Secret 1

36 4 0
                                    

1

"Alleya iha sigurado ka bang ganyan ka papasok? Sayang naman ang ganda mo kung tatakpan mo lang" sabi ni nanay Beth

Ang suot ko ba naman big eyeglasses, mahabang palda na lampas tuhod, sweater, backpack, sabayan mo pa ng kulot kong buhok with matching hairpin pa na iba't ibang kulay. Naisipan ko pang naman magsuot ng ganito kasi komportable ako ditto keysa naman sa maikling palda tapos lagyan mo ng kung ano-anong powder sa mukha tapos sa huli mukha ka ng clown.

"Honey hayaan na natin siya, kung dyan siya komportable edi suportahan nalang natin siya" sabi naman ni tatay Grey sabay akbay kay nanay Beth.

Hay nako nanay hindi kapa nasanay ganito naman talaga ang ayos ko kapag papasok ako sa school. Gustong-gusto kasi ni nanay na nakikita yung natural beauty ko keysa sa nerdy look ko tulad ngayon. Sabi pa niya dapat daw maging proud ako kasi maganda ako, well para saakin ang kagandahan ginagamit lang yan para maka kuha ng attention sa ibang tao.

Elizabeth Addison and Grey Addison sila ang kumupkop saakin noong walong taon ako. Pinalaki nila ako na parang totoo nila akong anak, pinakain, binihisan, pinag-aral at minahal nila ako ng sobra pa sa inaakala ko. Malaki ang pasasalamat ko sakanila dahil kung hindi siguro wala na ako dito sa kinatatayuan ko ngayon.

Nginitian ko nalang sila at nagpaalam na para pumasok sa school. Collage na ako ngayon Business Ad ang course na kinuha ko sabi kasi nina nanay since wala silang anak at mga ibang relatives saakin nalang daw nila ipamana yung mga pagmamay-ari nila. Ayoko man tanggapin pero anong magagawa ko mapilit sila eh.



-



Pagkadating ko sa school naririnig ko na yung mga bulungan ng mga clown sa paligid. Hindi ba sila napapagod? Paulit-ulit nalang sinasabi nila dapat gumawa naman sila ng bago para magandang pakinggan pag papasok ako sa school. Dapat may pa flowers naman sila para saakin, kahit konting effort manlang sana eh kaso wala, mga kuripot.

"May gana pa talagang pumasok tong nerd na to?"

"Hindi na nadala"

"Mukhang kulang pa yung ginawa natin sakanya"

"Argh! Nasira agad ang araw ko, nakita ko lang ang pagmumukha ng pangit na yan"

"Bat paba kasi nag-aral yan dito? Hindi siya bagay dito"

Yan yung sinasabi ko, paulit-ulit nilang sinasabi yan every morning kung tutuusin nakakasawa na din pakinggan ang mga pangit nilang boses. Keysa magsayang ako ng oras dito kakarinig ng mga walang kwentang salita na lumalabas sa mga bunganga nila, dumeretso nalang ako sa classroom at tulad nga ng dati madaming tao parin sa labas ng room namin, bakit? Dahil gusto nilang makakita ng taong naliligo sa pulang pintura. Dahil alam ko na ang mga pakulo nilang yan imbes na buksan ko ang pintuan kinuha ko yung kahoy na nakalabas sa basurahan at ginamit yun pangbukas pero bago pa tuluyang mahulog ang pintura sa sahig mabilis akong nakaalis dun kaya hindi ako natapunan kahit konti malas nalang nung mga taong malapit sa pintuan. Dapat lang sakanila yun mga clown.

"Buti nga sainyong mukhang clown, magpraprank na nga lang kayo pambata pa" sabi ko sa isip ko

"Damn it, ang dumi-dumi ko na!"

"Sabi ko naman kasi sayo Cris wag na tayo pumunta dito yan tuloy tayo yung nalagyan ng pintura"

"Bwisit na nerd yun"

"Argh! sa susunod mag set-up nalang tayo ng camera dito keysa sa tayo ang nadudumihan"

Habang busy sila kakareklamo agad akong tumakbo papasok sa room namin, agad ko namang nakita yung leader ng mga clown si Charlotte kasama ang dalawang alalay niya Esabella at Sophia. Ang gaganda ng pangalan nila pero ang papangit ng ugali lalo na ang pagmumukha nila.

SecretsWhere stories live. Discover now