Chapter 2

171 103 41
                                    

Sofia's POV

"Congrats Sofia Bartolome!! Taray ah! Nangangamoy summa cumlaude dito ahh.." Hmm that was Alleayh's voice shouting behind me. Ang lakas talaga ng boses ng babaeng 'to.

Alleayh or Aya for short; is my bestfriend since third year college, why third year lang? Nag stop kasi akong mag-aral pagkatapos ng second year, so medyo na behind ako sa mga batchmates ko sana, buti nalang Aya is there, siya yung unang nakipagkilala sa akin, mabait naman siya, kahit sobrang daldal.

"Thanks Aya, congrats to you too! Sa wakas! Graduate na tayo! Yiee!" I exclaimed happily. Yeah.. sobrang saya ko ngayon, i didn't expect na makaka-graduate pa ang isang tulad ko na sa murang edad ay masasabi kong sobra-sobra na ang napagdaanan.

"Haha! You know what?! Mami-miss ko talaga itong school natin, i will miss the feeling of being a good student! Hahaha! Am I right Sofia Bartolome?" Natatawang pagsasalita nito habang naka gesture pa ang mga kamay sa himpapawid. Parang tanga.

"Cheh! Manahimik ka nga Alleayh Rosh Perez!, may pa good student- good student ka pang nalalaman, eh reyna ka yata ng cutting eh! Buti nga naka-graduate ka pang animal ka" Pambubulgar ko sa kanya. Siniringan lang ako ng bruha.

"Ewan ko sayo sopi, kahit kailan hindi mo talaga ako sinusuportahan.." nakangusong bulong niya na sa di kalayuan naman ang tingin.

"Narinig ko yon..." usal ko habang nagsisimulang humakbang patungong parking lot ng school. Naramdaman ko namang sumunod si Aya sakin habang nakanguso pa rin. Bruha talaga.

Ilang saglit lang ay nandito na kami sa parking lot. Papasok na sana ako sa sasakyan ko nang tawagin ako ni Kid. Yung putang inang gwapo sa engineering department na crush ko.

"Sofia wait!" Yun oh, paglingon ko sa kanya ay napanganga na naman ako dahil sa taglay na kagwapuhan niya. Shet, Ang hot naman niya yata ngayon.. . Hayss Kid.. kainin mo naman ako..

"Hoy babae, 'yung bibig mo, pakitikom, naglalaway ka na naman.. kakahiya ka" Sita sa akin ni Aya nang mapansing naka-nganga na naman ako.
Siniringan ko lang ito saka ibinalik ang atensyon kay Kid.

"Hi Kid! Congrats!" Bati ko sa kanya wearing my most cutest smile on earth! Tamaan ka please!

"Thanks Sofia, Congrats din sa inyo ni Alleayh, by the way Synthia is having a party tonight, wanna come?" Anyaya nito habang ipinapalit ang paningin nito sa amin ni Aya.

Hmm.. sounds fun..

"Sure! Pupunta kami ni Aya, right Ayaaa???" Baling ko naman sa bruha habang pinanlalakihan ko ng mata na ngayon ay sobrang lapad na ng ngiti. Nang-aasar.

"Why not!! Ako pa ba? Eh go ako sa lahat ng bagay noh! Duhh!" Tsk, kung maka-arte 'tong bruhang 'to, 'kala mo naman maganda.

"Great! So? Asahan ko yan ah?! I'll see both of you there okay?" He grinned while walking backwards, away from us. Nakaturo pa yung pointed finger niya sa amin.

I just nod at him as a response, saka ito tumakbo papunta sa kung saan.

Ilang minuto pa lamang ay nakangiti na naman ako habang nagda-drive, bakit? Simple! It's because we had a talk with Kid! Haha oh boyy.. he's so cute!

"Nakangiti ka na naman sopia ha.. iba na yan.." Biglang sabi ni Aya na nakatingin lang sa labas ng bintana ng sasakyan.

I just smiled at her comment.

"Pang-ilan mo na ba yang crush si Kid ha? Ika bente? Trenta? Sengkwenta?" Dagdag pa nito dahilan ng paglingon ko sa kanya.

Grabe naman 'to.

Tell No One #Mus-alonlymAward20Where stories live. Discover now