Chapter 16 - Part 2 of 2

17.7K 387 14
                                    

Published: February 9, 2013

have a nice weekend guys!

#dean

********

CHAPTER 16 - Part 2 of 2

Malakas pa siyang napatawa.  “See?  kung anu-ano talaga 'yang pumapasok sa utak mo!” 

            “Ha?  A-anong sinasabi mo?”  in Deny pa siya.

            “Hey,”  Pigil pa rin ang gigil niya dito.  “'Wag ka na mag-isip okay?  Mag bonding lang tayo. Watch a movie together maybe?  May bago akong 3D movie.  Amazing Spiderman…”  Kinindatan pa niya iyon at may kung anong pinindot sa wall at unti-unti’y lumitaw ang napakalaking LCD screen sa tagiliran nito!

            “Wow…”  Mangha pa siyang napatitig sa t.v. nito.  “Ang laki naman niyan…”  Halos mamilog pa rin talaga ang mga mata nito.

            “I love watching movies.”  May kung anong pinagpipindot ito at lumitaw rin ang Blu-Ray Disc Player nito sa ilalim ng LCD screen t.v.

            “Hi-tech ha!”  Hindi talaga niya mapigilan ang mamangha.

            “Actually, we have bigger screen sa entertainment room kaya lang, mas trip ko pa ring manood dito sa room ko kaya eto.”  Kinindatan pa niya iyon sabay abot ng 3D glass dito.  “Have you seen a 3D movie before?”  Curious pang tanong nito.

            Bahagya naman siyang umiling bilang sagot.  “Di ko yata carry manood at medyo mahal kasi. Sayang ang pera.” 

            “Well, tama ka. Pero may cheaper price naman kahit digital cinema.”  Kibit-balikat pa ito.

            “Naku, wala rin naman akong time manood.”  Umiling pa siya.

            “I see,”  Ngumuso pa ito.  “At least now, ma-try mo na, for free pa.  Puwede ring unlimited if type mo.”

            “Oo nga!”  Hindi rin naman niya maiwasan ang ma-excite.

            “Okay,”  Inayos pa niya ang kanyang bed at naglagay ng malalaking unan sa may paanan.  “Tara na!”  Wala pang alinlangang dumapa iyon at bahagya pang pinagpag ang space na pupuwestuhan rin naman ng nobya.

            Excited namang sumunod lang siya sa ginawa ng nobyo at nakidapa na rin sa sobrang lambot na bed nito.

            “Wait.”  May sumagi pa sa isip ni Liam.  “Papakuha lang ako ng merienda.”

            “'Wag na po!”  Mabilis din naman siyang umiling matapos na isuot ang 3D glass.  “Nakapag-merienda naman ako before pumunta dito.”

            “Are you sure?”  Paniniguro pa niya.

            “Manood na lang tayo!”  Excited na talaga siya.

            “Okay, okay…”  Hindi na rin naman siya nangulit pa at agad na pinindot ang remote control para magsimula na rin ang movie.

            “Wow…”  Mangha pa siya nang magsimula na rin ang movie.

            Napangiti lang siya sa reaction na iyon ng nobya.  Ang makita lang itong masaya ay sapat na para sa kanya.

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon