CHAPTER 39

942 41 6
                                    


Naalimpungatan si Violet dahil tumutunog ang kaniyang telepono. May tumatawag sa kaniya kaya inangat niya ang kaniyang kamay upang abutin iyon. Sinilip niya ang kaniyang gilid pagkatapos niyang makuha ang telepono at doon ay nakita niya si Yusuke na tulog na tulog at maamo ang mukha. Kay sarap nitong titigan dahil sa mala-Adonis nitong pigura.

"Hello?" sabi niya. Hindi niya na tiningnan kung sino ang tumatawag, basta niya na lamang itong sinagot.

"I will get you back from that man, Violet." sabi ng kaniyang kausap.

Nagulat siya sa sinabi ng tumawag sa kaniya kaya siya napasigaw. "Hoy, Mister! Kay aga-aga nagpa-prank call ka, umayos ka nga! Ang sarap ng tulog ko tapos ganiyan ang bungad sa akin! Please lang, kung manggagago ka, do'n sa gising hindi sa bagong gising!" Ibinaba niya ang tawag at ibinagsak ang kaniyang telepono.

"Nakakainis naman," bulong niya sa kaniyang sarili. "Nakakainis! Dahil sa prank caller na 'yun, nasira ang tulog ko. Ganito na ba talaga sa Pinas? Wala nang ibang magawa ang mga tao kundi manloko nang manloko!"

Dahan-dahan siyang tumayo sa kanilang kama dahil baka magising si Yusuke. Animo'y wala siyang pakielam sa kaniyang sarili na hubo't hubad dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siyang suot. Agad siyang dumiretso sa bathroom at ginawa ang morning routine niya. Naligo na rin siya bilang paghahanda sa pagpasok sa opisina. Pagkatapos niyang maligo ay humarap siya sa salamin upang patuyuin ang kaniyang buhok.

"Iba talaga ang glow ng bagong sex," sabi niya sabay tawa sa kaniyang isip. Pinatuyo niya ang kaniyang buhok gamit ang blower at nagkabit ng isang pares ng earings. Inayos na rin niya pati ang kaniyang buhok at nagsuot ng kaniyang office attire.

Simula nang matutuhan niyang bumangon, nag-iba na rin ang kaniyang kilos at pananamit; naging liberated with class na siya. Ganoon naman siguro talaga, nag-iiba ang tao kapag nasaktan. Kaya nga may tinatawag na "glow-up after break-up." Pagkatapos niyang gawin lahat ng kailangan niyang gawin ay agad-agad siyang bumaba para tingnan ang mga bata at sabayang kumain. Agad tumakbo sa kaniya si Seraphina na naka-princess night gown, mahilig kasi ito sa mga Disney princess. Yumuko siya upang halikan ito.

"Good morning, Mommy!" bati ni Seraphina sabay halik sa kaniya labi.

"Good morning, Princess." Binuhat niya na rin ito dahil sumabit ito sa kaniyang leeg. "Where's your kuya, Princess?"

"Doon po, Mommy. Nag-aaway na naman po si Kuya Calix at Kuya Noah po."

"Bakit naman, Princess?"

"Kasi po, Mommy, tinatakot ni Kuya Calix si Kuya Noah na may mumu daw sa ilalim ng kama ni Kuya Noah." sabay hagikhik nito.

Pilyo talaga si Calix, mahilig manakot lalo na sa mga kapatid nito. Malapit na sila sa entrance ng dining room at dinig nila ang ingay na nanggagaling doon.

"Alam mo ba, Noah, may mumu sa ilalim ng kama mo, nakita ko kagabi."

"Edi wow, Kuya Calix."

"Ayaw mong maniwala? Nakita ko kaya kagabi 'yun. Hinahawakan 'yung isa mong paa kagabi, buti na lang nagising ako."

"Hindi naman totoo, eh!" sabay labas dila nito.

"Babae 'yung mumu, white yung mukha, tapos mahabang buhok." sabay action nito para magmukhang totoo ang mga sinasabi nito.

"White lady, Calix," singit ng Sebastian.

"Iyon, white lady nga. Galing mo talaga, Kuya Bas. Kuya, nakita mo rin?" tanong ni Noah kay Sebastian.

"Nope, but based on my research, white lady ang tawag do'n."

"Hala ka, Noah!"  pang-aasar pa ni Calix.

"Isusumbong ko kayo kay Mommy, lagi n'yo na lang ako tinatakot!"

Bago pa man sumagot si Calix ay nagsabi na siya ng "Hep! Hep!"

"Hooray?" sagot ni Calix sabay tawa. Sinamaan niya ito ng tingin kaya ito huminto.

"Guys, anong pinag-uusap n'yo?" tanong niya sa mga anak niya na animo'y hindi niya narinig ang pinag-uusapan ng mga ito kanina.

"Good morning, Mom." sabi ni Sebastian sa kaniya at halik. Sa apat na magkakapatid, ito talaga ang pinakasuplado pero sweet sa kanila.

"Good morning, Baby."

"Mom, I'm not a baby anymore."

"But for me, you're always be my baby."

"But⸻"

"No more 'buts'. Para sa akin, baby ka pa rin." Ayaw talaga nitong matawag na baby. Napakunot na lamang si Sebastian ng noo.

"Good morning, Princess." sabay halik ni Sebastian kay Seraphina sa cheeks.

"Good morning, Kuya Sebastian."

Lumapit na rin ang dalawa niyang anak para bumati ng "Good morning!" at humalik sa kaniya at kay Seraphina. Sweet talaga ang mga anak niyang lalaki pagdating sa kanilang prinsesa, protective din ang mga ito sa mga umaaway at lumalapit dito.

"So back to the topic, anong pinaguusapan n'yo kanina?"

"Hmmm. . . wala naman po, Mommy." sabi ni Calix.

"Mommyy, tinatakot po ako ni Kuya Calix! May mumu daw po sa ilalim ng bed ko!" sumbong sa kaniya ni Noah.

"Hmmm. . ." Pinanliitan niya ng mata si Calix.

"Mommy, joke lang naman po 'yun."

Ginamitan na naman siya ng anak niya ng puppy eyes. Papagalitan niya sana ito kaso ginamitan siya nito ng pampahina.

"Guys, listen to Mommy. Dapat ba natin takutin si Noah? 'Di ba, hindi naman po? Dapat nga po hindi niyo siya tinatakot sa mga bagay na 'yun, especially you, Calix. 'Di ba, mas matanda ka kay Noah? You should protect him and teach him how to be brave, right? Dapat kayo ang nagkakampihan, mga anak, dahil kayo ang magkakapatid. Hindi n'yo dapat sinasaktan at niloloko ang mga kapatid n'yo, right?" sabay tingin kay Calix.

"Yes, Mommy, hindi na po mauulit. Sorry po."

"Ano dapat ang sasabihin kay Noah kapag nagkakamali?"

The Shell of What I was [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon