Chapter 6

21.5K 365 9
                                    

CHAPTER 6

 

            Kinabukasan ay hindi na muna pumasok sa school si Corine.  Sa hindi rin inaasahang pagkakataon ay tsaka naman din siya dinapuan ng sakit, bagay na tila nakatulong rin naman sa kanya para magkaroon nang sapat na dahilan sa hindi niya pagpasok.

            Subalit wala sa hinagap niya na pupuntahan pala siya ng nobyo!  Wala rin naman siyang nagawa kung 'di ang pakiharapan ito.

            “For you,” Ipinangbungad nito ang ilang dosenang red roses at isang box ng imported chocolates.  “I am really sorry about last night. Happy monthsarry.”  Malagkit pa niya iyong tinitigan.

            At dahil na rin sa pagiging sobrang romantiko ng nobyo ay hindi na rin niya nakuhang umarte pa.

            “Ang ibig bang sabihin ng smile na 'yan, hindi ka na galit sa akin?”

            Tumango lang siya bilang sagot at matamis na ngumiti.

            “I am really sorry, honey.”  Niyakap pa niya iyon nang mahigpit.

            “Pero wait lang,”  Siya naman ang kumalas sa yakap na iyon ng nobyo.

            Taka namang bahagyang kumalas nang yakap si Ian at matamang tinitigan sa mukha ang nobya.

            “Tell me, honestly, sino 'yung girl kagabi?”  Usisa pa niya.

            “Ah 'yun ba?”  Nagpaka-kaswal pa itong sumagot.  “Client ko 'yun. Siyempre pa, I need to treat her extra special para tanggapin niya ang proposal ko.”  Paliwanag pa niya.

            “Sigurado ka?”  Mataman pa niya iyong tinitigan sa mga mata.

            “Uhumm…” Tumango pa siya.  “I am really sorry talaga. Promise, it won't happen again.” 

            “Sure?” Paniniguro niya dito.

            “100% hon!”  Hinalikan pa niya ito sa noo.  “I love you.”  Mataman pa niya iyong tinitigan sa mukha.

            “I-I love you too.”  Matamis naman din siyang ngumiti dito.  “Oh, may gift nga pala ako sa’yo!  Wait lang ha.”  Mabilis pa siyang pumunta sa kanyang kwarto para kuhanin ang gift niya sa nobyo.  Hindi rin naman nagtagal ay bitbit na niya ang gift niya at agad iyong iniabot sa nobyo.  “Sana magustuhan mo,”  Kinagat niya ang labi sa sobrang excitement na  makita ang reaksyon nito.

            “Hindi ka na sana nag-abala.”  Malagkit pa niyang tinitigan ang nobya.

            “Pwede ba 'yun?”  Umismid pa siya.  “Sige na, buksan mo na.”  Excited na talaga siya.

            “Okay, okay…”  Tumango pa siya at tiningnan ang laman ng paper bag.  Kinuha niya ang laman nu'n at iniladlad pa niya ang t-shirt sabay  matamis na ngumiti sa nobya.  “This is nice, thank you!”  Muli ay mahigpit na niyakap ang nobya.  Noon na lang niya naramdaman ang init ng katawan nito.  “Are you sick?”  Alala pang tanong nito.

            “Kaunting sinat lang naman. Nahamugan kasi ako kagabi.”  Mapait pa niyang sabi.

            “Oh no, it’s my fault,”  Agad naman din itong nakaramdam nang guilt.  “Uminom ka na ba ng gamot mo?”

            “I’m okay. Don’t worry.”  Tiningala pa niya ang nobyo. Hindi naman din ito nahuhuli ng height kay Liam.

            “Sure?”  Paniniguro pa niya dito sabay hipo sa noo nito.

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon