CHAPTER 6:MEET THE ASSASSINS

3K 122 0
                                    

CHAPTER 6:MEET THE ASSASSINS

"Jazlyn, dapat iniingatan mo ang sarili mo. Hindi porket libre lang ang panggagamot ko sayo ay pwede ka nang magpabaril basta basta," wika ni Jarren.

"Opo, hindi na po ako magpapabaril. Ano ba namang magagawa ko. Eh sobrang dami nila," wika ko.

"Eh di dapat tinawagan mo kami," sabat naman ni Allen.

"Hoy, lightning. Anong ginagawa mo dito?,"wika ko.

"Wala dinadalaw lang si Murderous. At saka nandito din sina Stan noh," wika ni Allen.

"Ano?! Anong ginagawa nila dito? Nasaan sila?,"sunod sunod kong tanong.

"Nasa kusina sila," agad ko namang silang pinuntahan.

"Stan anong ginagawa niyo dito?," Tanong ko kay Royster. Mukhang nabigla naman sila ng makita ako.

"Pretty sis, why are you here?," Nakangiting wika ni Royster.

"I'm here to treat my wound. What about you all?,"sagot ko.

"Nothing, we just visiting Murderous,"wika naman ni Katelyn.

"Stan, yung pinapagawa ko sa iyo nagawa mo na ba?,"tanong ko.

"Yep, look. I protected it properly," Pinakita ni Royster ang laptop niya sa akin. Nagulat na lang ako sa nakita ko.

"Royster! You idiot! Look what happened," wika ko ko at tinatry na i delete yung file pero huli na ang lahat. Nakuha na nila ang file.

"Jazlyn,, bakit ba sobrang halaga nang file na iyo," tanong ni Katelyn.

"Eryn, ang file na iyon. Doon nakalagay lahat ng information natin pati kung sino talaga ako. Kung naagapan ko lang sana. Hindi nila makukuha ang file. Malalagot ako sa mga kapatid ko nito eh," paliwanag ko at umalis.

"Jazlyn, where are you going?," Tanong ni Nyx.

"Lex, obvious naman na uuwi ako noh, so goodnight and goodbye," wika ko at umalis na.

F*ck! I need to be careful now. I know who did this. They are surely dead about this. Tinawagan ko si Allaine para malaman kung magkakasama sila.

"Hello? Sino ito?,"-Allaine

"Kasama mo ba ang Shadow Guards?,"-Me

"Oo, sino ba ito?,"-Allaine

"Nasaan kayo?,"-Me

"Nasa bahay ko. Teka nga. Sino ka ba?,"-Allaine

"Saan ang bahay niyo?,"-Me

"Sa XX street no. #251, bakit ba?,"-Allaine

Pinatay ko na ang tawag at pumunta na sa bahay nila they're surely dead.

ALLAINE RONG POV

Sino naman kaya yun at ang daming tanong. Urghh, Allaine bakit mo kasi sinagot ang mga tanong niya.

"Boss, sino yung tumawag?,"tanong ni Kim. Himala nagsalita siya. Kanina pa kasi siyang may ginagawa sa laptop niya.

"Hindi ko alam eh,"wika ko.

"Baka stalker," wika naman ni Dominick.

"Stop it, Nico. If she is a stalker she's a genius because she knows my number,"wika ko.

"Boss, baka si Jazlyn yung tumawag?,"wika naman ni Benedick.

"That's impossible, hindi binibigay ni Allaine ang number niya kay Jazlyn,"wika naman ni Justine.

"Astin is right. I never give my number to Jazlyn,"wika ko.

Bigla na lang tumunog ang doorbell kaya agad akong pumunta sa pinto at binuksan ang pintuan. Nagulat na lang ako kung sino iyo.

"Jazlyn, what are you doing here?," Nagtataka kong tanong. Teka paano niya nakuha ang number ko?

"Nandyan ba sila?,"wika niya tapos bigla na lang pumasok.

"Teka, bakit ka bigla na lang napasok dito,"tanong ko. Dumeretso lang siya at kinuha ang laptop ni Kim at may tinignan. Bigla na lang kumunot ang noo niya. Tapos may ginawa siya sa laptop na ikinakunot naman ng noo ni Kim.

"Anong ginagawa mo?!,"gulat na tanong ni Kim sabay agaw ng laptop niya.

"Sa susunod na ihacked mo ulit ang file na iyon malilintikan ka sa akin," banta naman ni Jazlyn. Haysst, si Kim talaga napakapasaway.

"What? Kim akala ko ba napag usapan na natin ito," wika ko.

"Sorry, curiosity come on my head kaya hinacked ko ulit,"wika ni Kim.

"Kim, just don't do that?,"wika ni Justine.

"Nabasa mo na ba yung info?!,"galit na wika ni Jazlyn. Mukhang na high blood siya sa ginawa ni Kim.

"Wala pa naman. Bukod sa mga info ng mga kaibigan mo," wika ni Kim. Nakita ko naman na nagdilim ang aura ni Jazlyn at bigla niya na lang sinuntok nang malakas si Kim. At knock out naman yung gago. Well, I think i will believe in my friends said. I shouldn't mess with Jazlyn. She become a dragon, no not a dragon but a demon that easily get angry. Halos araw araw na itong galit simula nang malaman niya na kami ang Shadow Guards. "Buhay pa yan. Sabihin niyo pag nagising siya wag niyang sabihin sa inyo ang nabasa niya sa info na iyon," wika ni Jazlyn at umalis na.

***

Ilang oras ng knock out si Kim at di parin siya nagigising. Seriously, na hacked ni Kim ang info na iyon. Kahit gusto kong malaman kung anong nilalaman ng info na iyon hindi ko pwedeng gawin iyon gawa ni Jazlyn nakakatakot kasi kung paano siya magalit eh. Napatingin ako kay Kim na nagising na.

"Kamusta ang pagkaka knock out?," Nang aasar na wika ni Dominick.

"Ikaw kaya dito sa kinakatayuan ko. Tignan natin kung gaano katibay ang panga mo. Grabe ang sakit niyang manuntok parang ibinuhos niya sa akin yung galit niya kay Prince," wika ni Kim. Sa totoo lang naku curious na ako kung bakit kailangang patayin ni Prince ang buong pamilya ni Jazlyn. Hindi ko rin alam kung anong tunay na pangalan niya. Kung may taong nakakaalam non sigurado akong isang malamig na bangkay na siya.

"Wait, hindi kaya, pinatay ang magulang ni Jazlyn dahil nalaman ng isa sa kanila kung sino talaga si Prince? Kasi alam natin na lahat ng taong nakakaalam ng totoong pangalan niya ay pinapatay niya," wika ko.

"So ang ibig mong sabihin, pinatay sila dahil may naka alam nang totoo niyang pangalan? Pero bakit kailangang pati si Jazlyn patayin nila? Jazlyn is only seven years old back then," tanong ni Justine.

"Because Jazlyn see him in person," wika naman ni Kim. Minsan lang toh magseryoso kaya siguro nakuha nito ang atensyon nito.

"Oo nga pala sabi ni Jazlyn. Subukan mo lang daw sabihin kung ano ang nabasa mo sa info na iyon. Mamamatay ka daw ng maaga," wika ko kay Kim.

"Oo alam ko iyon, mahal ko pa ang buhay ko noh,"wika ni Kim. Mukhang na dala na siya.

"Teka lang, boss. Sabi mo ibabalik mo ang dating Jazlyn. Bakit di mo isama na umakto siya na parang babae hindi parang lalaki. Ang sakit kasi niyang manuntok," dagdag pa niya.

"Bagay lang sa matitigas na ulo na kagaya mo," wika naman ni Justine.

"Sabi ko naman sa iyo eh, wag na nating ituloy ginawa mo parin," wika naman ni Dominick.

"Oo na, ako naman ang may kasalanan eh," wika ni Kim at umakyat na. Bahala siya sa buhay niya. Bagay nga na itawag sa kanya na Adam short for adamant which means 'stubborn'. Si Dominick naman tawag naman namin sa kanya pag nasa misyon ay lionhead kasi he have courage, he is also strong and excellent. Si Justine naman siya naman si Victor dahil kaya niyang talunin lahat sa laban maliban sa akin. Si Benedick naman si Odin, lagi siyang critical kapag pumapatay kahit minsan yan umimik. But i still wondering who is that queen of assassin kasi kung siya ang queen of assassin sa grupo nila ako naman ang king of assassin sa grupo namin. It makes sense na para kaming couple dahil sa codename namin. Balang araw makikila din kita queen of assassin.

The Mysterious Queen of Assassin (under editing)Where stories live. Discover now