17: Saan nyo ko dadalhin?

3.9K 57 4
                                    

Chapter 17

DJ's POV



Nakalipat na nga pala kami ng bahay. Malapit lang din kina Kath. Yung dating tinirhan namin nun.



Nung nalaman nina mommy at tita Min yung affair namin ni Kath, sobrang saya nila. Balak na nga kaming ipakasal kahit hndi pa kami kasi dun na din nman daw mpupunta yun :) sabi sainyo eh.



"DJ, alagaan mo yang si Kath ah. Alam mo nman kung gaano ko kamahal yang only sister ko. Pag yan pinaiyak mo, tatamaan ka sakin", naalala kong sabi ni Kuya Nathan. Syempre, hindi ko sasaktan yun. Ni madapuan nga ng lamok, ayoko eh.



Kung sa school ang pag-uusapan...


Ok naman. Pumapasa. iginagapang ang grades. Ayokong ma-turn off si Kath noh. Tsaka inspired ako, anebe :)


Kay Kath...

Hindi kami nakakapag-usap. Mag-iisang linngo na nga. Pero gaya ng sabi ko, may plano ako at sigurado akong worthy yun.




Sa barkada..

Mas lumalim pa yung samahan. Pero hindi pa rin maiiwasan yung tampuhan. Ganun naman yun diba? Sa huli, kayo parin yung magkakasama at magdadamayan.

Minsan na ngang nag-away sina Kris at Niel dahil sa isang napakaSERYOSONG bagay.




**Flashback**


Sa school..


"Hoy Kris! ilabas mo yun kung ayaw mong sapakin kita", nag give way lahat ng mga tao sa corridor pagdaan ni Niel. Kulang nalang yung hangin effect para magmukhang movie talaga.


"Ano nnaman ba yun?", sagot naman ni Kris na ang inosente ng mukha.


"wag ka na ngang magmaang maangan dyan. Andami ng nakapagsabi sakin na ikaw ung may kagagawan nun", galit na galit yung itsura ni Niel. Ako naman, tawang tawa dahil alam ko kung ano yung tinutukoy ni Niel.


"Teka, hindi kita ma-gets pare. Ano ba yung kinuha ko?", tanong uli ni Kris.


Pero bago pa makapagsalita si Niel, humarurot na ang mga kamao ni Kris at bigla syang tinulak atsaka sinuntok. Nanlaban naman etong si Niel. Bugbugan na ang eksena dito sa corridor. May kanya kanyang bet ang mga tao. Hahaha.




"Mr. Dangculos and Mr. Coleta.. Anong nangyayari dito?", dumating yung head ng English Department at galit na galit.


Humarap si Kris at Niel na puro black-eye at pasa na.



"Ekasi po etong si Kris.. Bigla nalang akong sinuntok", sumbong ni Niel na parang bata kung magsalita.


"Ikaw kasi eh. Nanunugod ka nang walang dahilan", sagot ni Kris. Ano si Mam Head dito? Props? Walang kumakausap sakanya eh.


"You two, yes, kayong dalawa. Proceed to the guidance office. NOW!"



Hala! Akalain mo yun. Maga-guidance sila ng wala sa oras. Hahaha.



Sa guidance..

Syempre, sumisilip kami. Chismosa eh.


"Ano bang pinag-aawayan nyong dalawa ha?", tanong ng guidance counselor.


"Siya po kasi", sabay nilang sabi. At nagturuan pa.


"(Sigh) osige, ikaw na muna Mr. Coleta ang magsalita. Tutal, ikaw ang nanugod sakanya"



"Kasi Mam, kinain ni Kris yung pagkain ko. Tapos hindi nakuntento pati yung inumin ko, inubos", hahahahaha. Kaming mga estudyante dito sa labas, halos mamatay na sa kakatawa. Pati yung counselor, natatawa na rin.


Tinignan ko si Kris. Gulat na gulat yung reaksyon. Ekasi, wala naman talaga siyang kasalanan. Actually......





"Daniel Padillaaaaaaaaaaaaaaa!", sabay na sigaw sakin ni Kris at Niel na ngayo'y naka-grin na yung teeth..



Kinuha ko na yung bag ko. Huminga ng malalim. At ni-ready ko yung sarili ko. Nagsimula na akong...




Tumakbo.......





Hahahahaha! Ako naman kasi talaga yung kumain nung pagkain. Tapos ako din yung nagsabi kay Niel na si Kris yung may kasalanan. Hahahahaha. Ang sama sama kong kaibigan. hahahaha



Nakakapagod na ding tumakbo kaya nag surrender na ko. Nahabol na tuloy nila kong dalawa. Hahaha.


Pinagtawanan ko sila maghapon pero ubos naman ang pera ko dahil sa kanila. Palitan ko daw yung pagod at kahihiyang nagawa nila kanina.


Lesson: Wag sugod ng sugod. Wag magpauto. At wag mag-iwan ng pagkain sa mesa para hindi makain ng iba. Hahaha!


*** END of Flashback ***



Napapangiti akong mag-isa ngayon sa harapan ng salamin habang inaalala yung mga kalokohang nagawa naming magbabarkada.



Nagpapapogi ako dahil may date ako.
Todo support naman tong si mommy.



Magpo-propose na ko kay Kath. Masyado bang maaga? Eh pakialam nyo ba. Basta, magpo-propose ako.



Maraming beses ko ng binalak to pero may umeepal eh.


Si Julia at Quen..


Pero ngayon, sigurado akong magiging successful to kasi wala sila. Sinakto ko talaga sa timing na busy silang dalawa.


Mayaman sina Julia. Ang sabi niya, mawawala siya ng 3 days. Dahil ata sa business.

Si Quen naman, may sakit daw.



"Hello? Ready na ba mga tol? Sige sige. Text nyo na sina Joyce para masundo na nila si Kath. Papunta na ko jan"


Si Niel pala yung kinausap ko. Kasama ko sila sa pagse-set ng date na to.


----------------------------------------------------------------------------------------------


KATH's POV


mga 2pm kaninang tinawagan ako ni Joyce. Sabi niya, mag rest daw ako kasi may pupuntahan kami mamayang gabi.



Hindi rin ako nakatulog dahil sa sobrang pag-aalala kay DJ.


Tinatawagan ko pero walang sumasagot. Unattended pa. Ano na kaya nangyari dun. 1 week na siyang ganun ah.



Tinawagan ko sina Niel. Ang sabi, wag daw akong mag alala kasi safe si DJ. Eh, baka nasa bahay nila?! Ayys.


4pm na pala.
Kelangan ko na mag-ayos. Susunduin daw kasi ako nina Joyce ng 7pm.


Madami pa kong ritual sa katawan ko kaya maghahanda na ko.


Sabi pa nila, wear my best dress daw. Ano naman kaya tong ppuntahan namin? Birthday? Debut? Hmmm..



***


Ayan, okay na ako. White dress yung sinuot ko. Lace siya tapos may dark blue na belt. Blue sandals na din ginamit ko. Ok lang yan. Di nman siguro ganun kaarte ung ppuntahan namin.

[AN: eto si Kath] ----------------------------------------------------------------------------------->>>>>


Maya maya, may narinig na kong busina ng sasakyan.


Sina Joyce at Yen na nga yun. Si Bea kaya?


Nagpaalam na ko kay mama at tita. Andito nga pala si Tita, dumalaw..



"Enjoy the night iha", sabay pa nilang sabi. Ang weird naman.


**


"Oh, bat ang ganda ng mga ngiti nyo jan? Asan si Bea?", tanong ko kina Joyce at Yen. Ekasi, paglabas ko palang, abot ngiti na tenga nila.


"Haba ng hair mo Kath. Hihihi", ang layo naman ata ng sagot ni Joyce sa tanong ko.


"Eh rejoice yan haha. Asan nga si Bea?", tanong ko uli.


"Nauna na yun. Malamang nag-aayos ng eve---", tinakpan ni Joyce yung bunganga ni Yen. Huh? Ano ba to.


"Ah, Kath. Ang ibig sabihin ni Yen, nag-aayos pa siya", aaah. Okay.


"Saan ba kasi tayo pupunta", tanong ko uli. Eh nakakacurious kaya. Ngayon lang ako aattend sa mga ganito.









"Pupunta tayo sa langit Kathryn". anong langit? mamamatay na ba kami? bakit kami pupunta dun? nakunaman. may balak pa kong mag-asawa. wag naman po.


-------------------------------------------------------------------------


Saan kaya sila pupunta? Saan yung langit? Hihi.

Medyo mahaba na kasi ata yung chapter kaya bibitinin ko muna.


Hula hula lang :)

Libre pa-dedicate.

Love Knows No End (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя