Chapter 9

105 71 20
                                    

This chapter is dedicated to  elshianghai  This is for you darlin'!!! I hope ya like it♡♡

Sofia's POV

"Its Atheena..... Atheena Darlene Dela Vega."

Hindi ko na mapigilang maiyak sa mga narinig ko mula sa lalaking ito.

Fuck.. bakit ba pakiramdam ko sobrang nasasaktan pa rin siya sa mga nangyari sa kanya noon..
May Synthia na siya, hindi ba?

Dapat kalimutan na niya ang mga ganoong eksena sa buhay niya..
Kasi kung ipagpapatuloy niya ang ganyang ugali, alam kong si Synthia ang mas masasaktan.

"I'm sorry.." pagpapa-umanhin ko nang mapagtantong wala ako sa lugar para umiyak at kaawaan siya.

Pero naawa lang ba talaga ako sa kanya?

"Parang mas nasaktan ka pa sa akin Sofia ah.. you're funny," natatawang saad nito habang nakatingin sa akin.

Napailing nalang ako saka tumingala sa madilim na kalangitan.

"Mukhang uulan na, tara?" Tila nabasa ni Adam ang nasa isipan ko. Tumango nalang din ako.
Pero nang makatayo na kami ay biglang bumuhos na talaga ang ulan.

Potek wala akong payong na dala!

"Shit" Adam silently cussed

Imbis na umalis tuloy kami ay sumilong muna kami sa may puno. Tinitingnan ang kalangitan kung may pag-asa pa bang titila ito kaagad.

"Ang layo pa naman ng kotse ko mula rito" narinig kong bulalas niya. Napatingin tuloy ako sa kanya saka napaisip ng kagaguhan.

Hindi ko tuloy napigilang mapangiti nang hindi ko maiwasang mapatingala ako sa gwapong mukha niya.

Naka side view siya dahil nasa tabi ko ito ngayon, nakatayo.
Naka cross yung mga braso nito habang tumitingala sa kalangitan.
May mga hibla rin ng buhok sa kanyang noo na ngayon ay tumutulo dahil nga nabasa ito ng ulan.

Hindi ako makapaniwala na makakakita uli ako ng isang diyos sa kagwapuhan.

"What are you staring at?" Natigilan ako sa pagpapantasya nang marining kong magsalita ito.
Hindi agad ako naka-iwas ng tingin. Pero umawang lang tuloy yung baba ko.
Punyeta

"Ha? Ah.." Fuck.. i dont know what to say.. ano ba.

Ngumiti nalang ako sa kanya saka hinila siya sa ulan.

Lumaki tuloy ang mga mata niya nang mapagtanto kung anong ginagawa ko.

"Hey... Sofia, what are you doing!" Sigaw nito habang pilit ko siyang hinihila sa ulan.

Tawa lang ako nang tawa sa reaksiyon niya. Kalaunan ay napatawa na rin ito.

Woah.. malalaglag na naman panty ko dito. Kingina.

"Common Adam.." natatawa kong hila sa kanya saka inilagay yung kamay niya sa bewang ko, tapos ang dalawang kamay ko naman ay nasa batok nya.

Punyeta.. parang magjowa ah.

"What' up Sofia.. magkakasakit tayo nito." nakangiting tanong nito.

"Duhh Adam.. sa sobrang kapal ng muscles mo, sigurado akong walang sakit na makakadapo sayo." Natatawa ko na namang sagot sa kanya. Ano ba 'to.. sumasakit na yata yung panga ko kakangiti.

"Saka Duhhh Adam.. we're just.. dancing in the rain!" Dagdag ko pa saka pinilit siyang sumayaw kami ng dahan-dahan sa ilalim ng ulan.

I stared at him..

Tell No One #Mus-alonlymAward20Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora