6 Imbitasyon

3.3K 41 0
                                    

DIANA DANE VILLA'S POV

"Saan ba to banda?" Tanong ni Simon habang nakatingin sa listahan ng mga order ng bulaklak.

"Jan lang yan malapit, bilis ihatid mo na! Ang init rito" utos ko sakanya. Palinga-lingang naglakad palayo ang binatilyo habang dala ang mga bulaklak.

Inis na lumabas ako ng truck. Ba't ba kasi ang init at ba't ba kasi sira ang aircon? Napasilong ako sa kalapit na tindahan nang may ngumiting gwapong lalaki na naka-eyeglasses sa di kalayuan. Ako ba ang nginitian nya?

"Diana!" Sambit nito nang tuluyan nang makalapit. Maputi ito, matangkad at medyo wavy ang buhok. Matangos rin ang ilong at mukhang nagwo-workout.

"Kilala mo ako?"

"A-ako iyung nanliligaw sayo noong elementary hanggang highschool"

"San ron?" Tanong ko, napakamot ito sa ulo nya

"Hindi mo na ba maalala? Ako si Trey"

"Ah" reaksyon ko. Nasan na kaya ngayon si Jaeni? Wala sya sa palayan kanina eh.

"Um, kamusta kana?"

"Ayos lang." San ko kaya hahanapin si Jaeni?

"Lalo kang gumanda ng husto" ngiting sabi nito

"Ikaw rin" try ko kayang pumunta sakanila? Kunwari ay may pakay ako kay Jaeni

"You mean lalo akong gumwapo?"

Napatango-tango ako. Tama! Pupunta ako sakanila at magtatanong kung naron ba si Jaeni. Pero anong isasagot ko kung tanungin ako ng pamilya nya kung kaano-ano ko si Jaeni? Wala pa kaming tamang label!

"Eh, may boyfriend ka na ba?"

Nalatingin ako kay Trey.

"Wala pa."

Pero nagkiss at nadogstyle na ako ni Jaeni! Anong tawag ron.

"Dog buddies? Hindi, fvck buddies."

"Ha?!" Shock na react ni Trey

"May ka+fvck buddy ako at loyal ako sakanya. Kung gusto mo mang ituloy ang panliligaw mo noong elementary o highschool ay wag mo nang ituloy dahil feeling ko magkakatuluyan na kami for sure ng fvck buddy ko."

Laglag ang panga nya habang nakatingin saakin.

"Diana! Tara na!" Tawag ni Simon na nasa loob na ng truck

Akmang lalampasan ko na si Trey nang hawakan nya ako

"Please, pumunta ka sa birthday namin ng kambal ko Bukas ng gabi. Mahal parin kasi kita Diana at kahit presensya mo lang bukas ay malaking bagay na iyun saakin." Malungkot nyang sabi

"Titingnan ko nalang kung makakapunta ba ako." Sagot ko at tuluyan nang pumasok sa loob ng truck.

"Sino yun?" Tanong ni Simon hababg nagmamaneho

"Klasmet ko noon, pakihinto nga pala ako malapit sa sampalok" sabi ko

"Sa sampalok? Anong gagawin mo ron?"

"May pupuntahan ako."

"Sino?"

"Ba't andami kong tanong?"

"Tsk, si Jaeni ano? Nakita ko kayong magkasama noong isang gabi sa disco, pumasok kayo sa bahay nyo."

"N-naki-inom kasi sya ng tubig." Palusot ko pa. Iyun lang naman siguro ang nakita nya diba?

Tumigil ang truck sa may sampalok at agad akong bumaba. Inayos ko muna ang sarili ko bago tuluyang naglakad papunta kina Jaeni.

Pinagbuksan ako ng nanay nya ng pinto.

Psychotic Romance (COMPLETED) Where stories live. Discover now