo at mamaya ay itetext ko na po si Nic." Pagbibigay assurance ko kay Nay Regie. Maliit na pabor lang naman ang hinihingi nito, kayang-kaya ko na iyon.

"Ikaw ba Shilloh ay maalam mangusina?"

"Maalam din naman po kahit konti." Pag-amin ko dito. Kahit pa-paano naman ay naturuann ako ni Nay Naty.

Aggressive Men Series 2:Switched (SPG|R-18) COMPLETED Onde as histórias ganham vida. Descobre agora