Chapter 5

26.3K 446 23
                                    

********

DEAR READERS, PASENSYA NA PO KAYO SA MGA MALING GRAMMARS OR ANYTHING... I WAS HAVING A HARD TIME RE-ENCODING THIS STORY KASI MARAMI RIN PALA AKONG DAPAT BAGUHIN TALAGA... SIYEMPRE PA, IBA NAMAN ANG WAY NG PAGSULAT KO NOON AT NGAYON HEHE BUT I AM TRYING SO HARD PARA MAS MAPABUTI PA ANG STORY NA 'TO. AND THANK YOU FOR SUPPORTING!  

********

CHAPTER 5

            Mabilis na lumipas ang panahon, halos magdadalawang buwan na ring naging magkasintahan sina Ian at Corine.  Subalit sa panahon ding iyon, tila marami din ang mabilis na nagbabago.

            “Ehermm...”  Si Janine.  “Bakit bihis na bihis ang aming bestfriend?”  Nanunukso pang himig niya.  Kasalukuyan silang nasa stadium noon at nagpapalipas oras lang.    

            “Second monthsarry kasi namin ni Ian.”  Tipid na sagot lang niya.  Hindi niya maintindihan kung ano ba ang dapat na maramdaman ng mga nakakaraang araw.  Natatakot siyang aminin sa sarili na tila nanlalamig na ang nobyo sa kanya.

            “Lucky for you my dear dahil hanggang mamaya pa kami dito!  masasamahan ka namin!”  Si Lorena na inayos pa ang nakaharang na buhok ng kaibigan sa mukha nito.

            “Bakit?”  Taka pang naitanong niya.

            “May rehearsal kasi sila ngayon.”  Ang tinutukoy niya ay ang football team na kinakabilangan ng kani-kanilang nobyo.

            “Ah…”  Tumango pa siya a muling tumahimik.

            “Ay Corine, close na ba kayo ni Liam?”  Usisa pa ni Lorena.

            “H-hindi…”  Bahagya pa siyang umiling.  “May pagka-suplado talaga e.  Palagi pang tahimik.” Napatingin pa siya sa lalaki na noo’y hindi naman kalayuan sa kanila.

            “Suplado?”  Si Janine na nakiupo na rin sa tabi nito.

            “Oo,”  Tumango siya.  “Pero alam n'yo, kahit pa ganun siya, sobrang mahal na mahal niya 'yung little sister nilang si Karen. Ang cute nga e.”

            “Karen?”  Si Lorena na panandaling napaisip.  “'Yun ba 'yung sinasabi mong bunso nilang kapatid?”

            Tumango lang siya bilang sagot.

            “Wala kasing hilig sa bata si Ian.  Medyo aloof nga din sa kanya si Karen.”  Maikling pagkukuwento pa niya.

            “Hmm…”  Si Janine na tumingin rin kay Liam na abala pa rin sa pag-eensayo.  “May girlfriend na ba si Liam?”  Pasimpleng usisa pa niya.

            “Ewan ko,”  Napakibit-balikat pa siya.  “Pero parang wala e. Nuknukan nang suplado.”  Wala pa sa loob na napatitig sa lalaki.  Hindi niya maikakailang may pitak pa rin sa puso niya si Liam. Ang hindi lang niya alam ay kung pagmamahal ba ang nararamdaman niya o simpleng paghanga pa rin.

            “Baka naman bading.”  Pabulong pang sabat ulit ni Lorena.

            “Lukaret!”  Napatawa rin naman siya sa birong iyon ng kaibigan.

            “Bakit hindi mo kaya i-seduce?”  Si Janine na pilya pang ngumiti.

            “Hello!  Reminder lang, boyfriend ko ang brother niya!”  Umirap pa siya sa mga ito.  “Lakas rin ng tama ninyo e 'no?”

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon