Chapter 26

2.3K 61 4
                                    

Mga anak may lakad lang si mommy ha ?
Sabi niya sa mga anak niya

May aasikasuhin pa siya sa trabaho niya na napakaraming paper works.

Sorry hindi makakasama si mommy sa lakad natin pasensya na babawi nalang si mommy sainyo promise.

Nag karoon kasi sila ng biglaang meet up ng isa sa mga investor sa kompanya, nangako pa naman siya sa mga bata na may family bonding sila.

Kausap niya kasi ang panganay niyang anak sa telepono.

Kaya naisipan niya si yuske nalang ang sasama sa kanila, para may bonding rin siya sa mga bata.

Andito siya ngayon sa isang fancy restaurant hinihintay niya ang kanyang ka meet-up na isa sa mga investor ng company nila ni yuske, dito kase nag-pa desisyunan nila mag-meeting.

Napatayo na siya nung nakita na niyang paparating ang kameet-up niya na si " "Dave Sebastian " ang kanyang best-friend dito rin nag-mula ang pangalan ng una niyang anak na si Sebastian Jake.

Siya ang tumulong sa kanya nung na-rape siya. Hanggang ngayon hindi parin nakilala yung taong gumahasa sa kanya ang tagal na ng panahon na iyon pero hinding hindi niya iyon makakalimutan.

Unexpected friendship are the best one.

Hello, dave! Long time no see.
Bati niya dito.

Hello, violet! paganda tayo ng paganda ah bati rin nito sa kanya

Napaka borelo ng lalaking ito.

Ikaw naman! Sabay hampas niya sakanyang kaibigan sa bandang likuran.

Naging matalik silang mag-kaibigan dahil tinulungan siya nito bago siya manganak ang kaso nga lang umalis ito ng bansa pero hindi naman siya nito pinabayaan pero nawalan sila ng communication dahil pinalayas siya ng ina nito sa kanyang bahay dahil pabigat daw ito sa anak niya, akala siguro nito ay humihingi siya ng pera dito hindi alam nito na pumasok siyang katulong sa anak nito.

At pinapaswelduhan siya, pinag-bintangan rin siya na maduming babae dahil inaakit ko daw ang kanyang anak. Kaya naman napilitan siya umalis doon. Sabi ng lalaki na Hinanap daw siya ni nito nung umuwi siya dito sa pilipinas hanggang sa mag-kita sila kaso nga lang hindi na bilang isang katulong kung hindi bilang isang C.E.O na ng isang companya.

So violet, kamusta na ang mga bata?
Tanong nito sa kanya.

Ayun,hinahanap yung ninong nila na maraming atraso sakanila. Biro niya dito

Nako violet, parang ayaw ko ata mag-pakita sa kanila nakakatakot.

Tumawa nalang siya sa biro nito sa kanya.

Tara at maupo na tayo, sabi niya dito dahil nakakahiya naman sa isang investor na hindi ito paupuin kahit na kaibigan niya ito.

Dahil pag-uusapan pa nila ang tungkol sa business nila.

Habang kumakain sila ni dave, hindi siya mapakali, animoy may kutob siya pero hindi niya malaman kung ano ito.

Habang nakatingin siya sa kaliwa bigla nalamang siyang tumingin sa bandang kanan dahil may namukaan siyang isang tao.

Doon na lamang siya nagulat at bumalik biglang ang kanyang nararamdaman hindi dahil sa pag-ibig kung hindi dahil kinasusuklaman at kinamumuhian niya ang taong nakikita niya ngayon.

Napakapit siya ng mahigpit sakanyang tinidor dahil parang gusto niya itong habulin at saksakin, walanh iba kung hindi si chris ang kanyang dating asawa.

The Shell of What I was [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon