Nagdrive ako around the city, mabuti nalang at gabi na kaya konti nalang ang sasakyan sa kalsada. Sunod-sunod ang pag tulo ng luha ko habang nag dradrive, I can't believe na hahantong sa ganito ang ama ko at magagawa niyang patayin ako, bakit? Lahat naman ng pinapagawa niya saakin noong nasa Spain pa ako lahat naman sinusunod ko, etong pagtago ko lang sakanya ang nakikita kong mali na ginawa ko pero bakit naman ganito? Bakit kailangan ipapatay pa niya ako?


Lumabas ako sa sasakyan at naglalakad lakad, iniwan ko lahat ng gamit ko sa kotse kasama na rin ang cellphone ko dahil panigurado tatawag saakin sina kuya aalamin kung nasan ako.


Naglalakad lakad ako ng walang patutunguhan, minutes later natagpuan ko ang sarili ko sa isang hill na kitang kita ang buong city. Umupo ako sa tabi ng puno at nag muni-muni.


Nagsimulang tumulo ang luha ko ng naalala ko ang mga panahong nasa Spain pa ako nakatira kasama si mamá at si kuya.





Flashback:


"mami podemos ir de compras? Pleeease" kahit 6 years old palang ako pero alam kong laging nag aaway sina mamá at papi. Mamá tried to hide her bruises from me pero nalalaman ko padin kasi pumupunta ako sa room niya every night. Kaya gusto kong lumabas kami to have fun kahit saglit kasi I always see her crying sa room niya.


"Leya baby alam mo naman na bawal tayong lumabas right? la próxima vez cariño iremos de compras, ok?" I can see sadness in her eyes, alam kong gusto din ni mamá na lumabas kami pero ayaw kasi ni papi na may nakakakita saaming ibang tao.


"Ok mamá" malungkot kong sabi.


"Señora hanap po kayo ni señor, nasa library po siya" sabi ni nanay Aida kay mamá


"Sige pasabi sakanya papunta na ako" sabi ni mamá kay nanay Aida bago humarap saakin.


"Leya dun kana muna kay kuya Asher mo ha, play muna kayo habang kausap ko ang papi mo, ok? Wag kang lalabas ng house"


"Yes mamá" sabi ko at kiniss ko siya sa pisngi at pumunta na sa kwarto ni kuya Asher.




-1 hour later-




Isang oras narin kaming naglalaro ni kuya Asher dito sa room niya at gutom na ako.


"Kuya Ash punta muna ako sa kitchen tengo hambre" paalam ko kay kuya Ash. He just nod while looking at his phone kaya naman lumabas na ako ng room niya.


Agad akong kumuha ng food tray para paglagyan ko ng madaming foods na idadala ko sa room ni kuya Ash. Habang namimili ako kung anong cake ang dadalhin ko narinig ko sina mamá at papi na nagsisigawan sa sala, kaya lumabas ako para makita ko sila.


Pero iba ang naabutan ko, nakita ko si papi na may hawak na baril at nakatutok yun kay mamá. Hindi ako makagalaw dahil sa takot din na baka mapansin nila ako dito, baka magalit saakin si papi at parusahan nanaman niya ako.


"¿No te dije que no hablaras con otro hombre?" Galit na sigaw ni papi kay mamá.


Mamá bakit kayo nag aaway? Umiiyak ako ngayon sa gilid dahil hindi ko alam kung paano ko pipigilan si papi sa binabalak niya


"He's just my friend Henry, please bitawan ml na yan" pagmamakaawa ni mamá


"Akala ko ba ako lang ang mahal mo?"


"Ikaw lang Henry, please ibaba mo na yan" mamá said habang umiiyak at nagmamakaawa kay papi na ibaba ang baril


"No! Pinagpalit mo ko! You love him! Kaya ba ilang na ilang ka saakin kasi may iba kanang mahal? Ganun ba Alis?! Sabihin mo saakin Alis gaano na kayo katagal? Limang taon? Huh?!" Galit na galit na sabi ni papi kay mamá. Napapatakip nalang ako bibig pag napapansin kong nasasagi ni papi ang trigger ng baril.


"Henry walang namamagitan saamin" humahagulgol na sabi ni mamá


"Eso es una mierda!" Sigaw ni papi at muling niyang tinutok ang baril kay mamá. Kitang kita ko ang galit ni papi sa kanyang mata, para sinasabing kahit na sino walang makakapigil sakanya. Kay ayaw na ayaw kong magagalit si papi saakin pero wala naman akobg magawa kung laging saakin niya binubuntong ang galit niya.


Isang putok ng baril ang umalingawngaw sa buong bahay kasabay ng pagbagsak ni mamá sa sahig. Kitang kita ko ang malademonyong ngiti ni papi habang nakatingin siya kay mamá na walang buhay. Hindi na ako nakapagpigil at nilapitan si mamá. Iyak ako ng iyak habang yakap yakap si mamá.


"Mamá! por favor no me dejes!" Iyak ako ng iyak habang paulit-ulit na nagrereply sa utak ko kung paano barilin ni papi ang mamá ko. Tinignan ko ng masama si papi "Te arrepentirás de esto, hinding hindi kita mapapatawad! Akala ko ba mahal mo si mamá? Why did you kill her?! Monster!" Galit na sigaw ko kay papi or I should say monster


"She deserves it" papi said and he start walking away na para bang wala siyang tinapos na buhay. Naiwan ako sa sala na iyak ng iyak habang yakap yakap si mamá.


Sisiguraduhin kong mag dudusa ka Henry Collin Olegra, kahit na ama kita pero pinatay mo si mamá and I will never forgive you!



End of flashback:




-

S E C R E T S 12

a/n: sinabi na ang kanyang past, soon may isang sekretong mabubunyag tungkol sa pagkatao niya


VOTE and COMMENT

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SecretsWhere stories live. Discover now