Chapter 15 - Part 1 of 2

17.9K 352 7
                                    

Published: February 2, 2013

halu po! mejo bv ako sa ending ng Pai last night, but anyways, pambawi bv naman ang KimXi haha oh well, buti na lang at natapos ko talaga yung story ko ng KQ... kung ndi cguro, baka wasted na yun. no connect, just opening up ng kaunti.  kung may KN man po dito, no offense meant ha. i just thought ang cute lang nung fairy tale story ng JM. and i respect every ones opinion about it (did i say it right? haha crap! oh jeez...)  :) anywayz, have a nice weekend everyone!

#dean

********

CHAPTER 15 - Part 1 of 2

            Nang mga sumunod na araw ay higit na naging mas masaya si Corine.  Kay Liam lang kasi niya naramdaman ang pag-aalaga ng isang boyfriend.  Madalas pa nga ay palagi siya nitong pinupuntahan tuwing nababakante na ang oras nito.

            Sa kasalukuyan nga ay papunta na sana sila nila Janine at Lorena sa stadium nang makasalubong nila si Spike na tila tarantang-taranta.

            “Corine, nadala sa hospital si Liam!  Na-injured!”  Salubong kaagad nito sa kanya.

            “Ha?!”  Halos manlamig siya sa balitang 'yun.  “Bakit?!  Anong nangyari?!”  Hindi rin niya naiwasan ang mag-panic!

            “Nag-twist yata 'yung ankle niya habang naglalaro!  Nagkamali lang nang kilos kaya nagkagan'un.”  Sagot naman ni Spike at binalingan rin nang tingin sina Janine at ang nobyang si Lorena.  “Papunta nga sana ako dun sa hospital, you might want to come?”

            “Please,”  Sumamo pa ni Corine. Nag-aalala talaga siya.  “Sama ako!”

            “Okay,”  Tumango rin naman ito at panandaling binalingan ang nobyang si Lorena.  “Sumabay ka na muna kina Janine ha. Drop by na lang ako sa house n'yo right after.”

            “Sige,”  Tumango naman din si Lorena.  “Mag-iingat kayo ha.” Pinisil pa niya sa pisngi ang nobyo.

            “Thanks.”  Mabilis pa niya iyong hinalikan sa labi.  “Ingat kayo ha, Janine…”  Baling pa niya kay Janine.

            “Sige Spike, kami na ang bahala kay Lorena.”  Si Janine.

            “Thank you.”  Tumango rin naman ito sabay kinayag na ring umalis si Corine na tila agad ding nawala sa sarili.

           

            Hindi naman din nagtagal ay nakarating sila sa pinakamalapit na hospital sa school nila.  Agad yatang nagbalik ang alaala ng hospital na iyon kay Corine lalo pa nga’t parte iyon ng unang encounter nila ng nobyo.

            “Liam!”  Alala pang nilapitan kaagad ni Corine ang nobyo at buong pag-aalalang hinimas-himas ang mukha nito.  “Okay ka lang ba?  Anong masakit sa’yo? Ano bang nangyari?”  Sunud-sunod pang tanong niya dito.

            “Hey, hey...”  Nakangiti pang ginagap ni Liam ang kamay ng nanlalamig na nobya.  “I’m okay, mild injury lang ‘to.”

            “Sigurado ka?”  Paniniguro pa niya.

            “I’m okay, you don’t need to worry.”  Pagpapakalma pa niya dito.  “Spike, bro…”  Binalingan niya ang kasamahang player.  “Thank you for bringing her here.”

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon