Chapter 16

14 9 0
                                    

Sofia's POV

Last night was fun. Gabi na nang umuwi si Achillis sa kanila. Nag dinner pa kasi kami and movie marathon after that.

Medyo kinabahan rin ako kahapon nang makita niya si Dadddy. Hindi ko alam kung anong ira-rason ko pag nagkataong tinanong niya ako. Buti nalang si Dad ang tinanong niya.

Right now, I was a little bit excited kasi niyaya niya akong mag date ngayong araw. Masaya naman akong naipaparamdam niya rin ang sinabi niya noong mga nakalipas na araw na gusto nga raa niya ako. Inaamin ko rin na gusto ko ang ugali ni Achillis.. gusto ko kung paano siya ngumiti sa akin na para bang sa akin lang siya sumasaya ng ganon.. alam kong nililigawan niya si Synthia pero ito nga ang gusto ko diba.. ang masaktan si Synthia at ang mapunta sa akin si Achillis.

Pero sa totoo lang, may bahid sa akin na natatakot akong maagaw ko si Achillis mula kay Synthia.. kasi pakiramdam ko, nahuhulog na rin ang loob ko sa kanya.. hanggang ngayon ay nag uumapaw pa rin ang paghanga ko sa kanya. Gusto ko lang na malaman niyang.. hindi ko siya ginusto dahil gusto kong makapag higanti.. ginusto ko siya dahil ito ang sinisigaw at sinasabi ng puso ko.

Natigilan ako sa pag-iisip nang mag ring ang phone ko. Nang tingnan ko ay si Aya lang pala ang tumatawag.

"Aya" tawag ko sa kanya saka nag talukbong ng kumot.

"Sowpiii!!! I miss youuu!!" Biglang sigaw nito dahilan upang mailayo ko sa tenga ang telepono habang naiinis.

"Ano ba. Ang ingay mo." Pagsasabi ko sa kanya. Ang ingay kasi. Mabubunga.

"Oppss hihi sorry..." sagot naman niya then i shrugged.

"Ano ba kasing kailangan mo?? Ba't napatawag ka??" Naiiritang tanong ko.

"Hay naku Sofia.. sobrang na miss lang talaga kita ano.. hindi na tayo nakaka-gala dahil palagi ka nalabg busy diyan sa Ferrer mo na may Synthia namang naghahanap rin ng titi ng isang Kid. Tangina" Napaawang ang bibig ko dahil sa mga sinabi ni Aya sa akin.

"Hoy. Yang bibig mo ang sarap e stapler. Tumahimik ka nga.." sita ko sa kanya na ikinatawa lang naman niya.

"Sege na Aya. Ligo muna ako. May lakad ako ngayon." Pagpapaalam ko sa kanya.

"What? Saan ka? Sama akoooo.." parang batang sabi niya kaya napailing nalang ako.

"Bawal. May date kami ni Achillis. Bawal ang mga mang-aagaw don." Patawang sagot ko. Alam ko sinisiringan na niya ako ngayon sa kabilang linya.

"Eh bawal naman pala.. ba't ka nandon." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Aya.

"Joke. Bye sowpia! I love youu" huling sabi niya saka binabaan na ako ng phone.

Tsk. Takot naman pala.

Ilang sandali pa lang ay bumangon na ako at naligo. Preparing myself for our date today! Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi mapangiti habang naliligo.. nagbibihis.. at naglalagay ng kaunting make up.

Im just wearing simple skin-tone dress with my brown flat shoes. Wala kasi akong clue kung saan kami pupunta kaya ganito nalang ang sinuot ko. And of course hindi mawawala ang nude lipstick ko today.

Bakit ba kasi sobrang ganda ko..

Well, if you all asking me kung bakit hindi ako affected sa mga sinabi ni Synthia sa akin.. malamang, hindi naman kasi sila. Wala akong inaapakang tao.

Its already 8 in the morning nang dumating si Achillis para sunduin ako. Sa ngayon ay nandito kami sa isang park. Naka-upo sa isang bench while eating ice cream. Cookies and cream sa'ken, vanilla sa kanya. Naiinis nga ako kasi panay ang tawa niya dahil napakadungis ko raw kumain ng ice cream.

"Come here" sabi niya sabay hawak ng isang kamay niya sa baba ko saka pinahiram ang gilid ng labi ko using his thumb. Hindi ko tuloy maiwasang matitigan siya ng malapitan ngayon. Napapa-awang tuloy ang baba ko dahil hindi rin lingid sa kaalaman kong ang mga labing iyon ay sobrang sarap at lambot. Ngunit mas umawang ang baba ko nang isubo niya ang hinlalaki na ginamit niya upang pahiran ang gilid ng labi ko .

"Mmmm" ungol niya na ikinatigil ng mundo ko. Kinikilabutan ako sa tindi ng epekto nito sa akin. Fuck Achillis..

Batid kong namumula na ang buong mukha ko dahil sa hiya ngayon. Nakaka-inis. At mas nag init pa ang mukha ko nang biglang tumawa ng malakas si Achillis habang nakatingin sa akin kaya naman nasuntok ko tuloy siya sa braso. Kaso ako yata yung kawawa.. potek. Bato yata yung nasuntok ko eh..

"Aray.." angal ko na ikinatawa na muna niya bago inabot ang isang kamay ko.

"Patingin.." nakangiting aniya sabay kuha ng kamay ko. tinaliman ko naman ng tingin.

Magsasalita na sana ako nang halikan niya ng mariin ang kamay kong nasaktan kanina. Medyo nabigla ako kaya binawi ko ito kaagad.

"Woy ano ba.. baka may makakita" sita ko sa kanya sabay nguso na ikinatawa lang din niya..

"Gusto mo ng cotton candy?" Pag iiba niya ng usapan.

"Hindi na.. busog na ako dito.." Pag rarason ko.

"Sus para yun lang nabusog ka na? Let's go." Wala na akong nagawa nang hatakin niya ako papuntang cotton candy vendor. Hindi pa rin naman talaga ako busog.. trip ko lang tumanggi.

Tiningnan ko lang si Achillis habang nakangiting kinakausap niya ang vendor.

Hindi ko talaga maitatanggi kung gano kagwapo ang lalaking kasama ko ngayon. Ang sarap niyang tingnan sa mga mata ko.
Sa tindig palang niya nawawalan na ako ng lakas.. sa isang ngiti lang niya nawawalan na ako ng katinuan. Paano pa kaya kung makakatuluyan ko talaga ang lalaking ito? Hays..

"Here babe.." sabi niya sabay abot ng cotton candy. Punyeta nakakahiya.. bakit ba niya ako tinatawag ng ganun.

"Thank you.." nahihiyang sabi ko. Ngumiti naman siya saka marahang pinisil ang pisngi ko. Ano ba yan..

Continuation ahead>>>

Tell No One #Mus-alonlymAward20Where stories live. Discover now