30 Shasia's Confrontations

623 6 0
                                    

SHASIA SHANE VILLA'S POV

Sumosubra na ang NW na to! He needs to be arrested. Desidido na akong ireport sya sa mga pulis but before I could even step on the police station, may tumawag na saakin.

"Irereport mo ako Shasia? Hahah then before you do that, check what I've send on you. At pag-isipan mong mabuti kung itutuloy mo ang pagpunta sa pulisya. I could do much worse, Shasia!"

Kabadong tiningnan ko ang video na kakarating lang. Napasinghap ako nang makita ang tatlong hubad na tao. But this isn't just a threesome, this is rape! And the women was Diana! Nanlalabo ang paningin ko, dahil sa sunod-sunod na pag-iyak. A text came, mula kay NW

Unregistered number
  Isang maling hakbang mo lang papasok ng station, ay katumbas rin ng isang click ko lang at kakalat sa buong social media ang video.

Agad akong tumalikod sa police station at umiiyak na bumalik sa kotse ko.

"Hi, Ms. Villa!" Ngiting bati ni Nurse Corpze saakin. Nasa ground floor lamang ako condominium building nang makasalubong ko ito.

"Hinatid ko nalang ang meds ni Arjeon, masyado kasing busy these days at hindi na nakadaan sa clinic." Anya

"Infairness, nakikita namin ang pagbabago ni Mr. Hearwhilm. Good job on keeping him sane, Ms. Villa. Labis na natutuwa si Madam sa improvement ng anak nya" ngisi pa nitong sabi

"Keeping me sane?" Sabat ng isang tinig. Parehong nanlaki ang mga mata namin ni Nurse Corpze nang makita si Arjeon na mukhang kalagaling lang rin sa trabaho. Nakatiim na ang bagang nito at seryoso ang mga mata habang nakatingin saamin.

"Magkakilala kayo?" Malamig nyang tanong

"Former patient ko rin to, Mr. Hearwhilm!" Giit pa ng bangkay

Agad akong napailing. "I think you better go! Mag-uusap kami ni Arj"

Mabilis ring nawala ang nurse. Kinakabahang napatingin ako kay Arj. Mariin nyang hinawakan ang pulsuhan ko at tahimik kaming nakasakay sa elevator. Hanggang sa makapasok kami ng condo nya.

"Fvck!" Malutong nyang mura

"You know my condition" bulalas nya at marahan akong napatango. Napalayo ito saakin at malakas na pinatid ang glass table dahilan ng pagkawasak nito.

"Arj you need to calm down-"

"Iyung pinag-usapan nyo ni Nurse Corpse"

"Corpze" I corrected him kaso lalong nagalit

"Iyung pinag-usapan nyo, I've heard it Sha! Now tell me honestly. Did my mother ordered you to be with me?! So I could still be sane?! Dahil habang lumalala ang obsession ko sayo ay ganuon rin ang kondisyon ko?! That I urge to kill everyone na umaaligid sa iyo at lalo ring nawawala ang katinuan ng pag-iisip ko?!" He said angrily, like a lion roaring in his territory

"Your mother didn't order me Arj" kalmado kong sabi

"But you've talked to her" paratang nya at hidni ako nakapagsalita agad

"W-we did pero normal lang iyun na usapan. She never ordered me or anything" Matagal na iyun, nang umalis ako ng probinsya. His mother called me at nagkita kami.

"Then tell me, all this time. Ang namamagitan saatin, was it even all real Shasia? Or you just keep being with me because you felt responsible on my condition? Dahil ikaw lang ang kayang kumontrol sakin?"He asked in a very serious tone

"I know you Sha, kahit noong mga panahon na panay ang habol ko sayo. I know how soft your heart is. At matatanggap ko naman kung awa lang ang nararamdaman mo saakin all this time, but fvck I don't know how to handle this pain."

Psychotic Romance (COMPLETED) Where stories live. Discover now