Chapter 14

26 13 3
                                    

Sofia's POV

It's already 7:10 in the evening and wala pa ring Synthia na dumarating. She's late.

Synthia texted me yesterday, she wanted to talk to me about something important. Hindi naman ako nakatanggi.

Hmm.. yung target na ang lumalapit para maka bullseye eh. This is exciting.

Ilang sandali pa lamang ay bumukas na ang glass door ng restaurant na ito at iniluwa niyon ang babaeng wakwak.

Tsk dont me. Galit ako sa babaeng yan dahil sa ginawa nila ni Kid ko. Mga traydor.

"Sofia! Sorry im late.. augh! Super traffic talaga" bati nito sabay beso sa akin. Ngumiti pa nga ito saglit pero halata namang plastic.

"Its fine Synthia.. ikaw pa ba. Common, sit" mataray ngunit may halong plastic na ngiting ani ko sa kanya sabay gesture sa upuan.

"Ohh dear.. im not a dog.. haha"

Alam niyo yung naririndi na kayo dahil sa sobrang plastic nang boses at tawa ng kausap niyo?? Nakakagigil ano?

"Haha Yes you are." Pandederetso ko sa kanya na siya namang ikinatigil nito.

Nagkatitigan muna kami saglit na tila ba nagliliyab ang mga mata, na halatang gustong gusto naming sabunutan ang isa't isa.

"How dare you" mahinang singhal niya na mukhang sasabog na sa galit.

"Look Synthia, let's stop this pagpapakaplastikan thing between us. Ano ba kasi'ng sadya mo?" I said looking directly at her.

Nakita kong huminga muna siya nang malalim saka umupo.

"Well, someone told me na these past few days.. palagi ka na raw nakabuntot kay Adam. Totoo ba?"

Sa sinabi niyang iyon, hindi na ako nagulat. Halata namang iyon lang ang pakay niya sa akin. Syempre, kung ako rin ang nasa katayuan niya, ganon rin naman ang gagawin ko. Ang komprontahin ang pwedeng sumira sa relasyon namin ng taong gusto ko.

"May dapat ba akong ikabahala.. Sofia?" Dagdag pa niya sabay taas ng isang kilay. Tsk. Tinatarayan pa ako ng gago.

"Really? Yun lang ang gusto mong itanong? Kung may dapat bang ikabahala between me and Achillis?? Bakit ka naman apektado? Girlfriend ka ba? Ha? Synthia?"

"Watch your words Sofia.. nanliligaw sa akin si Adam. Ako lang ang gusto niya. Sooner or later magiging girlfriend rin niya ako. So back off. Lubayan mo ang lalaking gusto ko."

Hindi ko napigilang matawa sa mga sinabi ni Synthia sa akin. Tsk parang hindi naman totoo yung mga sinasabi niya about Achillis eh.. baka nga siya lang talaga ang may gusto dito.

"May gusto siya sayo? Talaga? Eh ang lakas nga umungol no'n sa tuwing-"

"Fuck off Sofia!"

"Pft. HAHAHAHAHA"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko sana dahil sa galit na sigaw niya. Yun tuloy, napatawa ako ng malakas na siyang naka-agaw ng atensiyon ng ibang customers.

"Stop it Synthia." Nanggigigil na sabi nito sa akin habang ako ay panay parin ang tawa.

"Hahaha! Oh my gosh ikaw ang gusto pero sa akin bumabayo HAHAHAHAHAHA" banat ko.

"Fuck!" Sigaw niya sa mukha ko sabay hampas sa mesa na medyo ikinatigil ko naman.

Okay.. mamaya na lang ako tatawa. Tsk

"Okay! Okay... eto na. Hindi na ako tatawa. *Ehem*" I cleared my throat.

"Teka. Bakit ka ba galit Synthia? Eh may Kid ka na hindi ba??" Biglaang tanong ko na ikinatigil naman niya.

"Gulat ka? Tsk. Sana man lang mag share ka ng isa. Ikaw yata dahilan kung bakit single pa ako hanggang ngayon eh! Saka alam mo ba na hindi pwede yung.. dalawa ang minamahal Synthia? Kasi hindi na yun pagmamahal.." sabi ko pa sabay inom ng kape kong medyo malamig na dahil sa kakahintay.

"Pwera na lang kung crush mo lang yun kasi baka makikipag appearan pa ako sa iyo dahil nga parehas tayo na kung sino-sino nalang ang hinahangaan! HAHA! Pero if ganyang nagiging desperada ka na pagdating sa dalawa... baka nga talaga hindi na yan pagmamahal, alam mo kung anong tawag non? Pagiging makati na yun.. pagiging maharot ba.. tsk tsk, ano kayang magiging reaction ni Achillis pag nalaman niyang may kalampungan ka noong gabing iyon?" Inosenteng tanong ko na kunyaring nag-iisip ng sagot.

"Sege.. sabihin mo yan kay Adam.. tingnan natin kung anong masasabi niya pag nalaman niyang mas plastic ang babaeng palagi niyang kasama sa nagdaang mga araw..Kung yang buhay mo nga ngayon kasama ang matandang alalay mo ay puno ng kaplastikan sa mata ng mga tao, pati ba naman pagmumukha mo eh tadtad rin ng plastics?? Ha? Sofia?"

Medyo natigilan ako sa mga sinabi niyang iyon sa akin. May alam ba siya??

"What do you mean Synthia?" Pinilit kong maging inosente at walang halong kuryusidad ang tanong ko ngunit hindi ako nagtagumpay.

Imposible

"You know what i mean Sofia.." nakangiting sabi nito saka may kinuha sa kanyang bag na kung ano.

"Here.. look at this picture.." Saad niya kaya inilipat ko ang tingin sa litrato na nasa mesa.

That doctor...

"Kilala mo? Close kayo?"

Hindi ako nakasagot sa kanya dahil sa gulat.

May nakaka-alam..

Alam niya.. pero pano kung alam rin ng Daddy niya? Sigurado akong mawawalan ng saysay ang mga plano namin kapag nagkataon. Shit!!

"Don't worry Sofia.. hindi ko pa naman nasasabi kay Dad lahat ng nalalaman ko.. pero pagnagkataon, sasabihin ko rin. Lalo na't you're a cursed in my relationship with Adam." Kampanteng tugon nito saka isinilid pabalik ang picture sa bag niya.

"Alam no naman diba na si Daddy ang may pakana ng lahat ng threats na natatanggap ng pamilya ninyo?? Maging ang pagsabog ng sinasakyan ni Atheena Darlene Dela Vega." Sandali pa siyang tumigil sa pagsasalita saka tumawa ng sapilitan.

"Alam kong kilala mo siya... Sofia.. kilalang kilala mo ang babaeng tinutukoy ko... Alam mo ba kung ano ang ginagawa namin pag nagkakaroon ng kaaway o kakompetensya ang pamilya ng mga Javier?" Tanong niya saka sumimsing ng kaunti sa cup niya.

"Well we're not just giving threats thou.. kasi tino-totoo naman namin lahat." Dagdag pa niya.

"Talaga ngang mamamatay tao kayo ano?? Eh ang duduwag niyo naman pala eh.. hindi niyo kayang lumaban ng harapan kaya pinapatay niyo nalang? Sira ba yang utak ninyo?? Wala na kayong ibang ginawa kundi ang magparami at gumastos ng perang hindi naman sa inyo." Napipikon kong saad sa kanya na ikinatigil naman niya.

"Dont you dare talk to my family like that Sofia!" Turo niya sa akin sabay tayo. Kaya tumayo na rin ako.

"Baka kayo ang dapat kong sabihan niyan Synthia? For the last time! sinasabi ko sa inyo.. lubayan niyo ang pamilya ko! Ganon ba yon kahirap sa inyo ang manahimik at makontento nalang! Ha!? For fucks sake!! Nanahimik kami!"

Hindi ko na talaga napigilan ang galit ko sa kanya. Puta. Dahil sa pamilya nila ni hindi ko man lang nasabi sa sarili ko na ang sarap mabuhay.

"Sinasabi ko sa inyo Synthia.. pagbabayaran ninyo ang lahat ng 'to.. lintik lang ang walang ganti."

"Kayo ba ang nagpadala ng mga sulat na iyon?" Tanong niya na sandaling ikinangiti ko.

"Wag kang mag-alala, gagawin ko rin ang lahat ng nakasaad sa sulat na iyon." Huling saad ko saka kinuhi ang pouch na nasa mesa saka lumabis ng restaurant. Binabalewa ang tingin ng karamihan.

Yan si Synthia Javier, ang kaisa-isang anak ng taong kinamumuhian ng pamilya namin.

AN:

VOTE AND COMMENT EVERYONE!! It will mean lot♡ thanks!

♡Jemmeyah♡

Tell No One #Mus-alonlymAward20Where stories live. Discover now