21 Beach

803 4 0
                                    

DIANA DANES POV

Napahawak ako sa buhok ko nang liparin ito ng malakas na hangin.

"Ang ganda rito!" Masayang sabi ni Shasia nakasuot ito ng yellow one piece na may iilang slit sa bewang at revealing ang harap at likod.

"Come sweety I'll take pictures of you" supportadong sabi ni Arjeon rito

"Let's rent that plastic swan later babe ah?" Iritado akong napalingon sa kalandian ni Laura. Ba't nga ba narito ang babaeng to? Ang lakas ng loob magsuot ng two piece na skintone! Parang nakahubad lang!

"Arj picturan mo kami ni Diana!" Utos ni Sha

"Hawakan mo to" sabi pa nito sabay bigay ng isang plate ng sliced cake sya naman ay itinaas ang hawak na wine

"Perfect!"

"Isa pa!" Giit ni Sha. Ngiting tiningnan ako nito.

"Masaya ka ba?"

"Yes.thanks nagustuhan ko ang hinanda mo"

"Yeyy!" Yinakap ako

"Babe, tatakbo ako tas habulin mo ako" ngising sabi ni Laura kay Trey. Hindi ko tuloy mapigilang mapa-rolls eye

"Gusto mo ring magpahabol sweety?" Tanong ni Arjeon kay Sha

"Gusto mo namang takbuhan kita?" Bara nito

"Damn sweety kinilig ako ron ah"

Napabuntong hininga nalang ako.

"Tara na babe? Swimmimg tayo"

"Ok Laura."

Sa di malamang dahilan ay napahigpit ang hawak ko sa tinidor. Napa-upo ako sa may gilid at tiningnan ang dalawang magkahawak kamay na palapit sa dalampasigan.

Unknowingly napatitig ako sa kutsilyong nakabaon sa cake saka napadapo naman ang tingin ko sa tumatawang si Laura habang nakikipagharutan kay Trey sa dagat.

Napahilot ako ng noo ko at napatayo sa kina-uupuan.

"Guys, may kukunin lang ako sa hotel room saglit ah" Paalam ko kina Sha at tumango lamang ito.

Walanghiya naman saan ba galing to't bigla nalang akong nairita sa paligid ko, parang sira na ang araw ko. Wala na akong gana pumarty.

Kinuha ko ang maleta ko at hinanap ang lalagyan ko ng sigarilyo.
Nang makita iyun ay sinindihan ko to saka lumabas sa teresa ng room.

"Diana" napalingon ako kay Trey na hindi ko namalayang sumunod pala sakin.

Inagaw nito ang sigarilyong nasa bibig ko at inapakan sa sahig.

"Problema mo?!" Inis na sabi ko

"You kept on glaring at us. Just say it already Diana and I'll leave Laura for you."

"Kung kaya mo naman pala syang iwan ba't di mo nalang gawin agad?" Taas kilay kong sabi

"Because I need your answer. An assurance na magiging tayo."

"It seems like marami kang ine-expect kapag naging tayo. Don't you get it Trey? Kahit maging tayo walang magbabago. I will never love you."

Kita kong napupuno na ito sa galit. Napangisi ako at linapitan ito.
"Let's set this aside for now. Why don't you give me what I want now? Tutal birthday ko naman." Landi ko sakanya habang hinihimas ang braso nya.

Ngunit itinulak ako nito ng mahina.

"If you won't love me then atleast let me tame you Diana. Hindi iyung ako nalang lagi ang sunod-sunoran mo. I want us to be even." Anya

Psychotic Romance (COMPLETED) Where stories live. Discover now