Chapter 10

103 60 9
                                    

This chappyy is dedicated to GeliWrites    eto na behh♡♡♡

Sofia's POV

"Ano ka ba Sofia.. we all know na ikaw ang nauna, so kung ako sayo kukunin ko pabalik yan." Saad ni Cassydee mula sa kabilang linya.

We're having video call right now.
Cassydee is my childhood best friend. Palagi kaming magkasama noon, pero ngayon ay nasa USA na siya, pursuing her modelling career. Paminsan-minsan nalang din kami nag-uusap dahil pareho rin kaming busy.

"Pero cassy hindi na pwede.. meron na siyang iba.." sagot ko naman dito.

"Who says hindi na pwede?? Darlene look.. kung hindi na pwede bakit nilalandi ka niyang lalaking yan?? And duhh!! Kung yung may asawa nga eh naagaw pa, 'yan pa kayang mag MU lang??" Natahimik ako sa sinabi niya. Hindi ko alam ang gagawin.

"But Cass.. magmumukha akong desperada kung aagawin ko siya.." nalulungkot na saad ko sa kanya.

Tumahimik siya sandali.

"It's up to you Darlene.. remember, walang masama kung gagawin mo 'to dahil may maganda kang rason. Think for it Darlene, hindi lang ito para sa iyo.." Napatingin nalang ako sa di kalayuan. Nag-iisip kung ano ba dapat ang gagawin.

"Sege na Darlene, i need to go to take a shower muna.. i'll call you next time! Bye!"

Tumango nalang ako sa kanya saka pinatay ang tawag.

Tama nga naman siya, I have reasons right? Marami akong rason para mas piliin kong agawin ito mula kay Synthia.

Tawagin niyo na akong desperada, makitid ang utak, maharot. Ano pa ba?

Well, hinding hindi na ako matatablan niyan.

I will get him back, dahil sa akin siya dapat.

Akin lang.

"Sofia? Hija? Bumaba kana.. nagluto na ako ng hapunan" napaigtad ako sa sigaw ni yaya Tess mula sa labas ng kwarto ko. Akala ko tuwing may ka "ano" ka lang pwedeng umigtad, pwede rin pala pag binigla ka ni yaya Tess.. Chos!

"Susunod na ako ya!" Sigaw ko naman saka tumayo mula sa pagkakagiha sa kama.

Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin saka naalala ang paghalik ni Adam sa akin.

Amp. Ang tamis.

Napangisi muna ako saka nagsimulang mag lakad patungong kusina.

"Sinigang ba 'to ya??" Tanong ko habang nilalagyan ni yaya ang plate ko.

"Oo hija.. kumain kana, mabuti na ba pakiramdam mo?" Tanong naman nito sa akin.

"Okay na ako ya.." sabi ko naman sabay subo ng pagkain.

"Sino naman kasing hindi magiging okay kung bibisitahin ka ba naman ng nobyo eh.." Napa-ubo ako sa sinabi ni yaya. Potek.

"Ya- ano ba.. hindi ko yun boyfriend noh.." tanggi ko kaagad kay yaya. Ramdam kong nag init ang pisngi ko, binigyan tuloy ako ni yaya ng nanunuksong ngiti.

"Naku.. yaya talaga.." napapa-iling kong tugon dito saka kumain nalang uli.

"Ang gwapo naman nung lalaking iyon Sofia.. alam mo? Pamilyar yung mukha niya sa akin.. parang nakita ko na siya kung saan?" Natigilan ako sa sinabi ni yaya Tess.

"Ah.. talaga ya? Ako rin ya.. medyo pamilyar rin siya sa akin, diyan lang kasi siya nakatira sa kabilang kanto kaya siguro pamilyar yung mukha niya." Pagsisinungaling ko. Ang totoo ay hindi ko talaga alam kung saan yun nakatira. Malay ko ba.

Tell No One #Mus-alonlymAward20Where stories live. Discover now