34: A Day With Julia.

3K 36 3
                                    

pasensiya na kung ngayon lang uli mag-a-update :) busy na kasi sa school. Wala kaming pasok for 3 days!!! YAY.

Dedicated to HER :)

Enjoy Reading...

-----------------------------------

Chapter 34

KATH's POV


Umuwi muna ko sa bahay para makapagpalit. Sinuot ko yung binigay na damit sakin ni DJ. Terno kami nun. Parang couple shirt pero hindi. Haha basta ayun. Sinuot ko rin yung necklace na bigay rin niya.



After 30 mins...


Andiyan na si Julia. Dala dala ang kanyang magarang kotse na ayon sa kanya ay peace offering ng daddy niya. Nagkatampuhan kasi sila.. Sosyal nuh!





"Ano BFF.. Ready ka na?", bungad sakin ni Julia. Super gara naman ng damit niya. Nagmumukha tuloy akong muchacha.


"Hmm.. Saan ba tayo ppunta? Ok lang ba tong suot ko?", tanong ko sa kanya.


"Ok na yan. You look gorgeous :) tara na"




Sumakay na ko sa passenger's seat. Nakakahiya nga eh. Ako raw ang una niyang naisakay dito sa bago nyang sasakyan. Color steel-blue siya. Ang astig.




Malayo layo na rin ang nararating namin. Ni hindi ko na nga alam kung nasan kami.



"Julia, gaano ba kalayo yung ppuntahan natin?"


"Basta Kath.. Relax ka lang dyan", nakita ko siyang nag-smirk.




Dumaan kami sa masusukal na daanan.

Wala na akong nakikitang mga bahay at mga tao sa lugar.


Kinakabahan na ko. Natatakot ako. Ahhh! Itetext ko nalang si DJ...





Pagkahugot ko ng phone ko sa bag ko...




"Naku Kath! Walang signal dito. Wag ka na mag aksaya ng panahong makipagtext"


Tinignan ko yung phone ko. Waaaaa! Wala ngang signal :( malas naman oh.




"Julia.. Malapit na ba tayo? Bat hindi nalang kasi tayo pumunta sa mall? Bakit dito pa?"



"Ang kulit mo naman Kath! Manahimik ka nga dyan at sumunod nalang sakin! Tsssk"



Hindi ko akalain na masisigawan ako ni Julia ng ganun. Nagkasalubong na yung mga kilay niya. At yung tono ng boses nya, parang nasaniban!



"Julia....."



"Hmm. Sorry Kath. Kasi eh, stay put ka lang dyan. Mkakarating din tayo"



Hindi nalang ako nagsalita kasi baka mamaya, masigawan nnaman ako. Pero tama ba yung nararadar ko? Na may masamang binabalak to?



Wala pa namang signal :( hndi ko ma-a-update si DJ sa mga pwedeng mangyari.



Drive lang ng drive si Julia. Hanggang sa makakita kami ng isang magandang bahay. Mala-palasyo ang dating. Kaya lang... Napaka-alone. Yun lang yung nag-iisang bahay na nakatayo sa lugar.



Hininto ni Julia yung kotse at hinila yung brake. Andito kami sa tapat ng isang PALASYO.


Pagkakita ko roon, nawala lahat ng mga takot sa loob ko. Yung mga doubts na kelangan ng palitan ng trust.



"Andito na tayo Kath"



"B-bahay mo ba to Julia?"



"Aah.. O-oo. Regalo din sakin to ni daddy last year"



"Eh bakit mag-isa lang ng bahay na to dito?"


"Yan kasi yung request ko. Yung kapag ka malungkot ako at gustong mapag-isa, mkakapunta ako rito. May care-taker naman dito pero wala sila ngayon. Naka-leave"



Kung gaano kaganda yung bahay nila sa lungsod... Triple pa ang ganda nito.



May swimming pool.

May playground pa para sa mga bata kung saka-sakali.

Punung-puno ng bulaklak ang paligid.

At higit sa lahat.. TAHIMIK


Ang sarap manirahan sa ganitong lugar.



"Pasok tayo Kath", pagyayaya niya.



As in wow talaga ang bahay na to. Hands down ako :)




"Kuha lang ako ng maiinom natin Kath ha. Diyan ka nalang muna sa sala"




Habang nakaupo ako sa mamahaling sofa, tumingin muna ako ng pictures ni Julia nung early years niya...


Merun pa dito yung picture naming dalawa... Naalala ko nnaman tuloy :|



Maya maya...




"Oh, Kath.. Juice! Inom ka muna. Alam ko napagod ka sa byahe"


"Sige sige. Salamat..."




Ininom ko yung juice na binigay sakin ni Julia. Oh, pati juice nila, bakit ang sarap sarap. Wala bang lugar o bagay sa bahay na to ang hindi kaaya-aya?! Tsss.




Nilaklak ko yung isang basong juice. Uhaw na uhaw talaga ko eh. Sa haba ba naman ng biyahe.




Nangalahati ko na yung juice nang bigla akong makaramdam ng sakit ng ulo. Napahawak pa ko sa ulo ko dahil sa sobrang sakit. Parang sasabog na nga eh..



Tapos nahilo na ako.

Feeling ko, hini-hypnotize ako..




And...









Everything turned black.

-------------------------------------------------------------

Love Knows No End (Completed)Where stories live. Discover now