Chapter 14: Weird Feeling

Start from the beginning
                                    

"You are the way, the truth and the life
I live by faith and not by sight for You
We're livin' all for You
You are the way, the truth and the life
I live by faith and not by sight for You
We're livin' all for You
You are the way, the truth and the life
We live by faith and not by sight for You
We're livin' all for You . . ."

Lalaki ang kasalukuyang song leader ngunit mayroon itong ibang mga kasamang back up singers na mga babae. Namukhaan ko ang isa sa mga iyon, si Ate Erich. Worship leader nga pala ito. Nang mapunta sa solemn ang mga kanta, doon ko pa lang narinig kumanta si Ate Erich. Napakaganda ng boses nito. She sings "Jesus Be the Center" excellently.

Naging okay naman ang lahat hanggang sa dumating sa preaching at nagpatanggap ang pastor sa mga first timers. Nang matapos iyon, may mga ilang nagspecial number pa.

Napaangat ako ng tingin sa madilim na langit nang maramdaman ko ang pagpatak ng ulan. Walang kahit na anong bituin doon.

Patay, sabi ko sa isip ko. Bakit ngayon pa uulan? Open field ang lugar kaya wala kaming silong.

Tila napansin naman ng mga tao ang pagpatak ng ulan dahil narinig kong nagbulungan ang mga taong kalapit lang namin.

"Uulan," dinig kong bulong ni Ate Christy na katabi ko lang.

Nagulat ako nang may kung anong pumatong sa ulo, at jacket iyon ni Kuya Neico. Pinatong niya iyon sa akin. "Baka mabinat ka," aniya.

Naramdaman ko naman ang pag-init ng pisngi ko. "S-salamat," nahihiyang sabi ko at hinawakan ang jacket niya na nakapatong sa ulo ko. Hindi talaga ako pwedeng mabasa ng ulan dahil hindi pa gaanong maganda pakiramdam ko.

"Saan sisilong ang mga tao?" tanong ni Kuya Carlo.

"Baka maliligo nalang sila ng ulan," natatawang sabi ni Kuya Joss.

"Patapos na rin naman. Victory songs na lang," sabi ni Ate Christy.

"Gising pa ba kayo, guys?" Biglang dinig namin mula sa speaker. Ang lalaking song leader ito kanina na ngayon ay nasa stage na muli. Mukhang mag-umpisa na ang victory.

"Gising na gising!" tugon ng ilang mga kabataang lalaki malapit sa amin. Nagsitawanan naman ang ilan.

"Handa na ba tayong muling magpuri sa Lord kahit umuulan?" tanong muli ng song leader.

"Amen!" tugon ng mga tao.

"Then let's stand up and sing this song! Hallelujah!" malakas na sabi nito kasabay ng pagtunog ng mga instrumento. They play the intro of the song. Nagsitayuan naman ang tao at napuno ng hiyawan ang lugar.

"Mercy is falling, is falling, is falling. Mercy it falls like the sweet spring rain.
Mercy is falling, is falling all over me . . ."

Napansin ko na tila palakas nang palakas ang ulan, ngunit hindi nila iyon alintana. Mukhang ready nga silang maligo ng ulan.

"Hey, oh, I receive Your mercy. Hey, oh, I receive Your grace.
Hey, oh, I will dance forevermore.
Hey, oh, I receive Your mercy. Hey, oh, I receive Your grace.
Hey, oh, I will dance forevermore . . ."

Nagsisisayawan at nagsisilundagan pa ang ilan. Ramdam ko ang malakas na pagbuhos ng ulan at nababasa na rin ako.

Nagulat ako nang may humawak sa balikat ko. "Tara, doon ka sa kotse," ani Kuya Neico. "Dadalhin ko muna sa kotse si Faith," sabi niya kay Ate Christy.

"Sige. Hindi siya pwedeng maligo ng ulan," ani Ate Christy.

"Teka, bro, pakidala tong cellphone ko. Baka mabasa," sabi ni Kuya Joss at inabot ang cellphone niya kay Kuya Neico.

Inakay ako ni Kuya Neico paalis roon at mabilis na nilakad namin ang daan pabalik sa parking area kung saan nakapark ang kotse na dala namin.

Halos basang basa na rin kami ni Kuya Neico nang makarating kami sa kotse. Binuksan niya ang pintuan ng backseat at pinasok ako roon. Nagulat ako nang pumasok din siya at tumabi sa akin. Mabuti na lang leather ang mga seats ng kotse ni Pastor Alvin kaya kahit basa siya hindi mababasa ang inupuan niya. Biglang natahimik ang paligid nang maisara niya ang pinto.

"Nabasa ka na ata," nag-aalalang sabi niya sa akin.

Basang basa na rin ang jacket niya na nakapatong sa akin. Tinupi ko 'yon at inabot sa kanya. Tinabi niya naman iyon. Kinuha niya ang backpack niya at tila may kinuha doon, hanggang sa ilabas niya ang isang t-shirt doon at inabot sa akin.

"Heto, magpalit ka," sabi niya sa akin.

Nahihiyang kinuha ko naman iyon. Sa ayaw at sa gusto ko, talagang kailangan kong magpalit. Kung hindi, siguradong aapuyin ako ng lagnat.

"Lalabas muna ako," sabi niya at saka binuksan ang pintuan. Lumabas siya. "Katukin mo ang bintana kapag tapos ka na," sabi niya bago sinara ang pintuan.

Nang mag-isa na lang ako sa kotse, doon ko pa lang napansin na ang bilis pala ng tibok ng puso ko. Parang kumakabog iyon sa dibdib ko. Bakit ganito nararamdaman ko kapag nagkakasama kami ni Kuya Neico? Nababakla na ata ako. Si Ate Christy kasi eh!

Heavy tinted ang windshield kaya alam kong hindi naman ako kita sa loob, pero siya, kitang kita ko sa labas, nakaabang sa tabi ng kotse, kaya medyo nakakailang maghubad. Buti na lang walang ibang tao sa parking area.

Pero dahil ayaw kong maligo siya ng ulan doon, mabilis na hinubad ko ang sweater ko. Nang isuot ko ang t-shirt niya, nanuot sa ilong ko ang mabangong amoy nito, kaamoy ng mint perfume niya. Ang bango talaga.

Nang matapos ako, kinatok ko ang windshield. Doon niya binuksan ang pintuan, pero hindi siya pumasok.

"Babalik ako sa event. Diyan ka na lang muna. Ilock mo ang pintuan," sabi niya.

"O-okay po, Kuya," sagot ko nang may pagtango.

Doon niya sinara ang pintuan at saka naglakad palayo, pabalik kung saan nagaganap ang concert. Kahit na nasa loob ako ng kotse, dinig na dinig ko pa rin ang tugtugan.

Gusto ko sanang matulog. Ang kaso, baka masuffocate ako at mamatay ako nang tuluyan. Hindi ko trip mamatay sa mga oras na 'to. Saka na lang. 'Pag nakatrip na ako.

Ilang minuto akong naghintay doon. Pinapanood ko lang ang pag-agos ng ulan sa windshield ng sasakyan. Naramdaman kong bumibigat na ang talukap ko pero pinipigilan ko. Kalaunan naman ay tumila na ang ulan.

Mula rito, nakita ko ang paglabas ng mga tao sa gate, pauwi na. Mukhang natapos na ang concert at mukhang basang basa rin sila.

Naghintay ako nang ilang saglit ngunit wala pa sila. Lalabas na sana ako ng kotse para puntahan sila nang makita ko si Kuya Neico at Ate Christy, kasama si Ate Erich na papunta rito sa kinaroroonan ko. May dala silang mga nakastyrofoam na pagkain at bottled water. Basang basa rin si Ate Christy tulad ni Kuya Neico, ngunit si Ate Erich, hindi basa.

Bumukas ang pintuan at tumabi sa akin si Ate Christy. "Kumusta na? Heto na ang pagkain mo," aniya at binigay sa akin ang hawak niya.

Si Kuya Neico naman ay umupo sa driver seat, habang si Ate Erich ay sa passenger seat.

"Okay ka na, Faith?" malumay na tanong ni Ate Erich sa akin at nagbaling ng tingin sa akin.

Tumango lang ako.

Nagsimula kaming kumain kalaunan. Tahimik lang kaming kumakain ni Ate Christy habang nakukuwentuhan naman sina Kuya Neico at Ate Erich, ngunit hindi ko rin maintindihan dahil mahina lang ang boses nila at tila malambing sa isa't isa. Minsan tumatawa sila. Pasulyap-sulyap lang ako sa kanila. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako.

Napatingin ako kay Ate Christy nang mapansin kong nakatingin siya sa akin. Bahagyang tumaas ang kilay niya at makahulugang tumingin sa akin, tila sinasabi niya "Anong problema mo diyan?" Inaasar na naman niya ako. Kaasar! Dahil sa pang-aasar niyang 'yan kaya naiilang na ako kay Kuya Neico eh!

"Tigilan mo nga ako, Ate," mahina ngunit masungit na sabi ko sa kanya at saka sumimangot.

Tumawa siya nang mahina at sinabi, "Ang sama ng tingin mo eh."

Napakunot-noo naman ako at napaisip sa sinabi niya.

Masama ba tingin ko?

Against Our WillWhere stories live. Discover now