CHAPTER 8

2.3K 53 0
                                    

CHAPTER TWO

Ikinasal siya kay Chris na may malawak na ngiti. Masaya siya dahil sa mga nangyayari ngayon. Dati ay pinapangarap niya lamang ang last name nito, pero ngayon ay natupad na, nakadikit na ito sa pangalan niya .

Pagkatapos ng kasiyahan ay dumiretso na siya sa kwarto nila ni Chris. Nakita niya roon ang asawa na nakaupo sa couch at umiinom. Matalim ang titig na ibinigay nito sa kaniya, at halata ang galit sa mga mata nito.

"Are you happy now, Violet?" sigaw nito sa kaniya.

"What are you talking about?" pagbabalik niya ng tanong dito. Ayaw niyang sabihin na, oo, masaya siya dahil asawa na niya ito, na matagal na niyang gustong maging asawa ito.

"Pwede ba, Violet? Alam mo naman kung ano ang tinutukoy ko!'

Hindi niya alam, pero natatakot siya na baka alam na ni Chris na gusto niyang makasal siya rito, at natatakot siya na baka saktan siya ni Chris o iwan.

"C-chris, 'di ba, alam mo namang dahil sa pamilya natin ito kaya nagpakasal tayo?" mahinahon niyang tugon dito. Biglang tumawa si Chris nang pagak at nakakainsulto.

"Talaga ba, Violet, dahil sa pamilya natin? So, you think, you can fool me easily, ha?" Lumapit ito sa kaniya at hinawakan nito ang panga niya nang napakahigpit. "Alam kong pinlano mo rin ito at gusto mo rin to, 'di ba? 'Di ba?! Kaya nga nang nalaman mo itong kasalan na magaganap, pumayag ka agad!" sabay bitiw nito sa panga niya na talaga namang napakasakit.

"I'm not fooling you!" sagot niya rito. "Nagsasabi ako ng totoo, and I don't have to beg on you to believe me, because I'm telling you the truth and that's enough for me!"

"Ang totoo, mahal kita. Mahal na mahal," sabi nito sa kaniyang isip.

"Okay, you're telling the truth pala. Okay! I will believe you, then." At saka ito muling tumawa nang pagak. Hindi siya naniniwala. Halata naman na sarcastic ang sagot nito, dahil sino nga ba ang maniniwala sa kaniya, sa isang babaeng nagpakasal dahil sa businness matter? 'Yung iba ay nagrerebelde dahil do'n, pero heto siya, nagpakasal sa lalaking kaharap niya ngayon.

Yumuko na lamang siya, dahil wala naman siyang mukhang maihaharap dito, at bago umalis sa harap niya ang asawa niya ay may sinabi ito na masasakit na salita para sa kaniya.

"Before I forgot, I wanna tell you this, Violet. I know, what you did is for your own good. It is all because of that crazy feelings of yours."

"Wait, crazy feeling? Alam ba niya? God, please, tell me 'No' dahil baka mas magalit siya sa 'kin," sa isip-isip niya.

"Don't expect that I will do my part as your husband, because I will not 'cause you forced me to do this fucking marriage. Just do all your jobs here. And one more thing, Violet, you can have my fucking surname, but not my heart and my soul. Bare that in your filthy mind. You, bitch!"

Tumulo ang kaniyang mga luha. Alam niyang hindi siya makikita ni Chris dahil nakatalikod na ito sa kaniya at palabas na ng pinto. Nasasaktan siya sa sinabi nito.

"Pero tama nga naman, ako lang naman ang may gusto rito, kaya dapat lang na ako ang gumawa ng lahat ng bagay."

Tama nga ang sabi nila, ang saya ay mapapalitan ng lungkot. Mali nga ba ang naging desisyon niya? All she want is to be happy with the love of her life, mahirap ba 'yun?

"Parang kanina lang, I was laughing and smiling. But now? All I can feel is sadness, betrayal, and tears."

Maagang nagising si Violet para maghanda ng almusal. Gusto niya sanang maghanda ng para sa sarili niya lamang, pero hindi pwede. Kailangang kumain ni Chris, dahil lasing ito kagabi at tiyak na may hangover ito. Isa pa, kailangan din nito ng lakas.

Nagluto siya ng pancake at soup pangtanggal hangover, pagkatapos ay gumawa siya ng kape para sa asawa niya.

"Sana mahismasmasan siya rito," may ngiti niyang sabi. Nilagay niya ang kape sa lamesa at tinawag niya ang kaniyang asawa.

Umakyat siya sa kwarto nilang mag-asawa upang yayain na ito, ngunit pag-akyat niya dito ay hindi niya ito makita. Tumingin siya sa kaliwa pati na rin sa kanan, pero wala ito.

"Nasa'n na 'yun?" Tanong niya sa kaniyang sarili. Hindi niya makita ang kaniyang asawa.

Nilibot niya ulit ang kaniyang tingin sa kabuuan ng kwarto, pero walang kahit anong bakas ni Chris doon. Lalabas na sana siya sa kwarto nang biglang lumabas si Chris galing sa banyo nila. Humakbang ito. Hindi niya maiwasang tumitig sa kaniyang asawa na kakatapos lang maligo. Kailangan niyang umalis agad dahil baka mapano siya kapag nagtagal pa siya rito, pero hindi niya magawa. Hindi siya makagalaw. Parang naka-magnet ang mga mata niya sa asawa, pati na rin ang kaniyang mga paa na parang nakadikit sa kung saan siya nakatayo ngayon. Nakatitig lamang siya rito.

Napalunok siya ng laway habang nakatitig sa mukha nito. Pansin niya ang tubig na tumutulo galing sa buhok nito, pababa sa leeg, hanggang sa matipunong dibdib at walong pandesal nito.

"Hmmm. . . sarap kainin, nakakatakam. Kape na lang ang kulang."

Bababa pa sana ang tingin niya pero biglang nagsalita si Chris.

"Violet, stop eye raping me! Nakakainis!" sigaw ng kaniyang asawa. Ito na nga ba ang sinasabi niya.

"Huh? A-anong sabi mo?" sabay tingin sa mukha nito na ngayon ay nakatitig sa kaniya nang napakatalim.

"Ang init," sabi niya. Lalabas na sana siya kwarto nang bigla siyang may narinig mula kay Chris.

"Tsk!" Inirapan lamang siya nito. Bago pa man makapagsalita si Chris ay inunahan na niya ito.

The Shell of What I was [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon