FAIR 06

47 2 0
                                    

Manila, Philippines

ERINA'S POV

"Hello! Yeah. I just landed"

"Yeah. Im going home"

"Tell them that I'm safe. Bye"

I ended the call while heading out to the airport with my luggage.

"Hmmmmmmm....huuuuuu" I took a deep breath after I got out. Then I looked for our driver, si Tatay Tor

"Raine!!! Raine!!!" Napapikit ako ng marinig ko ang pangalang iyon, at napahinga uli ng malalim.

Hinanap ko siya kung saang banda at nang makita ko si tatay Tor na kumakaway pa sakin, agad akong nag lakad patungo sa exit at sinalubong naman niya ako ng masayang ngiti

"Raine! Ikaw na nga talaga yan, nakakatuwa naman at nakita kita uli" kita sa mukha niya ang saya pero di ako umimik dahil pagod ako.

"Tara na po, napagod po ako eh" sabi ko na lang kaya parang naging awkward tuloy sa kanya.

"Oh s-sige sige tara" nakangiti pa rin niyang sabi at nauna siyang nag lakad dala ang luggage ko then sinundan siya

"Kamusta pala ang flight mo? Maayos ba?" Tanong niya

"Opo, nakakapagod nga lang" sagot ko

"Mabuti naman, wag kang mag alala, palagi namang naka ready ang kwarto niyo, kaya makakapag pahinga ka kaagad pag dating nating dun" hindi ako nakapag salita nang marinig ko ang sinabi niya

"Sabi pala ng parents mo samin uuwi rin daw si Rainier next week? buti at uuwin din yun miss na namin kayong parehong dun sa bahay"

'Ang init!'

"Ah o-opo, may tatapusin pa kasi si kuya sa ospital kaya susunod na lang po siya" sagot ko at tumango tango naman siya

Nang marating namin ang sasakyan ako na mismo ang nag bukas nito at agad na pumasok

"Tiger! AC please!" Pag command ko, may voice command kasi itong sasakyan namin

"Open Air Conditioner" pag sunod naman niya.

At sumunod na pumasok si mang tor sa driver seat.

"Pahinga ka na, gisingin na lang kita pag dating natin sa bahay" sabi niyang sa rear view mirror nakatingin

"Sige po, salamat" sagot ko at pumikit na para matulog

Bahay.

"Raine? anak, gising na, andito na tayo"  pagising sakin ni tatay Tor, nung minulat ko ang aking mata.

d-.-b

Inilahad ni mang Tor ang kamay niya, at inabot ko naman yun para makalabas sa sasakyan at bumungad sakin ang bahay na nakakapag paalala sakin lahat

"Raine!" Nilingon ko kung saan banda yun at bumungad sakin ang mga masasaya nilang ngiti na papalapit sakin, napangiti ako sa kanila lalo na kay nanay Terry. ang mayordoma at tumatayong care taker sa bahay

Pagkalapit nila sakin agad akong niyakap ni nanay, kaya napayakap din ako sa kanya.

"Naku raine, anak, miss na miss na kita, buti naisipan mong bumalik pa dito" naiiyak na sabi ni nanay habang nakayakap

"Bat po kayo naiiyak? Hindi ba kayo masaya na bumalik ako?" Wika ko naman

"Huh!?" kumawala siya sa yakap namin "masayang masaya ako! Sinong hindi sasaya na yung dati kong alaga ay bumalik na!" Hinawakan niya ang kamay ko

Revenge ni MissTer PigGayWhere stories live. Discover now