38: Sorry [part 2]

3.1K 38 6
                                    

Last 2 chapters + Epilogue nalang siguro to.

Dedicated to Ivy Joy Marionette ... Salamat sa pag-fa-fan at sa pag-support nitong story ko na to :)

--------------------------------------------

Chapter 38

still DJ's POV

"I'm sorry Kath, but this is goodbye :'("

Hindi ko na talaga napigilan ang pag-agos ng mga luha ko. Hindi ko ma-imagine na nasabi ko ang lahat ng yun kay Kath.

"DJ.. Bakit mo to ginagawa sakin?! Sabihin mong nagjojoke ka lang. Sabihin mong pinagti-tripan mo lang ako!!!", nagmamakaawa na si Kath sa akin. Halos lumuhod na siya sa harapan ko.

Gusto ko siyang akayin at sabihing: 'Kath, you don't deserve this. Ayokong makita kang nasasaktan kaya ko to ginagawa. But the truth is, ayaw kitang mawala sa akin'

Tinapangan ko at nilakasan ang loob ko para harapin ang consequences na epekto ng agad-agaran kong desisyon.

"Please DJ... Tell me you're just lying. Umuwi na tayo!", si Kath uli na nakaluhod na ngayon sa harapan ko.

"No Kath. It's not a joke. Umuwi ka na coz I'm staying here.. With Julia"

Hindi ko siya tinignan habang binabanggit ang mga salitang iyon. I don't mean every little word I said. Alam kong sobrang sakit nun para sa kanya.

"Ano bang pinagsasabi mo Daniel?! Diba, we promised each other na sabay tayong lumaki at sabay din tayong tatanda? Hindi ba magpapalipad uli tayo ng saranggola sa Mini Forest? Hindi ba magtatayo pa tayo ng bahay sa may burol? Asan na ang lahat ng yun DJ?! Magkasama nating binuo ang mga pangarap na yun.. Tapos eto ka ngayon, bigla nalang bumibitaw?!"

"All of that were just silly promises. Hindi ko kayang tuparin ang lahat ng yon para lang sayo Kath. Masaya lang ako nun kaya ko nagagawang mag-promise. But now? Right here with you? Hindi na. Hindi na ako masaya. That's why I'm breaking all the promises we have made together."

Hindi pa rin tumatayo si Kath mula sa pagkakaluhod niya. Umiiyak parin kaming dalawa habang nagsusumbatan.

"So kanino ka na masaya ngayon DJ, ha? Sa piling ni Julia? Sa piling ng babaeng halos sirain na ang buong pagkatao ko?! at ang pagsasamahan ng barkada?"

"Oo Kath. Do you want a proof?"

Hinila ko si Julia papalapit sa akin. Hinawakan ko yung bewang niya at nilapit yung mukha ko sa kanya. And once upon a time, I kissed her. Without any emotions and feelings.

"How could you do this to me DJ!!! All this time, pinaniwala mo kong ako lang ang mahal mo. Sinabi mo pa nga sakin kanina diba? Na mahal na mahal mo ko. Pero sa nangyayari ngayon, pinatunayan mo lang na isa kang manloloko..."

"Tama na Kath! Kahit ano pang sabihin mo diyan.. Hindi na mababago ang lahat. Pinaglaruan lang kita. Remember? Nung bumalik ako rito galing US, I was mad at you. Nakakairita ka kasi... Ganun na ganun ung nararamdaman ko every time na ikaw ang kasama ko. Naaalibadbaran na ko sayo Kath. Kaya kung pwede, lumayo ka na. Umalis ka na at wag ka ng magpapakita sakin kahit kelan!!!!"

Ayoko nun. Sobrang ayoko. Ang harsh ng pagkakasabi ko sa kanya. Pero yun lang yung alam kong paraan para mapangalagaan ang kaligtasan niya.

"Hindi ako aalis dito DJ hangga't hindi mo sinasabi na hindi mo na ako mahal!"

No Kath. Don't make me say that to you. Mahal na mahal kita at hinding hindi mawawala yun.

Tinignan ko si Kath..

Yung mga mata niyang nagmamakaawa na sabihing mahal ko parin siya. Yung mga tingin niyang sinasabing 'gusto ko ng umuwi kasama ka'

Tinignan ko si Julia...

Yung mga tingin niyang punung puno ng paghihiganti at gustong gustong makita ang mga tao sa paligid niyang nasasaktan.

"Sige. Pumili ka ngayon sa aming dalawa. Now.. Are you staying here with me? Or sasama ka kay Kathryn? You know what's gonna happen DJ....."

This is what I hate the most. Yung papapiliin ka between either of the two.

I wanna hold Kathryn's hand and walk away from that house. Pero kung gagawin ko yun, I know malaki ang magiging kapalit nun sa takbo ng buhay ni Kath.

If I'll choose to stay... I will be with Julia for the rest of my life.

"DJ... Please, wag mong gawin sakin to. Diba, mahal mo pa rin naman ako?! Alam ko yun DJ. Sabihin mo sakin..."

Humahagulhol parin sa iyak si Kath. And I can't do anything para ma-comfort siya. Instead, ako pa ngayon yung gumagawa ng dahilan para umiyak siya :'( I feel so bad. i feel so guilty.

"Dali na DJ.. Pumili ka na sa amin!", pagmamadaling sabi ni Julia. Nakakainis siya. Napaka-wise niya.

madaling sabihin para kay Julia ang mga iyon dahil once and for all, plinano na niya ang lahat ng to. Hindi siya nag-aalangan dahil alam niya, na at the end of this day, sa kanya na ako mapupunta.

Tinignan ko uli si Kath bago man ako makapagsalita..

Nilapitan ko siya at niyakap for one last chance. Niyakap niya ko pabalik.

"DJ, ang ibig bang sabihin nito... Ako ang pinipili mo??", narinig kong sabi ni Kath.

Hindi ko yun sinagot. Instead.....

"I'm doing this for you Kath. Sana maging tahimik at masaya ka na pagkatapos nito"

Bumitiw na ko sa pagkakayakap ko sakanya. Yung reaksyon ni Kath sa sinabi kong yun, hindi ko maexplain. the right adjective siguro is TAKOT na TAKOT siya... Hindi makapaniwala.

It took me minutes para sabihin tong mga salitang to. And it took me a lot of courage para masabi to.

"Umuwi ka na Kath. Hindi ako sasama sayo"

at dun. Sa pagkakataon na yun... Iniwan ko sa kawalan si Kath. Lumabas ako ng kwarto para takasan din ang sakit na nararamdaman na ako mismo ang gumawa. 

i'm so sorry Kath..

I just want you to be happy. Kahit na ang pagkawala mo pa sa piling ko ang magiging kapalit nito.

---------------------------------------------------

Love Knows No End (Completed)Where stories live. Discover now