CHAPTER 34

1K 42 5
                                    



Habang naglalakad sila papunta sa bulwagan, napansin niyang nagsisialisan na ang mga tao, hindi niya nga lang alam kung bakit. Naisip niya na baka pagod na ang mga tao dahil kanina pa sumasayaw ang mga ito. Kahit na ganoon, sumama pa rin siya kay Yusuke.

Nilagay ni Yusuke ang kamay nito sa likod niya, hinawakan ang isa niyang kamay at itinaas ang kamay nilang dalawa. Si Violet naman ay inilagay ang kaniyang kamay sa balikat ni Yusuke. Waltz ang sayaw nila dahil ang tema ng party ay fairy tale. Nagsimula nang tumugtog ang kanta, kasabay nito ang pagsayaw nilang dalawa.

"Heart beats fast; colors and promises."

"Alam mo, Violet? Simula nang makita kita at makilala, bigla na lang nabuo ang pagkatao ko. Simula nang mawala ang dati kong anak, alam mo naman iyon, hindi ba? Namatay ang anak ko dahil sa aksidente."

"How to be brave? How can I love when I'm afraid to fall?"

"Simula nang araw na 'yun, Violet, alam mo naman kung gaano ako naging miserable, 'di ba? Dahil nakwento  ko na sa 'yo iyon."

Nakikinig lamang si Violet sa mga sinasabi ni Yusuke sa kaniya habang nakatingin sa mga mata nito.

". . .but watching you stand alone. All of my doubt, suddenly goes away somehow."

"Pero no'ng nakilala kita, alam mo, naging masaya ulit ako. Natutuhan ko ulit ngumiti at tumawa nang dahil sa 'yo. No'ng una, akala ko hindi ko kaya, pero dahil sa 'yo nagawa ko. Words are not enough to describe how grateful I am when I met you, Violet. Pinuno mo 'yung buhay ko ng puro saya at tawanan kasama ng mga bata."

"One step closer."

"Nagpapasalamat ako sa Diyos, kasi alam mo? Siguro kung hindi kita nakilala, wala na ako. Hindi man sa katawang tao, pero sa pandama. Hindi ko alam, pero napakasaya ko, at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nawalan ka. Hindi ko alam."

Naiiyak na si Violet dahil talagang damang-dama niya ang sinasabi ni Yusuke sa kaniya. Dahil nga siguro pareho silang miserable dati, at ang tadhana na ang gumawa ng paraan para magkakilala silang dalawa at parehong bumangon mula sa pagkakalubog sa kahapon.

"I have died everyday waiting for you. Darling, don't be afraid, I have loved you for a thousand years."

Bigla na lamang lumuhod si Yusuke sa kaniyang harap at biglang may inilabas na mic galing sa kaniyang likuran.

"Sa'n galing iyon?"

"Will you marry me, Violet Jones?"

Sabay-sabay na naghiyawan ang mga tao na nakapaligid sa kanila. Kaya pala umalis ang mga ito dahil may sorpresa pala si Yusuke para sa kaniya.

Habang tinitingnan niya ang mga nakapaligid sa kanila, napako ang kaniyang tingin sa lalaking sumira sa kaniyang pagkatao. Matalas ang tingin nito sa kaniya, napakatalas. Natakot man siya ay nagawa niya pa ring ialis ang pagkakatitig niya rito.

May karapatan din naman siyang sumaya. Kahit sa pagkakataong ito lang, deserve niyang sumaya at ipakita sa taong sumira sa kaniya na masaya siya ngayon, at hindi niya kailangan ng isang Chris sa buhay niya. "This is just a beginning, and it's going to get better from here."

Bago niya sabihin ang salitang "Yes," kinuha niya ang mic kay Yusuke at sinabi ang mga katagang alam niya ay matatamaan si Chris.

"Being able to find someone you click with so naturally is the best feeling ever. You feel like you're bestfriends your whole life, it feels like you're coming home." sabay titig sa mga mata ni Yusuke. "You're so comfortable with him. Maybe that's what soulmate is." Tumingin siya kay Chris. "Not someone who share things in common with you, but someone who feels like home." Pagkasabi niyon ay napaiyak na siya at tiningnan si Yusuke at sinabing "Yes! I will marry you."

Dali-daling naisuot ang singsing sa kaniya. Alam niyang wala na itong atrasan, pero wala namang bakas ng pagsisisi sa kaniyang mukha dahil alam niya na aalagaan siya nito at poprotektahan, bagay na hindi ginawa sa kaniya ng dati niyang asawa. Isa lang ang masasabi niya:

"Don't settle for a relationship that won't let you be yourself. Fall inlove with someone who is both your safe place and the biggest adventure." ⸻Violet

The Shell of What I was [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon