2. Guest

6.5K 52 0
                                    

Shasia Shane Villa's POV

"Ang lakas ng ulan ah, asan ba si Diana?" Tanong ni lola

"Ewan" giit ko

"Tsk! Kung hindi pa makakabalik si Diana siguraduhin mong may hapunan nang nakahain sa mesa pagbalik ko."

"Ni hindi nga ako marunong magluto" bulong ko

"Teka aalis ka lola? Ang lakas ng ulan ah magsusugal ka na naman!" Sabi ko at agad umilag sa tsinelas na papunta saakin.

"May pupuntahan lang ako jan sa kanto!"

Busangot na napa-upo ako sa sofa. Ako na naman mag-isa sa bahay, at ayokong magluto baka masira itong mga kuku ko na kakapamanicure ko lang.

Isang busina mula sa labas ang nadinig ko. Hindi naman pamilyar ang tunog, sino ba to?

Lumabas ako at tiningnan ang kotseng naka park sa labas ng gate namin, hindi naman iyan kay mommy o kay Dickson. Napataas ang kilay ko nang unti-unting bumaba ang bintana ng kotse. Ngumiti ang lalaking naka-upo sa driver seat, flashing his perfect set of white teeth and waved at me.

Laglag ang panga ko at agad na pumasok pabalik ng bahay.

"This can't be!" Tarantang saad ko. Paano nya nalamang nandito ako? Sinabi ba ni Dickson??

"Te Sha! Isinara ko na iyung flower shop ng maaga kasi malakas naman ang ulan" biglan sulpot ni Simon, iyung nag-aalaga ng ga bulaklak at pinagkakatiwalaan na rin ni lola sa flower shop

"G-ganon ba? Eh anong ginagawa mo rito?" Tanong ko

"Kakalagay ko lang sa balde nung mga bagong dating na bulaklak walana kasing balde sa shop kaya dito ko nalang linagay-"

"Tao po?! Shasia!" Dinig naming sigaw mula sa labas. Nangilabot ako nang mapagtantong sya na iyun!

"Whatever sige na umalis ka na" giit ko

"Ok" ngiting sabi nito at lumabas na ng pinto ngunit mabilis din namang bumalik

"Ate! May naghahanap sayo, nasa labas ng gate!"

"S-sabihin mo wala ako! At wag na wag mong papapasukin!"

Napakamot sa ulo si Simon at alinangang na ang ngiti.

"Pinapasok ko na eh" anya

Namutla ako ng makita ang basang si Arjeon. Bumungad saakin ang masaya niyong mukha. Sa tangkad nya ay saktong-sakto lang ata ang height ng pinto para magkasya ang tangkad nya. Basa ang buhok nito at suot na shirt, bakat tuloy ang abs nya.

Napapikit ako mg bumalik sa akin ang ala-alang pilit kong kinakalimutan.

"A-arjeon"

"Shh"

"Sh*t ahh"

"B-ba't mo pinapasok! Hindi ko kilala iyan! Bilis paalisin mo!" Giit ko kay Simon. Nangunot ang noo ng ugok

"Pero ate alam nya naman ang pangalan mo."

"So?" Taas kilay kong tanong at tiningnan si Arj

"Shasia" malambing na sabi nito

Napa-irap agad ako at sinenyasan si Simon na paalisin ito. Pero sumenyas lang rin pabalik ang ugok na masyado umanong malakas ang ulan.

"Tsk! Ano ba kasing ginagawa mo rito ha?" Tanong ko kay Arj

"I badly wanna see you Sha, it's been a month of torture na hindi kita nakikita. I've missed you." Sincere na sabi nito

I rolled my eyes. "Well hindi naman siguro bago sayo na hindi kiya gustong makita like ever! Umalis ka na Arjeon." Sabi ko habang masama syang tinitingnan

Psychotic Romance (COMPLETED) Where stories live. Discover now