CHAPTER 31: CONFRONTATION

1.1K 64 0
                                    

CHAPTER 31: CONFRONTATION

ALLAINE RONG POV

I didn't expect that Miss Flores knows that Jazlyn is alive and keeping it a secret for a whole time. Jazlyn really knows who's going to trust or not. Pauwi na kami at na o-op  ako ngayon. Bakit? Kasi si Jazlyn at Lay-anne lang ang nag-uusap at di man lang ako pinapasin.

"Ate Jazlyn, hindi ko po alam na sobrang nakakatakot po pala kayo kapag sobrang cold niyo po. Tapos nakita ko po si Angela na nanginig nang tignan mo siya nang ganon," wika ni Lay-anne.

"Bakit sobrang saya mo sa ginawa ko?," Nagtatakang tanong ni Jazlyn.

"Hindi ko po kasi akalain na ang isang bully na kagaya niya ay manginginig sa takot dahil sa ginawa mo. Heh. Sa sobrang yabang niya yan na kahanap siya nang katapat niya. Kaya ate Jazlyn! Tupadin niyo na poprotektahan niyo ako ni kuya ah?," Paliwanag naman ni Lay-anne. Halata namang nagulat si Jazlyn at binigyan siya nang awkward na ngiti bago siya sumang-ayon. Nakita kong pinauna ni Jazlyn si Lay-anne maglakad at bigla na lamang niyang tinapakan ang paa ko at siniko ang tiyan ko. Urgh! Ang sakit niya talagang manapak at maniko.

"Kuya, anong nangyari sayo? Ayos ka lang ba?," Tanong ni Lay-anne. Napansin niya ata na nauuna siyang maglakad.

"Baka na tatae na siya kasi hawak niya yung tiyan niya," grabe ka Jazlyn. Hindi ako natatae. Kung wala lang talaga akong gusto sayo nasapak na kita eh.

"Oo, ayos lang ako. Saka Jazlyn, hindi ako natatae. Ikaw yata ang may sira sa ulo eh?,"wika ko.

"So inaamin mo na may sira ang ulo mo?," Pang aasar niya.

"Anak ng... Jazlyn tigil tigilan mo ako sa mga kalokohan mo ha. Kung di lang kita gusto malamang nasapak na kit..," agad akong napatigil sa sinasabi ko ng matauhan ako. Did i just said that i like her? Paktay, paano ko ito lulusutan?

"Anong sinabi mo gusto mo ako?," Gulat na tanong ni Jazlyn. "Hoy, Allaine. Umamin ka nga sa akin. Ano na naman itong pinagsasabi mo na gusto mo ako?,"

"Oo, gusto kita. P-pero hindi ko pwedeng sabihin sayo yun kasi alam kong may masasaktan," wika ko.

"Ayaw mong masaktan si Justine, tama?," Hindi ako umimik sa tanong niya. Alam kong masasaktan ko si Justine pero wala na eh. Umamin na ako. "Pero hindi din tama na tino-torture mo ang sarili mong nararamdaman para sa kanya. Kung gusto niya talaga ako ipakita niya. Hindi yung umiiwas siya at kung gusto mo din ako bigyan mo ako ng time. Ipakita mo,"

"So may gusto ka pala kuya kay ate Jazlyn," paktay, nakalimutan ko na nandidito pa pala si Lay-anne. Paniguradong mangungulit yan.

"Ah eh.. alis na ako paniguradong papagalitan ako nina tita. Bye," wika ni Jazlyn. Urghh, grabe siya iwan ba naman ako sa ere.

"Wag kang mag aalala kuya. Kung siya din naman ang pipiliin mo ayos lang sa akin. Good luck," wika niya nauna nang umalis.

Nang makarating na kami sa bahay nakita ko si Justine sa may gate kaya ni lapitan ko siya. "Bakit ka nandidito sa labas ba't di ka pumasok sa loob?," tanong ko. Bigla na lamang niya akong sinuntok. "Ano bang ginagawa mo? Bakit ka bigla ka na lang nanununtok?,"

"Bakit?! Kasi inagaw mo ang babaeng pinakamamahal ko! Tapos tinatanong mo ako kung bakit! Mangaagaw ka yun yung dahilan! Kaibigan kita Allaine pero inagaw mo yung taong mahal ko!," Galit niyang wika.

"Paano mo na lamang umamin ako kay Jazlyn?," Nagtataka kong tanong.

"Paano? Sinundan ko kayong dalawa. Akala mo ba hindi ko na hahalata ang mga ginagawa mo. Nagkakamali ka! Simula ng malaman mo na siya si Athena, lagi ka nang nakadikit sa kanya. Yung pagdala mo sa kanya sa amusement park, alam ko din yun. Pati yung pag uusap niyo na kayong dalawa lang. Alam mo, hindi na ikaw yung Allaine na kilala ko. Kasi yung Allaine na kilala ko, walang pakialam sa mga babaeng nakapaligid sa kanya. Pero ngayon, dumating lang si Jazlyn nag iba ka na. Nagiging malapait ka na sa kanya, handa mong isakrapisyo yung pride mo na hindi mag sorry pag may nagawa kang kasalanan para mapatawad ka niya. Ngumingiti ka na rin pagmagkasama kayo nawala na yung cold na Allaine na kilala ko. Ang nakikita kong Allaine ngayon ay yung Allaine na pala ngiti, mabait, at mababa ang pride," wala akong nasabi sa mga sinabi niya. Nag iba na ba talaga ako?

"Ipakita mo...,"wika ko.

"Anong sinabi mo?!," Nagtatakang tanong niya.

"Sabi ni Jazlyn, kung gusto mo talaga siya. Ipakita mo, hindi yung umiiwas ka," paliwanag ko.

"T*nga ka ba?! Paano ko ipapakita sa kanya na mahal ko siya kung inagaw mo siya sa akin?!!,"

"Walang kami, Justine!! Dahil sabi niya kailangan niya ng time!, Kaya wala akong inagaw sayo! Dahil sinabi ko lang ang nararamdaman ko para sa kanya! Kaya paano mo na sabi na inagaw ko siya sayo! Oo, maaaring nag iba ako dahil sa kanya dahil nangungulila pa rin ako sa kanya mag mula nang inakala kong patay na siya! Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko na lumapit sa kanya dahil hindi pa rin ako makapaniwala na buhay pa siya! Kaya wag mong saabihin na inagaw ko siya sayo kasi sapul sa umpisa walang kayo Justine! Kasi nasa kanya ang desisyon kung sino ang gusto niyang makasama!" Sigaw ko. Iniwan kong nakatulala si Justine at pumasok na sa loob. Tinawag ako ni Lay-anne para kumain pero diretso lang ako sa paglalakad at pumasok sa kwarto. Bigla na lang may nagtext sa akin.

"Nakita ko yung nangyari kanina,"- Jazlyn. Si Jazlyn pala ang nagtext.

"Wag mo na lang sabihin kina Kim yung nangyari. Baka kung ano pa ang gawin nila kay Justine,"-me

"Sige. Pero wag mo masyadong damdamin ang mga sinabi niya sayo. Ikaw lang ang masasaktan sa huli dahil lagi mong isinasakripisyo ang kaligayahan mo para sa iba,"- Jazlyn.

"Salamat. Nakauwi ka na ba?,"- me.

"Oo, sige na may gagawin pa ako. Night."- Jazlyn.

"Sige, goodnight,"- me

Hayyst, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Paano ko magagawang unahin ang sarili ko kung may masasaktan? Bahala na nga lang. Kahit alam kong may masasaktan kailangan ko na itong harapin. Kasalanan ko iyo eh. Kung di lang dumulas ang mga salitang iyon sana ayos pa ang lahat.

The Mysterious Queen of Assassin (under editing)Where stories live. Discover now