7 Party

3.1K 39 1
                                    

SHASIA SHANE VILLA'S POV

"May pupuntahan ka?" Tanong ko nang makita sa kwarto nya si Diana na tuoa namimili ng susuotin

"Inimbitahan ako ni Trey, hindi sana ako pupunta pero malamang ay naron rin si Jaeni. Kailangan ko syang komprontahin at kausapin." Sabi nito

"Kung ganon ay sabay narin tayo. Magkaibigan kami ni Patrice, inimbitahan nya rin ako." Sabi ko

"Ok. Pero tulungan mo nga muna akong pumili ng susuotin." Anya. Napatawa nalang ako at kinuha ang black off-shoulder na floral dress.

"Iyan ang isuot mo. Bagay sayo yan."

"I trust your taste." Anya

Pumasok na rin ako sa kwarto ko para maghanda. Suot ang isang simpleng maroon dress ay sabay kaming pumunta ni Diana sa bahay ng kambal. More like mansion, haciendero't haciendera pala ang dalawa. How come they keep being low key back in manila? Ang yaman pala nila, yet they look too simple back in the city.

"Sha! Im glad you're here!" Masayang pahayag ni Patrice nang makita ako, nakasuot naman ito ng white floral dress na off-shoulder din. Nagkatinginan tuloy kami ni Diana, counterpart iyun ng suot nya ah. Nasa likod ni Patrice si Jaeni na nakasunod lang.

Yinakap ako ni Patrice at yumakap rin ako pabalik.

"Happy birthday gurl!" Bati ko at binigay ang dalang paper bag na laman ang gift ko.

"Para sainyo ni Trey iyan."

"Oh don't tell me twin t-shirts na naman ito?!"

Tumawa lang ako at napatawa nalang rin sya. Bumulong ito saakin. "May naghihintay sayo sa taas."

"Sino?"

Ngiting nag-kibit balikat lamang ito. Napasinghap ako nang maisip kung sino iyun.

"He's here?!"

"Go and see." Anya. Agad naman akong umakyat sa taas.

I knew it! Mahal nya talaga ako. He even came here just for us to make up and get back on our normal love life. Pinihit ko ang siradora ng pulang pintuan. Bumungad saakin ang matukas na lingkod ng isang matangkad na lalaking nakaharap sa malaking bintana kung san kita ang bilog na buwan at mapayapang gabi.

Agad akong napatakbo at yinakap ang likod nito.

"Dickson, baby I know you really love me." Ngiting bulong ko. But wait iba na ata ang perfume nya?

"Fvck this life." Napapintig ang tenga ko nang marinig ang boses nito

Agad akong kumalas ng yakap at napatingala sa lalaking humarap saakin mula sa pagkakatalikod.

"Ikaw?!"

"Yes, sweetheart it's me." Taas kilay na sagot ni Arjeon at humakbang palapit saakin. Hinawakan nito ang magkabilang balikat ko at tinitigan ako sa mga mata.

"Not that fvcking bastard."

Inis na winakli ko ang mga kamay nya.

"Ano ba yan! May pa-thrill kapa! Akala ko ay si Dickson na, ikaw lang palang gunggung ka!" Inis na sabi ko at itinulak ito palayo

"You're not going anywhere!" Sigaw nya at hinila ako saka itinulak sa kama. Napahiga ako at agad itong kuma-ibabaw saakin.

"Umalis ka nga!"

"You're mine tonight, sweetheart." Anya and started unbuttoning his shirt.

Tatlong butones palang ay agad ko nang inabot ang vase sa gilid ng kama at hinampas iyun sa ulo nya.

Psychotic Romance (COMPLETED) Where stories live. Discover now