CHAPTER 33: WHO IS IT?

1K 56 0
                                    

CHAPTER 33: WHO IS IT?

ATHENA JAZLYN LAUREL DONGFANG POV

Natapos na klase at agad akong umalis. Hindi ko na hinintay yung dalawa. Ayaw ko ngayon nang makukulit. Paniguradong kukulitin ako ng dalawa dahil sa nangyari kanina. Habang naglalakad ako iniisip ko pa rin ang message na iyon.

" You seem you have your luck to escaped your death but one of the people around you have no luck. Be careful, that person will pay your debt for surviving,"

~Prince

Habang iniisip ko kung sino ang tinutukoy niya ay hindi ko na malayan na nakarating na ako sa likod ng school. Ngayon ko lang nakita na mayroong room dito. Pumasok ako sa loob at maayos lahat ng gamit ngunit madumi ang paligid. Napagdi-disisyonan ko na linisin ito. Hindi ko alam kung bakit gusto kong linisin ang lugar na ito. Ewan ko nalang, malinis na nga lang. Wala namang mangyayaring masama sa kanila ngayon di ba?

Natapos ko nang maglinis at di ko na malayan na ilang oras na pala ako dun  at uwian na. Umalis na ako sa lugar na iyon at nakita ko si Justine sa may gate. Nakatigil lang siya doon habang nakatungo. Nang linapitan ko siya saka ko lang napagtanto na tulala pala siya at malalim ang iniisip kaya pinitik ko ang kamay ko malapit sa tenga niya. Doon ko pa lamang nakuha ang atensyon niya.

"J-jazlyn, kanina ka pa ba diyan?," Gulat niyang tanong. Mukhang hindi niya ako napansin.

"Hindi naman. Nakita lang kita dito na tulala. Ano bang iniisip mo?," Wika ko. Balak ko sanang asarin siya pero bigla siyang nalungkot.

"Jazlyn, pwede bang sumama ka muna sa akin? May sasabihin lang ako sayo," tanong niya. So ako pala ang iniisip niya.

"Oo naman, tara," umalis na kami at dinala niya ako sa isang cafe. "So anong sasabihin mo sa akin?,"

"*Sigh* Jazlyn, alam mo may gusto ako sayo diba?," Tanong niya.

"Oo, nakita ko rin yung nangyari kahapon. May ibabalik lang sana ako kay Lay-anne pero nakita kong nag aaway kayo ni Allaine. Hindi ko na kato inawat dahil kapag pumasok ako sa gulo niyo mas lalang lalaki iyon," paliwanag ko.

"Alam ko. Hindi mo iyon kasalanan, kasalanan ko. Kung inintindi ko lang si Allaine hindi sana hindi aabot sa ganito," wika niya.

"Bakit mo ba ako nagugustuhan?," seryoso kong tanong.

"Hindi ko alam. Basta parang na love at first sight yata ako sayo. Actually, hindi yun yung gusto kong sabihin. Ang gusto ko lang namang sabihin, kahit gusto kita papakawalan kita kasi alam ko na hindi ako yung taong makakapagpabago sayo at para sayo," nakita ko ang namumuong luha sa mata niya bago ito tuluyang tumulo. "Kaya kahit masakit papakawalan kita,"

"Sorry. Sorry kung ganito ang nararamdaman mo ngayon. Simula nang mangyayari ang aksidenteng iyon, nagbago na ako. Nawalan na ng lugar ang pagmamahal sa puso ko. Kaya sorry. Hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sayo," pag hingi ko ng tawag.

"Wag ka na ngang magdrama diyan. Kainin na lang natin ito. Magkaibigan parin naman tayo kahit busted ako sayo," wika niya at kumain.

****

Nasa bahay ako ngayon at nakahiga. Narinig ko na tumunog ang cellphone ko at nakita kong may nag message. Nang basahin ko iyon nagdilim ang paningin ko.

"It seems that you don't care about your friends. Now, that person will taste my wrath.

~ Prince"

Sh*t! You gonna pay if something happened to my friends!," Sigaw ko.

Narinig kong nagbukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok doon si kuya. "Anong sinasabi mong 'you gonna pay if something happened to my friends', twinnie," wika niya.

"You don't have to know. My your business, Shin," i said coldly. I shouldn't tell him about this. I'm the one he wants, so, i should be the one who solve this.

"Your my business, twinnie. Tandaan mo, ikaw lang ang kakambal ko. Ayaw kong mawala ka din sa amin kaya kung kailangan kong protektahan ka, poprotektahan kita," wika niya.

" Kuya, hindi mo pwedeng gawin yun. Ako ang nagsimula nitong revenge plan na ito. Ako din dapat ang tatapos nito. Kay kuya, labas ka na dito," wika ko. Nadamay sila dahil sa akin kaya ako ang gagawa nang paraan para iligtas ang taong iyon. Pero....sino? Sino sa kanila? Who is the one with no luck?

"Twinnie, baka na kakalimutan mong parte ako ng Shadow Guards at kakampi niyo na kami kaya kung anong problema mo problema din namin," wika niya.

" Kuya, kung patuloy mo akong kukulitin. Magdasal ka na baka ikaw ang unahin ko," pananakot ko.

"Ano?! Pati ako na sariling mong kapatid papatayin mo?! You are too crue—," naputol ang sasabihin niya ng ibato ko ang kutsilyo malapit sa mukha niya. Natulala siya nang ilang minuto bago uti-uting tignan ang kutsilyo sa pader.

"Lalabas ka o ibabato ko pa itong isa?," Pananakot ko.

"Ilang kutsilyo ba mayroon ka at saan ba nanggagaling yan?," Tanong niya. Itinaas ko ang unan ko at nakita niya na mayroon ako limang kutsilyo sa ilalim nang unan. I gave him a smirk at agad siyang umalis nang kwarto ko kaya natulog na ako.

Nasa Elite School na ako at pumasok. Nakita ko agad sila pero patuloy lang ako sa paglalakad. Naramdaman kong may umakbay sa akin at nakita ko si Katelyn at Iris. Teka! Anong ginagawa nila dito.

"Yo!," Wika ni Katelyn. Kumaway naman sa akin si Iris.

"What are you two doing here?," Cold kong wika.

"Whooaa, bad mood siya," pang aasar ni Katelyn. Nakita kong palapit sa amin sina Allaine kaya agad akong umalis. Hindi ko alam kung bakit ko sila iiniiwasan. Bigla na lang may humawak sa braso ko. Hindi ko alam kung sino iyon pero dinala niya ako sa rooftop. Nang humarap siya saka ko lang siya nakilala.

"Why did you bring me here for?," Cold kong wika.

" Nothing. I just want to know why are you avoiding us?," Tanong niya. Truth. I don't know either.

"None of your business. I just don't want to see all of your faces," wika ko. Ano bang pinagsasabi ko? Hindi naman iyon dapat ang sasabihin ko eh. Bahala na si Batman.

"Your wrong. Your business is my business, Jazlyn," wika niya.

"Can you stop pestering me,"

The Mysterious Queen of Assassin (under editing)Where stories live. Discover now