9. A symbol that cannot be erased

Start from the beginning
                                    

"Of course! Kahit saang guild kailangan nito 'no! So where will I put it?"

Medyo nagdadalawang isip pa rin ako, pero sa huli ay napabuntong-hininga na lamang ako sa sagot niya. I have no choice then.

Natigilan si Zeldrick sa pagmamaktol nang simulan kong tanggalin ang pagkakabutones ng polo ko. Mabilis kong nakuha ang atensyon niya.

Namimilog ang mga mata niya nang ituro ako.

"B-Baliw! Anong ginagawa mo?!" aniya sabay talikod.

Napaismid ako sa inakto niya. Kaya niyang tignan ang mga katawan na pinatay niya tapos simpleng babaeng wala lang pantaas ay nagkagaganiyan siya?

Hindi ko siya pinansin at tinuloy ko ang pagtanggal ng polo ko.

"Wah! Your skin is so soft Scarlet!"

Nabigla ako nang bigla akong hawakan ni Lemon. Tuwang-tuwa ito na parang ngayon lang nakahawak ng katawan ng babae. Samantalang tinatakpan naman ng baliw na si Zeldrick ang mga tenga niya.

"Jeez, stop it. Ilagay mo na 'yong tattoo," ani ko kay Lemon.

Bigla tuloy nag-init ang pisngi ko sa mga reaksyon nila. Tsk.

"Eh, hindi ka naghubad kasi gusto mo lang?"

My forehead furrowed and my nose crinkled. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Lemon.

"Jeez, of course not! Diyan mo ilagay 'yong tattoo!"

Mas lalo akong napasimangot at namula nang marinig kong nagpipigil ng tawa si Elroy sa tabi ni Zeldrick habang naglalaro. Gosh! Ano ba ang problema sa guild na 'to?!

"Eh? Sure ka?"

Napahinga ako nang malalim bago sagutin ulit si Lemon.

"Yes. I. Am," mariin na sagot ko sa kaniya.

Nagkibit-balikat na lang siya bago lagyan ng tattoo ang likod ko. The best part to put it is in my back. Para sa gano'n ay hindi ko ito makikita.

"Terminé!" sambit ni Lemon nang matapos nitong lagyan ang likod ko.

Hindi ko mapigilang humanga dahil hindi man lang ako nakaramdam ng sakit nang lagyan niya 'ko.

"Bagay sa'yo, Scarlet!" masiglang aniya.

Napaismid ako. "What's good in having a tattoo?"

"No, hindi 'yon ang ibig sabihin ko. I mean, you look great without a shirt!"

Tila namula na naman ako sa sinabi ni Lemon. Narinig ko ang pagpipigil ng tawa ni Elroy.

Seriously! May problema itong mag-partner na 'to!

"Tsk. Are you done?"

Napatingin ako kay Zeldrick habang sinusuot ko ulit ang polo ko.

"Ano na namang problema mo?" tanong ko.

Nakasimangot siyang tumingin sa akin.

"Stupid! Hurry up and I'll help you to summon your stupid familiar."

Tumaas ang dalawa kong kilay sa sinabi niya. He'll help me?

"A-Akala ko ayaw mo sa 'kin?"

Naunang maglakad papunta sa pintuan si Zeldrick na sinundan ko ng tingin. Agad akong napatayo.

"I still do. But it's the master's order," sagot niya bago tuluyang lumabas ng guild.

Nagpasalamat ako kay Lemon at agad na sumunod kay Zeldrick. Bigla akong na-excite nang sinabi niya na tutulungan niya 'kong ma-summon ang familiar ko.

I really want to know what my familiar is.

It's one of the things that I lack...

Pumunta kami sa likod ng Guild kung saan merong malawak na lupain.

"Isang beses ko lang sasabihin sa'yo kaya makinig ka," sambit ng kasama ko.

"If you want to summon your familiar, you should earn their trust first. Dapat ikaw mismo sa sarili mo ay malakas ang paninindigan mo."

Zeldrick put his hands on the ground.

"With your all your heart, repeat the words, sas kaló ypálliló mou."

Tinignan ko siya mabuti. "That's it?"

Umangat ang tingin niya sa 'kin. "Hey, I'm not fooling you-"

"I didn't said that you're fooling me."

Kapwa niya ay tinapat ko ang kamay ko sa lupa. Just like he've said, I did the same.

"sas kaló ypálliló mou."

I wasn't surprised when nothing happened. Kagaya ng inaasahan ko ay walang nangyari. Mukha mang simple lang itong gawin pero mukha ngang hindi talaga gano'n kadaling mag-summon ng familiar.

Malalim na bumuntong-hininga ang kasama ko.

"Don't mind it, ako nga ay 1 buwan bago ko pa nakuha ang akin. Kaya hindi ko maisip 'yong pinapagawa ni Gin na isang araw," iritadong kumento niya.

I was taken aback by what he said. Wait, is he being nice to me? Akala ko sasabihin niya na hindi ko kayang gawin 'yon, na mahina kasi ako...

But he's telling me that I should not mind it?

I guess he's not that bad after all.

"Hey Zeldrick, can I ask a question?" tanong ko.

"You're already asking," walang ganang sagot niya.

Napasimangot ako sa sinabi niya at napairap bago magsalita ulit.

"Did something happened between Law and August in the past?

Tila nagbago ang ekspresyon ni Zeldrick sa sinabi ko. His expression says that I'm right.

"W-Wala namang nangyari sa kanila," seryosong sagot niya.

Napaiwas siya ng tingin na para bang nagdadalawang isip siya na sabihin. He bit his lower lip before glancing back at me.

"I guess, hindi naman masama kung sabihin ko sa'yo. You're his new partner, you have the right to know it."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Zeldrick. Mabilis niyang nakuha ang atensyon ko.

"New? Meron na ba siyang partner dati?" tanong ko.

When our eyes met, for the second time, I felt intimidated. I felt the wind touching my skin—and the tension.

"Yeah, a partner whom she wished Law never existed."



Lunar Academy: School For The HuntersWhere stories live. Discover now