39: Hate that I LOVE YOU

3.1K 43 9
                                    

Dedicated to a friend :) Support niyo din po yung stories niya, She's a good writer :)

Yung sinabi kong 2 chapters + epilogue nalang, i don't know kung masusunod yun. I'm planning to extend 2 more chapters siguro. Basta, update ko nalang kayo.


---------------------------------------------

Chapter 39

KATH's POV



"Umuwi ka na Kath. Hindi ako sasama sayo"

"Umuwi ka na Kath. Hindi ako sasama sayo"

"Umuwi ka na Kath. Hindi ako sasama sayo"




Hindi maalis sa isipan ko yung mga katagang binitawan ni DJ. Simpleng mga salita lang yun pero ang lakas ng impact sakin.



Yung marinig mo yun galing sa taong pinakamamahal mo at handa mong isugal ang lahat para sa kanya... Sobrang sakit ehh. Ang sakit sakit. Para akong binaril ng limang beses patalikod.



Umalis ako at lumayo sa bahay na yun nang mag-isa.



Nung una, nung dumating kanina si DJ... Ang saya saya ko. Naisip ko na safe na ako at andito na siya sa tabi ko.



Pero hindi. Nagkamali ako...




Andito pala siya para saktan at pahiyain ako sa sariling nararamdaman ko.



Pinaglaruan lang nila ako ni Julia all this time. Siguro, magkasabwat sila. Siguro, plano na nila ang lahat ng to..



Pinaniwala niya ako sa tunay na kahulugan ng PAG-IBIG. Pero hindi ko alam na siya rin pala ang magbibigay dahilan para matutunan ko ang salitang PAGHIHIGANTI.




Maghihiganti ako.. Oo! Pero hindi sa masamang paraan. Ipapangako ko sa sarili ko na kakalimutan ko ang lahat ng to. Kakalimutan ko na may Daniel na nag-exist sa buhay ko....





Naglalakad ako sa kawalan.

Madilim.

Walang tao.




Mas okay na nga to eh. Para at least, walang makakita sa aking umiiyak at nalulungkot.



Hindi maalis sa isipan ko yung ginawa niya.





Okay lang sanang paglaruan ang puso eh. Pero kapag natuto rin itong makipaglaro, baka di mo na masakyan ang bawat pagtibok nito.





Bukas.. Sa susunod na bukas.. At sa susunod pang mga bukas... Hindi ko parin siguro matatanggap ang mga nangyari ngayon. Masyadong masakit!! Walang pwedeng makagamot dito. Dito sa puso kong dati'y buo na ngayo'y unti unti ng nadudurog.





Nilabas ko yung cellphone ko..

Sana may load pa..




Tinawagan ko yung unang contact na magpapakita sa home screen ko..








"Hello?", sagot ng tinawagan ko.


"H-hello. S-si Kathryn to."


"Kath? Kath?! Bakit parang nanghihina ka diyan?"


"Tulungan mo ko *sob* *sob*"



"Umiiyak ka ba?! Teka. Nasan ka? Kahapon pa kami nag-aalala sayo"



"Please Joyce. Puntahan *sob* *sob* mo na ko rito *sob* *sob*"



Binigay ko yung address dito. Bahala na!



"Sige sige. Wag kang aalis diyan. Antayin mo kami ni Kris"




Binaba ko na yung phone.

This time, mga kaibigan ko nalang ang pwede kong hingan ng tulong. Si DJ? Na dati, to the rescue kapag may problema ako.. Wala. Nasan siya? Andun kay Julia. Malamang nagpapakasaya na sila.

Love Knows No End (Completed)Where stories live. Discover now