34 Unchained Criminal

550 8 0
                                    

A/N: New stories of mine. "GUARDED BY A SEXY BEAST" is now completed. And "UNDER THE DEVIL'S CARE" with already 12 chapters..If you have your free time I will highly appreciate your kindness to give these stories a try. Thank youuu!!

kunti nalang matatapos na ang PR at babalikan ko na ang PR2 hahah

DIANA DANE VILLA's POV

"Mag-iingat ka Diana. Natutuwa akong sa wakas ay nagawa mo naring palayain ang sarili mo. Huwag mong sasayangin ang bagong simula na ito Diana."

"Opo sister, at maraming salamat rin po sa lahat." Ngiti kong sabi kay sister Gomez at naiiyak na yinakap ito.

Im going out and no one knew. Kahit si Trey at Shasia. Ayokong malaman nila. Handa na akong magsimula muli sa bagong buhay ko, pero hindi pa ako handang harapin ang mga taong saksi kung gaano kadungis ang paghawak ko sa buhay ko. Maybe just a little time..

Tahimik akong nakasakay sa bus hanggang sa makarating ako sa probinsya. Hindi ako uuwi sa bahay ni lola Zo dahil alam kong doon agad pupunta si Trey. Pero sa totoo lang nagawa ko pang bumaba sa probinsya ni lola at sunugin ang lumang tindahan kung saan nangyari ang unang kalandian ko. Duda tuloy ako sa katinuan ko.

Pero syempre totoong magaling na ako. Pansamantalang sa bahay muna ako ng yumao kong ina ako tutuloy. Sa kalapit lang rin ito na probinsya at tahimik din ang paligid ng maliit na bahay, gawa iyun sa semento pero hindi natapos.

Matapos kung ayusin ang bahay at napahiga ako at napatitig sa kisame. Paano ba maging mabuti? Dapat ba ay laging piliin ang kabutihan?

Agad akong napabangon nang biglang may kumatok sa pinto. Sino naman kaya? Ang caretaker? Ngunit napaawang ang bibig ko nang makita kung sino ang nasa labas ng bahay.

"What? You thought you could get away with me that easy?" Ngising tanong ni Trey. Napakurap ako at binuksan ng mas malaki ang pinto para makapasok ito.

"Damn it Diana." Inis nyang sambit at mahigpit akong yinakap, akmamg hahagkan nya rin sana ako ngunit napaiwas ako. I sitted on the edge of the wooden sofa at taka itong nakatingin saakin.

"Whats happening on you?" Tanong nito at tinitigan ang suot ko.

Long sleeve blouse na naka-insert sa isang paldang hanggang tuhod at formal shoes. Ang buhok koy naka lugay rin at hindi ako naka make up. Ibang-iba sa dati kong ayos na sexy at napaka seductive ng dating.

"Whatever. Are you staying here? I'll stay here too. Though nasa kabilang bayan lang rin ang mansion namin. Sha and Arjeon is staying in your lola's house too."

"Dito lang ako."

"Dito nalang rin ako" anya ay hinubad ang suot na sleeves.

Napatitig ako sa sahig at hinawakan ang sariling mga kamay. It felt like a sin to look at him right now. Hindi dahil sa hot nyang katawan kundi dahil sa malaking kasalanan ko sakanya... I killed his twin and I'll tell it to him soon. Handa akong makulong mabayaran lang ang kasalanan ko pero ang ikinatatakot ko ay ang galit nya saakin..dahil ano mang kabaliwang napagdaanan ko malinaw na saakin, mahal ko si Trey at hindi nya ako deserve.

"Diana" sambit nito sa pangalan ko

"Bukas nalang tayo mag-usap Trey.. Pagod ako" mahina kong sabi

Psychotic Romance (COMPLETED) Where stories live. Discover now