20: Gift .. Galing kanino?

3.8K 54 10
                                    


Chapter 20

KATH's POV


Matagal din kaming nagkuwentuhan at nagtawanan ni DJ bago niya ko ihatid sa bahay. Umuwi na rin yung mga kaibigan namin. Akalain mo yun, lahat ng mga excess foods, inuwi nila hahaha.



Hinatid ako ni DJ nang hindi gamit yung kotse niya.

Hindi rin kami naglakad dahil alam nyang tamad akong maglakad.

Hinatid niya ko sa kakaibang paraan. Para naman daw maiba.





Sumakay kami sa kalesa.


O diba? Napaka-old school talaga ng boyfriend ko. Pero ang sweeeeet <3



Yung kalesa, punung puno uli ng decoration. Ang yaman sa bulaklak, in fairness. Tapos sa harapan, may nakasulat na 'I LOVE YOU, KATH'. Actually, ang hirap magpigil ng kilig ha.



"Huy, Kath! Kinikilig ka naman dyan?!". Rinig kong sabi ni DJ. Pano nya nalaman? Shaaaks.


"Sino nagsabing kinikilig ako?". Oo, kinikilig talaga ako :p


"Eh, kanina ka pa kaya nakangiti ng mag isa jan. Tsaka tignan mo nga yang cheeks mo oh, namumula na. Yeeee". Hinawakan niya yung cheeks ko. Anebenemen.


"Haynako DJ. Tumigil ka nga jan. Hindi ako kinikilig. Sobra lang". Anong sinabi ko? Halaaa. Sana di niya narinig hihihi.



"Uuuuuy! Si Kath. SOBRANG kilig. Hahaha". Nakupo! Narinig nga niya.


"Tseee. Ano ba! Tumigil ka! Hindi nga ako kinikilig". Kasi eh, nagstart nnaman syang mang-asar. Alam nyo naman kapag nagsimula na yan, mahirap ng pigilan.



"Oh! Hyper nnaman ang girlfriend ko. Halika nga dito". Eto uli sya. Ang mahiwagang lambing nya na wala pang isang segundo, napapaamo na ko.


Naka-open arms siya at inaantay na lumapit ako sakanya para mayakap ako. Nakakaawa naman kaya yumakap na ako. Hihihi.




"Kahit di mo naman sabihing kinikilig ka Kath, alam na alam ko na yan". Yakap yakap parin niya ako. Di na nahiya kay manong kutsero!



"sus, oo na. Kinikilig na kung kinikilig. Ikaw kasi ehhh. Baka masanay ako nyan ah". Bumigay na rin ako. Hahaha.




"Kath, okay lang na masanay ka. Wala naman akong balak itigil to".


"Promise ko sayo Kath, kahit tayo na.. Araw araw parin kitang liligawan at pakikiligin :) ". Dugtong ni DJ.



Aysh DJ.. Kahit wala kang gawin, kikiligin parin ako. Hihihi ang landi landi mo Kath! Eh bakit ba? Boyfriend ko naman siya diba? Kayo kaya ang magkaroon ng boyfriend na kasing gwapo at kasing sweet niya <3


***



nakangiti nnaman ako habang nakahiga sa malambot kong kama. Nakatingala sa kisame at tanging ang mga litrato ni DJ na nakapaligid sa buong sulok ng kwarto ang nakikita ko.



Ganito pala kapag inlove nuh?! Hindi siya maalis sa isip mo. Laging siya yung nakikita mo. Natatameme ka kapag naiisip mo yung mga memories nyo together. Hayyy DJ, nakakabaliw naman.






"Baby... Baby.. Si DJ to... May text ako oh.. Dali na, basahin mo. I love you"




Oops! Yan ang message tone ko kapag si DJ ang nagtext. Merun din ako nyan sa kanya. Nirecord namin yan kanina after naming magkulitan.


Kinuha ko yung cellphone ko at dali daling binuksan yung text ni DJ.



From: Baby DJ <3
   Huy! Namimiss na uli kita :) matulog ka na ha. Lilinisin pa natin yung mga kalat sa burol bukas. Hehe dejoke. Goodnight. I LOVE YOU payatot. Muaa**




MUAA?? Naalala ko tuloy yung 3rd kiss namin kanina. Makapagreply nga..





To: Baby DJ <3
     Huy ka rin! Mas miss nga kita eh. Matulog ka na rin ah. By the way, thanks for the night :) I LOVE YOU, TOO.




Maka-hoy kaming dalawa eh nuh?! Sweet kaya nun. Hehe. Ang swerte swerte ko talaga sa lalakeng to. Hindi ko nga aakalain na yung bestfriend ko, magiging first boyfriend ko. Ang galing talaga ni kupido.




Ready to sleep na ko nang biglang tumunog yung doorbell. Sigurado, tulog na sina mommy at kuya kaya ako nalang ang magbubukas.








"Ms. Kathryn Bernardo?"

"Yes. Ako nga po yun"

"Ah, special delivery po para sa inyo"

"Kanino daw galing?"

"Hindi po pinasabi yung pangalan eh"

"Ah, sige. Salamat"




Isang delivery boy na nagdeliver, malamang. Isang box na naka-wrap ang natanggap ko. I assume, isa itong regalo. Pero sino namang magpapadala nito sa disi oras ng gabi?





Tinignan ko yung box. May nakasulat na note. Computerized siya.




"Kayo na pala. Congrats ha"





Haaa? Kakasagot ko palang kay DJ, broadcast na agad yung news?! Tsaka, walang nakakaalam nun. Except yung barkada. Oo tama! Baka isa sa kanila ang nagbigay nun. Sweet naman.





Excited akong buksan yung box. Hindi ko na hinintay pa ang bukas.


Hirap namang buksan nito. doble doble yung wrapper.



Ayan! Sa wakas nabuksan ko -----











"Aaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhh!!!!!!!"









Napatili ako at kinabahan sa nakita ko matapos kong buksan iyon. Naihagis ko pa yung lalagyan dahil sa sobrang pagkagulat.
































Isang manikang putol putol ang katawan ang laman nung box na yun.








Hindi to magandang biro. Ayon sa mommy ko, isang masamang pamahiin ang makatanggap ng mga ganung regalo.






Pero bakit naman ako reregaluhan ng barkada ng isang manikang putol putol ang katawan?! Isa lang ba tong biro o...














Ibang tao ang may kagagawan nito?

------------------------------------------------------

AN : pasensya na sa chapter na to :) hehe .. more updates laterrr..

VOTE

COMMENT

BE A FAN

Love Knows No End (Completed)Where stories live. Discover now