45: is this GOODBYE? :(

3.5K 40 25
                                    

SORRY SA CHAPTER NA TO. PATAWARIN NIYO AKO :|

PO-POST KO NA RIN ANG FINALE MAMAYA.


-------------------------------------------------

Chapter 45


DJ's POV


Ngayon, masayang masaya na ako. Hindi dahil sa hindi nanaig ang pagmamahalan namin ni Kathryn hanggang sa huli. Kundi...








Masaya ako dahil sa huling araw at minuto ng buhay ko, nasabi ko sa kanya kung gaano ko parin siya kamahal.





Hindi man niya narinig.. Hindi man niya inasahan.. At least nag-effort ako. Kaso nga lang, sobra ata yung effort ko eh. Ang laki ng kapalit.




Pero okay na rin, kasi alam ko sa sarili ko na tapos na ang misyon ko sa mundong to. Yun ay yung mahalin at maalagaan si Kath ng buong puso.






Ganun pa man.. May pinagsisisihan din ako. Nasaktan ko siya. Napaiyak ko siya. Ni hindi ko man lang nasabi sa kanya ang dahilan ng lahat.






Pero sabi ko nga sainyo diba.. Okay na rin yun. Kasi kung di ko siguro siya nasaktan ng ganun, hindi niya makikilala si Enrique.




Si Enrique na handang ibigay sa kanya ang lahat.



Si Enrique na hangad lang ang kasiyahan ni Kath..





Ang swerte swerte nga niya eh. Sa kanya napunta yung babaeng sa pangarap ko nalang pala mapapakasalan.






Ramdam ko, nasasaktan ako. Masakit parin dito *turo sa puso*.. Bakit kasi kayo ganyan? Akala nyo, kaming mga lalake yung laging nananakit. Kung alam nyo lang kung gaano kami mas nasasaktan. Ganun lang kami katapang na mas pinipili naming itago yung weak side namin sa inyo.






Masakit man, pero kailangan.







Nagi-guilty nga rin ako. Dahil dalawang beses ko nang iniwan at iiwan si Kath..






Nung unang beses, okay pa yun. Kasi alam kong pwedeng pwede pa kaming magkita.




Pero ngayon, iba na..





Ngayon, kahit ano at gaano ko siya kagustong makita, wala na.. Wala ng pag-asa kasi, eto ako..















Kaluluwa nalang.


At alaalang mananatili sa isip at puso niya.


Yun ay kung maaalala pa niya ako. Sa kabila ba naman ng lahat ng nagawa ko sakanya, diba?







"Anong pangalan mo?"



Narinig kong may tumawag sakin mula sa likuran ko. Andito ako sa may batis. Ang ganda nga eh. Lahat ng nakikita ko, puros green. Fresh lahat. Mala-paraiso.




Lumingon ako at nakakita ng isang batang babae. Ka-edad ko lang siguro to.





"Ako si Daniel. Ikaw, sino ka?"





"Isa akong anghel. Anong ginagawa mo rito?"





"Hindi ko nga rin alam eh. Basta pagkamulat ko, naririto na ako. Nasan ba ako? Tsaka bakit ka anghel?"



Tinignan ko siya uli. May dala dala siyang malaking libro at sinusuri niya yun.






"Daniel. Daniel. Daniel......", hinintay ko siyang dugtungan yung sasabihin niya.


















"Daniel John Ford Padilla ba ang iyong buong pangalan?"




-----------------



KATH's POV



"KATHRYN.. Wag kang magpakasal.. Mahal na mahal kita..."

"KATHRYN.. Wag kang magpakasal.. Mahal na mahal kita..."

"KATHRYN.. Wag kang magpakasal.. Mahal na mahal kita..."





Boses yun ng isang panilyar na tao. Kanina sa seremonya, napatigil lahat ng mga tao. Pati yung pari...




Isa lang ang taong pumasok sa isip ko...








"DJ....."



Tumingin ako sa pintuan ng simbahan at biglaang natakot sa nakita ko.








"DJ... DJ!!!!!"







Tumakbo ako papalit sa kanya. Kanina, hindi siya yung DJ na una kong nakilala. Kundi ang DJ na nakahandusay sa sahig at mahinang mahina.






"DJ?.. Uy DJ?! Gumising ka. DJ??? Tulungan niyo po kamiiiiiii"



Sa kalagitnaan ng misa, nagsisigaw ako. Kesa naman sa mamatay tong taong to.






May mga taong tumulong samin at ipinunta agad si DJ sa ospital. Tinignan ko si kuya na nasa altar ngayon. Binigyan ko siya ng 'im-sorry-kuya' look. Nginitian niya ako at nag-nod. Alam ko na yung ibig sabihin niya dun.



***

Love Knows No End (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora