26: 'R.I.P' ..... Kathryn.

3.6K 44 4
                                    

namimiss ko na si Kuleeeet Czariii kaya i dedicate this chapter sakanya :))))))

ENJOY READING!!

-----------------------------------------------------------

Chapter 26

KATH's POV

Maaga kaming pumasok sa school ni DJ. Kasi wala lang. Trip lang namin.

"Andito na si Daniel"

"Wow. He's so hot talaga"

"Sino yung girl na kasama nya?"

"I thought, girlfriend nya"

"Bagay bagay nga naman talaga sila"

Sa lakas ng mga bulungan ng mga tao dito sa school habang dumadaan kami ni DJ, yung last na nagsalita lang ang nakapagpagaan ng loob ko.

Nung bago palang kasi kaming mag-on, puro pambabastos at panlalait ang mga salitang inabot ko.

Hindi naman kasalanang maging gwapo at habulin ni DJ. At hindi ko rin naman kasalanang ako yung pinili niya.

"Tigilan nyo nga yang girlfriend ko. Dahil kahit anong panlalait at panunuya nyo sakanya, hndi nyo maaalis sakin yung thought na mahal ko SIYA. Halika na Kath"

Naalala kong sabi ni DJ sa grupo ni Bianca noon. Kasama nga si Julia eh. Nasa canteen ako nun. Palabas na sana nang hinarang nila ako at tinadtad sa lait.

Well, wala na nga talaga silang magagawa dahil ako si KATHRYN.. Hindi sila.

Ngayon, hindi na ko nag-aalangan sa mga sasabihin ng ibang tao. Natuto na kong lumaban. Hindi naman sa laban na as in makikipagsabunutan ako. Kundi yung laban na pagiging matatag at malakas sa kabila ng mga masamang inaasta nila sakin.

"Hatid na kita sa room mo Kath?", alok ni DJ.

"Ah. Una ka na DJ. May kukunin lang ako saglit sa locker ko".

"Sige, sunod ka na rin ha. Baka ma-late ka".

Nauna na si DJ. Pupunta pa kasi ako sa locker room. Naiwan ko kasi yung book ko dun.

Andito ako sa hallway papasok sa locker room. Tanaw na tanaw ang nagbuhol buhol na estudyante na tila may pinagkakaguluhan.

"Ayy, bakit siya may ganyan?"

"Sino kayang gumawa nito?"

"Kaninong locker yun"

"Siguro ang laki ng kasalanan nito nuh"

"Kawawa naman siya"

"Lagot siya nito"

Ewan ko pero bakit puro bulungan at tsismis ang naririnig ko ngayong araw.

Dahil sa nagmamadali na akong makuha yung book ko at para na rin malaman kung anong merun, sumigaw ako.

"EXCUSE MEEEEEEEEEE!!!!"

All of a sudden, tumahimik silang lahat. Para akong isang artista na binigyan ng way para makadaan. Gumilid silang lahat.

Maya maya...

"Siya ba yan?"

"Oo, kanya ata yung locker"

"Si Kathryn yan dba?"

"She's dead"

Bulungan nnaman sila habang dumadaan ako. Tama ba yung mga narinig ko? Ako yung topic?

Yung mga mata nila, lahat, sakin nakatingin. Mga matang parang nandidiri. Ewan ko ba. Hindi ko nalang pinansin. Tuluy tuloy parin ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa tapat ng locker ko.

Napaatras ako nang makita ko yung harapan ng locker ko...

May picture ako dun...

punit punit...

May nakalagay pa na "X" tapos may nakasulat na "R.I.P"

Tinitignan parin ako ng mga estudyante dun. Feeling ko tuloy, isa akong kriminal na matagal ng hinahanap ng mga pulis.

Eto nnaman. Gumugulo nnaman yung taong yun kung sino man siya.

Ikatlong threat na to sakin. Palala nga ng palala eh.

Tinanggal ko yun at itinapon sa basurahan.

"Ano pang ginagawa nyo dito?", pagsusungit ko sa mga estudyanteng nagbubulungan parin hanggang ngayon. Lalo na yung grupo ni Bianca, kasama si Julia.

"Kayo! Tsaka niyo na ako pagtawanan at pagbulungan kung maganda na kayo!".

Dahil sa inis ko, umalis na ako. Dumiretso na ako sa Canteen. Tinext ko na rin si DJ na hndi ako mkakaattend ng klase. Hndi rin lang ako tatantanan ng mga gumugulo sa isip ko.

Sino kaya ang may gawa nun?

Bakit niya ginagawa yun?

Ang daming tanong ang sumasagi sa isipan ko. Naiyak na rin ako dahil sa takot. Sinabihan ko na rin yung barkada na puntahan ako sa plaza after class.

Paano kung sa susunod, tuluyan na akong patayin na wala man lang kalaban laban..

Diyos ko, tulungan nyo po ako!!! Gulong gulo na po ang utak ko. Takot na takot na rin ako sa pwedeng mangyari sakin.

****

"Nanaman. Anak ng pepe. Hndi ka ba titigilan nyan?". Panimula ni Niel.

Naikwento ko na pala sa barkada yung pangyayari kanina.

"Mukhang pagrabe ng pagrabe yang ginagawa sayo ah", si Bea.

"Oo nga eh. Natatakot na nga ako", sagot ko naman.

"Paimbestigahan na kaya natin Kath? Baka kung ano pang gawin nyan sayo sa susunod?". Suggest ni Joyce.

"Wala ba kayong napapansin guys?". Si DJ. "Tsaka lang may nangyayaring ganito kay Kath kapag mag isa siya"

Oo nga nuh?! Hindi naman yun nangyayari sakin kapag kasama ko ang barkada.

"Kailangan talaga, oras oras dapat may kasama ka Kath". Si Kris

"Pero, hndi naman lahat tayo eh matututukan siya. Ipaalam nalang din natin kina Tita". Sabi ni DJ

"Yan ang wag na wag nyong gagawin". Pagpigil ko.

"KATH naman!!!", si DJ

"Ayokong mag-alala sila ni Kuya. Kaya please, wag nyong sasabihin. Yan nalang ang favor ko sainyo".

Natatakot na talaga ako. Yung feeling na, hindi mo na alam kung ano ang pwedeng mangyari sayo sa bawat oras na lilipas. Parang 'Game Of Death' lang. Pakiramdam ko, pinaglalaruan ako ng tadhana.

Naalala ko si Julia kanina. Hindi siya tumawa. Hindi nakisali sa bulung-bulungan. Tahimik lang siya pero nakataas yung mga kilay....

------------------------------------------------

SOMEONE's POV

HAHAHAHAHA sigurado, nanginginig na sa takot yung babaeng yun. Siguro, malapit na syang mamatay sa kakaisip kung sino ako! Hahahaha.

"Oh, eto yung parte nyo. Sa susunod uli ha. Maaari na kayong umalis".

Kausap ko yung mga tauhan ko. Yes! May tauhan ako. I have the power. Mayaman ako at kaya ko silang bayaran ng kahit magkano.

"Ano po bang balak niyo sa babaeng yun?"

"Ang kukulit nyo. Umalis nalang kaya kayo. Dadagdagan ko yang pera, sa susunod na may ipagawa ako"

Nagsialisan na sila.

HAHAHA. Isa lang naman ang goal ko dito eh.

Ang Patayin Sa Sindak si KATHRYN!!!

----------------------------------------------------------------

Love Knows No End (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon