"Opo, pinagtripan pa nga ako nun ehh" sabi ko nang nakabusangot mukha ko. Si manang naman tumawa lang.

Maya maya bumaba na rin siya nang naka black shirt, jeans at messy hair, pogi niya. Umupo na siya at kumain na din. Nang biglang may naalala ako.

"Dj, pwede ba akong pumunta sa--" di ko natapos sasabihin ko dahil bigla siyang sumabat.

"Bawal" tss. Eto na nga ba sinasabi ko eh.

"Di ko pa naman natatapos sasabihin ko eh" sabi ko naman pero tumingin siya sa akin ng masama. "Saan ka na naman pupunta?" sabi niya ng mahinahon.

"Sa birthday party ni Erika yung classmate ko dati" sabi ko naman.

"Saan?" pano ko sasabihin eh sa exclusive bar kasi yun ehh. Epal pa naman 'to lagi.

"saexclusivebarmalapitsaschool" napatingin naman siya sa akin ng nagtataka, kasi naman eh.

"sa exclusive bar malapit sa school" sabi ko nang mahinahon.

Tumingin siya sa akin ng masama, alam ko nang bawal 'to.

"Pagiisipan ko" sabi niya sabay tayo. Wait? totoo ba narinig ko pagiisipan niya! Bago yun ha! tinapos ko na pagkain ko at tumayo na rin pupunta na akong school.

Pagkababa ko sa kotse ko marami na agad tumingin sa akin kasi ang pagkakaalam nila BOYFRIEND ko lang naman si dj so in other words maraming naiinggit sa akin lalo na sa mga babae. Tss. Wala naman akong pake, edi sa inyo na siya. Hays.

"Waahhh, he's so handsome talaga"

"Geez, why so perfect"

"I LOVE YOU"

Ang iingay naman ng fangirls ni dj, halata naman eh kasi kasama niya yung mga kabigan niya sila Seth. Tatalikod na sana ako nang may biglang tumawag sa akin.

"Kath!" si daniel.

"Oh, bakit" tanong ko, wait bakit nilalapit niya mukha niya sa akin, ay bubulong lang pala.

"Bakit ka nakashorts?" nakakunot noo niyang tanong, yung totoo ngayon niya lang ito napansin.

"Bakit okay lang naman ito ha?" tinignan ko suot ko, okay lang naman, Maganda nga eh.

"Magpalit ka nga, ang daming nakatingin sayo" iritado niyang sabi.

Tumingin siya sa mga lalaki sa gilid kaya napatingin na rin ako, oo nga 'no nakatingin sila sa akin. Ganun na ba talaga ako kaganda, pero!?

"Pano ako magpapalit eh nasa school na tayo?!" sabat ko naman. Pano naman ako magpapalit eh wala naman akong dalang damit.

"Ipapa-excuse kita!" ipapaexcuse niya ako? Wag na, nakakatamad mag palit at saka bago 'tong padala ng kuya ko galing Italy pa.

"Ayoko nga!" tsaka ako kumaripas ng takbo papuntang classroom, naghihintay na si julia eh.

________________________________________________________________________

DISMISSAL

"Kath, yung hubby mo kanina may tinulak daw na babae at napaupo sa floor, gosh" sabi ni julia.

"Anong hubby? Ew tsaka pake ko naman sa kanya, tss" alam na kasi ni julia yung arrange marriage thingy namin kaya okay lang na sabihin ko sa kanya yung mga secrets ko basta wag niya lang sabihin sa iba.

Palabas na kami ni julia ng classroom nang biglang may mga tumitili, napalingon tuloy kami bigla. Si Dj. Papalapit siya sa akin nang nakasmirk. Alam kong may plano 'to!

"Sumama ka sa akin" sabi niya at hinila ako.

Tumingin ako kay julia ng please-help-me, tapos siya nakasmile lang ng wagas at parang kinikilig pa. Wow ha! bestfriends nga talaga kami!

Nang lumbas kami ng room pinagtitinginan na kami nang hinawakan niya bigla yung kamay ko. Ang higpit ng hawak niya. Tss.

Hanggang pagbaba namin hindi pa rin niya ako binibitawan hanggang papuntang parking lot.

Pinasakay niya ako sa kotse niyang Porsche at nag-drive. At grabe! sobrang awkward. Walang nagsasalita sa aming dalawa at tanging yung radyo lang ang maingay.

Pagdating namin sa bahay, nagulat na lang ako ng binitawan na niya yung kamay ko at dire-diretso siya pumunta sa kwarto niya. Ay anyare?

________________________________________________________________________

For updates and some gists of the stories I write. Please follow and share your thoughts with me!

Twitter: @quannetrelleWP

NOTE: This story is under editing.

Married to Mr.Possessive (COMPLETED)Where stories live. Discover now