Chapter 15 - Part 2 of 2

17.1K 356 10
                                    

Published: February 3, 2013

thanks for continued support on this story. :) may u have a great week ahead of u! God bless po! :)

#dean

********

CHAPTER 15 - Part 2 of 2

Kinagabihan rin naman ay nakalabas na ng hospital si Liam.  At tulad nang naunang plano, nagpahatid siya kay Janky sa mansion nila.  Sa sala pa lang ay agad na sumalubong na si Karen sa nakasaklay na si Liam at umiiyak.

            “Hey, baby girl, stop crying.”  Alo pa ni Liam sa nakababatang kapatid.

            “I was so worried. I wanted to go to the hospital but yaya said that I am not allowed there.”  Humihikbi pang sabi nito.

            “Kuya is fine. Stop crying.”  Pinunasan pa niya ang luha nito.

            Tumango naman din si Karen at tumigil na nga sa pag-iyak. Binalingan pa nito si Corine na noon lang din niya napansin.

            “Hello ate Corine!”  Mahigpit pa itong yumakap kay Corine at hinalikan pa ito sa pisngi.  “Are you gonna sleep here?”  Usisa pa nito.

            “No, baby…”  Bahagya pa siyang umiling.  “Hinatid lang namin ang kuya Liam mo.”  Sinulyapan pa niya ang nakangiting nobyo.

            “You should sleep here.”  Demand pa nito.  “Kuya Liam needs someone to take good care of him and I can’t be that one because I am too young.”

            “I agree.”  Pilyong gatong pa ni Liam sa kapatid.

            “See?”  Inosenteng sabi naman ni Karen na nagsumamo pa talaga.  “Please, ate…”  Pinagdaop pa nito ang dalawang palad na tila nagdarasal.

            “Liam...”  Hingi pa niya nang saklolo sa nobyo at makahulugang tinitigan iyon.

            “Karen is right. I need a caregiver…”  Umarte pa itong nananakit ang paa.

            “I agree too.”  Nakakaloko pang nakigatong rin si Janky na nasa tagiliran lang ni Liam.

            “Pagtulungan n'yo talaga ako.”  Pasikreto pa niyang dinilatan ang nobyo at si Janky.

            “No, baby girl, Ate Corine needs to go home.”  Bawi rin naman ni Liam. 

            “Are you sure you’re okay?”  Paniniguro pa ni Karen.

            “Positive.”  Siguradong sagot naman niya sa kapatid.

            “Is it okay if I sleep on your room tonight?”

            “I would love ate Corine to sleep on my room.”  Pabiro pang sabi niya sabay sulyap sa nobya. 

            “Adik…”  Bulong naman ni Corine sa nobyo.

            “I mean of course, you can sleep on my room tonight.”  Bawi rin naman niya sa kapatid.  “You’re my best cure…”  Pinisil pa niya ang mapulang pisngi ng kapatid.

            “Yes! Yes!”  Halos mapatalon pa ito sa sobrang tuwa.

            “Babe…”  Binalingan pa Liam ang nobya.  “Thank you ha.”

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon