CHAPTER 13

2.1K 45 0
                                    

"Kailangan kong maging masaya."

Ngayong araw ay napagdesisyunan niyang pumunta sa Mall para makapag-relax-relax. Kailangan niya ring magpaganda dahil pakiramdam niya ay mukha na siyang losyang. Ayaw niya rin namang ganoon ang itsura niya dahil may asawa na siya. Hindi siya dating ganito. Dati ay maalaga siya sa kaniyang sarili, pero ngayon ay hindi na, dahil siguro sa stress at mga problema na dumating sa kaniya. Bago siya lumabas ng bahay ay nagpaalam muna siya kay Chris na aalis siya.

"What do you need?" iritadong tanong nito habang nagbabasa ng newspaper.

"Magpapaalam lang sana ako, kung okay lang?" Natatakot niyang tanong. Baka kasi hindi siya nito payagan at magalit ito.

"Tsk! And where are you going, you have a date? Go ahead, and I'll kill you both." sabi ni chris saka ito tumayo at umalis sa pagkakaupo nito.

"No. . . magmo-mall lang ako. Gusto mo, sumama ka?' nagbabaka sakaling tanong niya.

"Then go! Hindi ako sasama sa 'yo. Kahit kailan, ayaw kong may kasamang pangit.' tugon nito sa kaniya.

"Please?" pa-cute niyang pakikiusap dito, "Baka naman."

"I said, go! Hindi ka ba nakakaintindi ng English? Gusto mong tagalugin ko pa?" bulyaw nito sa kaniya.

Kahit masakit, dahil na umasa siya, at nagdadalawang isip na umalis ay umalis pa rin siya. Kailangan niya ng relaxing day para sa sarili niya. Masakit talagang umasa sa wala kaya naman next time ay hindi na siya aasa pa sa lalaking iyon. Parang wala naman siyang mapapala kundi puro sakit lamang.

Pagkarating niya sa Mall ay agad niyang tinawag ang bestfriend niyang si Clyne. Bati na sila no'ng isang araw pa. Hindi raw siya nito matiis, kaya heto at makikipagkita siya. Nakatatlong tawag siya bago sumagot si Clyne.

"Where are you?" tanong niya.

"Starbucks?" sagot nito.

"Ganun?" Isang tanong, isang sagot talaga. "Okay. I'll be there in a minute." sabi niya. Hindi niya na hinintay ang sagot nito, ibinaba na lamang niya agad ang tawag.

Pagkarating niya sa Starbucks ay agad niyang nakita si Clyne na nakaupo sa tabi ng bintana.

"Hi, beshiewap!" bati niya rito. Na-miss niya ang kaniyang bestfriend.

Nakatingin lang si clyne sa kaniya, pinagmamasdan siya nito. Tinakpan niya ng concealer ang pasa sa mukha niya upang hindi makita ang pananakit ni Chris sa kaniya. Natatakot kasi siya na kapag nakita at nalaman ito ni Clyne ay hindi na talaga nito matatanggap ang asawa niya.

"What the hell! Anong nangyari sa ' yo, Violet? Look at yourself, you look like manang na." Hindi pa man siya nakakaupo ay hinila na siya nito palabas.

"Anong ginagawa mo?" takang tanong niya rito.

"Ipapayos kita. My ghad, Violet, what have you done to yourself? Nasa'n na 'yung Violet na maganda at makinis!"

"Nasa'n na nga ba?"

"What? Maayos pa naman ako, Clyne." tugon niya rito. Pakiramdam niya ay hindi pa naman siya pangit, ngunit dahil sa sinabi ni Clyne ay pakiramdam niya, totoo ang sinasabi nito.

"Nah! Look at yourself, halos mukha ka nang hindi si Violet. Ano bang nangyayari sayo, ha? Nangayayat ka na!"

Bakit nga ba siya nagkakaganito? Napabayaan na ang sarili dahil sa asawa. She remembered when she was still a Romualdez. Maalaga siya sa sarili, puro branded ang mga damit niya at maayos lagi ang mukha, pero hindi niya alam ang nangyari sa kaniya ngayon. Tama ang kaibigan niya, halos hindi na siya si Violet na maganda at charming.

"Okay, let these things begin!"

Bati na talaga silang mag-bestfriend, at natutuwa siya sa bagay na iyon. Hindi talaga siya nito matiis.

Pumasok sila sa loob ng Salon at sinimulan na din silang ayusan. Pati rin pala ang bestfriend niya ay magpapaayos katulad niya. From head to toe, hair spa, manicure, pedicure, and even body massage ay ginagawa na. She feel relaxed pagkatapos no'n. Parang nawala ang kalahati sa mga problema niya.

Marami pa silang ginawa ni Clyne sa Mall. Kumain, nanood ng sine, at nag-shopping, isa sa mga hilig nilang mag-bestfriend. Hindi na niya mamalayan na gabi na pala at kailangan na niyang umuwi, baka magalit ang asawa niya.

Pagkatapos niyang magpaalam kay Clyne ay umuwi na siya. Halos isang oras lang ang byahe dahil hindi gaanong traffic. Pagkauwi niya ng bahay ay agad siyang sumalampak sa couch. Pagod na pagod talaga siya dahil marami silang ginawa, pero nag-enjoy naman siya.

Nagpahinga lamang siya saglit at nagluto na ng dinner. Baka mapano siya kapag hindi  siya nakapagluto ng hapunan. Kahit na hindi rito kumakain ang asawa niya ay obligado pa rin siyang magluto. Nagluto siya ng adobong manok para sa hapunan. Matapos niyang magluto ay saktong baba rin ni Chris galing sa kwarto.

"Good evening," bati niya rito.

Inirapan lamang siya nito at hindi sumagot. Diretso lamang itong umupo sa isang upuan at kumain. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa kaya naman napakatahimik ng dinner nila. Ito ang unang beses na nag-dinner siya kasama ang asawa.

Pagkatapos nilang kumain ay niligpit na niya ang mga pinggan na ginamit nila at hinugasan. Nang matapos siya ay naisipan na niyang magpahinga.

Aakyat na sana siya nang bigla siyang hilain ni Chris.

"Where did you go?" tanong nito.

"Hindi ba ito nakinig kanina?" tanong niya sa sarili. "Sa Mall," simpleng sagot niya rito.

Napatawa nang pagak si Chris at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak nito sa kaniya.

"With who?" tanong ulit nito sa kaniya na may halong inis.

"With Clyne." simpleng sagot niya ulit. Hindi na niya kailangang habaan ang sagot niya dahil simple tanong lang naman iyon at dapat ay simpleng sagot lang din ang ibigay niya rito.

"Bakit ang ayos mo ngayon, ah? Is that the effect on you after doing it? Hindi ako naniniwala na si Clyne ang kasama mo. Remember, magkaaway kayo dahil sa pagpapakasal mo sa akin?"

"Wag kang iiyak, Violet, wag! He doesn't deserve your tears." Pero hindi nakinig ang mga mata niya dahil sa iniisip ng asawa niya sa kaniya, kaya tumulo pa rin ang luha niya.

The Shell of What I was [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon