"Hoy! Felix kamusta kayo ng nililigawan mo??" tanong ko.

"Ayun daig pa naming mag-jowa, eh kayo may label na ba?? Joke. Nagselos nga siya kay Ate May kanina eh." sagot niya.

"Sinong Ate May??" sabay na tanong namin ni Christine.

"Uyy sabay pa sila, may label na kayo no." sabi niya.

"Sagutin mo na lang kase." sabay na sabi ulit namin.

"Yiiieee magkapareho sila ng iniisip." pang-aasar ni Felix.

"Felix!!!" sabay na sabi ulit namin ni Christine.

"Okay, ganito kase yun pareho kayo ng iniisip tapos pareho kayong nagagalit kaya pareho kayong inlababo sa isa't-isa. Ito na talaga si Ate May pinsan ko yun eh hindi ako nakapag-reply sa text ni Ally kase nagkukuwentuhan kami ni Ate May. Ayun nagselos siya pero okay na kami." sabi niya.

Pagkatapos niyang sabihin yun ay dumating na ang teacher. Pagdating ng teacher ay agad rin itinago ni Christine yung libro niya at nakinig na lang sa teacher.

*2 hours later

Recess

Habang inaayos ko yung gamit ko ay minamadali naman ako ni Christine.

"Bilisan mo na Bailey baka hindi pa natin makita si Alexius." sabi niya.

"Teka lang, nasaan sina Felix??" tanong ko.

"Nakalabas na ang bagal mo kase." sabi niya.

"Oo ito na." sabi ko.

Pumunta na kami sa room nina Alexius at hinanap siya dun. Pagdating dun ay tinanong namin kung nandon siya.

"Nandiyan ba si Alexius??" tanong ko dun sa babaeng nasa may pinto.

"Wala eii." sagot niya.

"Ah ganon ba. Pakisabi na lang hinahanap namin siya." sabi ni Christine.

"Okay." sabi niya.

Umalis na kami dun ni Christine at napag-desisyunang mag-recess na muna kami kasama nina Aron.

Alexius POV

Nandito ako ngayon sa tambaya namin nina Jay at Sam pero mag-isa lang ako. Si Sam hindi ko alam kung nasaan gala kase masiyado. Si Jay naman paniguradong kasama na naman ang Mikka niya. Balita ko nga nagpa-part time job yun.

Binibigyan ko siya ng pera pero ayaw niyang tanggapin dahil  nahihiya siya.Alam kong nandito na ulit sina Christine pero sinasadya ko talagang hindi magpakita sa kanila. Ayaw kong masaktan ulit si Christine kaya hindi ako nagpapakita sa kanila.

Iniisip ko na baka kapag nagpakita ako maalala lang ni Christine ang pinaka-masamang ginawa ko sa kaniya. Mag-isa lang naman ako kaya naisipan kong bumalik na lang sa room. Pagdating sa room bago ako pumasok ay kinausap muna ako nung kaklase ko.

"Hoy! Alexius hinahanap ka nina Christine at Bailey." sabi niya.

"Bakit raw??" tanong ko.

"Aba malay ko, mabuti pa puntahan mo na lang sila sa canteen. Gusto ka yatang kausapin." sabi niya.

Pumunta na lang ako sa canteen para mag-recess nagugutom na ako eh.

Chelsea POV

Hello guys!!! Nandito ako ngayon sa tambayan namin nina Stacey habang recess. Nag-uusap kami tungkol dun sa mga transfer na kasama nina Bailey.

"Ang gwapo naman nila lalo na si Aron." sabi ni Stacey.

"Mas gwapo kaya si Dave." sabi ni Margot.

 The Boy Changed The GirlWhere stories live. Discover now