Chapter 10: Just Friend, Huh?!

Start from the beginning
                                    

And for God's sake! She's too young for me!




Habang tinatapos ang gawain dito sa aking opisina, naisipan kong buksan ang TV nasa aking harapan. Sa hindi malamang dahilan o sadyang pinaglalaruan talaga ako ng tadhana, sumakto ang channel kung saan ang Station ni Rae. At ito pa ang mas lalong nagpakabog ng aking dibdib, nasa TV ngayon si Rae para sa isang afternoon fast talk show.





Hindi ko mapigilan ang hindi mapalunok at manlamig ang mga kamay habang tinitignan siya sa screen na nasa aking harapan, I admit, mapa real life man or on screen maganda talaga siya.




And hot. Tuyo ng aking isipan na agad ko namang iwinaksi.




Masayang sinalubong si Rae ng masigabong palakpakan mula sa mga audience at fans na nanonood sa kanya.




"Good afternoon everyone! Good afternoon, Rae!" Pagbati at bilang panimula ng host.



"Good afternoon, Tita Z." Ganting bati naman ni Rae atsaka naupo sa harapan ng host. Pati sa pag-upo niya ay ang ganda parin niyang tignan.




Maraming bagay ang kanilang pinag-usapan, tungkol sa paglalabas ni Rae ng kanyang bagong album this month, isama mo na rin ang paparating nitong concert sa MOA Arena na tiyak na milyon-milyong fans ang naghihintay. At sa huli, isang katanungan ang mas lalong nakakuha ng aking atensyon, katanungan na alam kong buong bansa ang naghihintay ng kasagutan mula sa isang Rae Lewis.




"Are you single or taken?" Tanong ng host na kilala sa tawag na tita V. "May nagmamay-ari na ba sa puso ng isang Rae Lewis o still available parin ito?" Dagdag pa nito.




Sandaling nagtilian at hiyawan ang mga manonood mula sa station ngunit agad din na natahimik upang marinig ang sagot ni Rae. At ewan ko rin ha, pero pati ako, gusto ko ring marinig ang kasagutan nito. At tila ba bigla pang na excite sa magiging kasagutan niya.




Napakagat labi si Rae atsaka napatawa ng mahina bago napa tikhim.




"Yes, I'm single." Muli, isang nakakabinging hiyawan na naman ang pinakawalan ng mga manonood.




Tama nga naman, single siya. Sabi ng aking isipan ngunit sa loob ko ay tila ba na disappoint sa kanyang isinagot.




"I'm single, but I'm deeply, madly in love with someone." Dagdag ni Rae sa kanyang kasagutan na hindi inaasahan ng lahat. Kung maingay kanina, mas lalo pang naging mas maingay ang mga manonood habang kinikilig sa huli nitong sinabi. Hanggang sa hindi ko namamalayan na naka ngiti na rin pala ako ng tuluyan habang nanonood sa kanya.




"Para sa huling katanungan, pwede mo bang sabihin sa amin kung sino ito?" Dagdag na tanong ni tita V. Habang ako naman ay abang na abang din katulad ng ibang manonood.




"I can't." She simply answered.




"Ito ba ay ang isang businesswoman na usap-usapan ng buong bansa, na si Ms. Adriana Mendoza?" Huling dagdag na tanong nito kay Rae. Hindi ko akalain na madadawit muli ang pangalan ko rito, pero tulad ng inaasahan, gusto ko paring marinig ang sagot nito.




Sandaling natahimik si Rae bago muling napangiti atsaka napailing...




"She's not." Sagot nito na dahilan upang mabura ang excitement at ngiti sa mga labi ko. Awtomatiko rin na napa 'awww sad' ang mga tao sa paligid. "She's just a friend and never will be mine." Dagdag pa niya.




Hindi ko na pinatapos pa ang show, muling iti-nurn off ko na ang TV atsaka agad na napatayo sa aking upuan.




"Just friend, huh?!" Bulong ko sa aking sarili habang iiling iling.




HBS 4: The Famous and The Bad Girl (GirlxGirl) COMPLETEDWhere stories live. Discover now