CHAPTER 15: MEET THE TRUE QUEEN OF ASSASSIN

2K 84 0
                                    

CHAPTER 15: MEET THE TRUE QUEEN OF ASSASSIN

"Ale..," wika ko.

"Samantha ang pangalan ko," wika niya.

"Miss Samantha nandito parin po ba ang mga gamit namin noon?,"tanong ko.

"Oo, nandito pa. Wala akong pinaltan o tinapon kahit isa,"sagot niya.

Agad akong pumunta sa weapon room at kumuha nang sandata. "Whoa, hindi ko alam na may ganitong room pala kayo," wika ni Allaine. Hindi ko namalayan na sumunod pala ito sa akin. Kumuha siya ng espada samanthalang ako naman ay Katana. "Bakit ang dami ng swords dito?,"

"Collection lang yan ni daddy kaya simula ng mawala siya ginagamit ko ang mga ito,"wika ko. Lumabas na kami ng silid at kinausap si Samantha. "Miss Samatha pwede po bang dito muna si Alliah?,"

"Miss Athena, sayo pa rin itong bahay. Inaalagaan ko lang po ito," wika ni Samantha.

"Kung ganon wag po kayong lalabas ng bahay hanggang hindi pa kami nakakabalik," wika naman ni Allaine.

"Sige, magiingat kayo," wika niya.

"Sige po aalis na po kami," Umalis na kami at pumunta sa lugar kung saan kami pinapapapunta. Walang tao nasa labas pero napapansin ko ang mga tao na sumisilip sa mga bintana nila yung iba napangiti dahil sa amin. Siguro iniisip nila na kami ang magliligtas sa kanila para malaya na ulit silang makalabas ng tirahan nila.

Ilang oras lang ay nakarating na kami sa isang warehouse. Sinalubong naman kami ng mga kalaban at dinala sa loob. Nakita namin na nakatali ang mga kaibigan namin pati si kuya.

"Hahahha, sa wakas at nakarating din kayo," wika nang malaking boses. Bigla na lang bumukas ang isang tv at nakita ko doon si Vince. "Kanina ko pa kayong hinihintay lalo ka na Athena. Siyam ba ang buhay mo at hindi kita napatay nung bata ka pa?,"

"Na disappoint ka ba dahil hindi mo ako napatay dati?," Wika ko.

"Hahahah, ang laki ng pinagbago mo Athena. Hindi ka na yung batang masayahin at mahina. Ibang iba ka na talaga. Oo nga pala na gustuhan mo ba ang regalo ko sayo noon?," Wika niya.

"Actually, okay na sana ang regalo mo kaso may kulang," wika ko. Don't try to find my weakness or else you will regret it.

"Ano namang kulang?,"tanong niya.

"Yung malamig mong BANGKAY,"napataas na boses ko.

"Kung ganon may isa pa akong sopresa sa inyo," wika niya.

"Anong sopresa?,"tanong ni Allaine

"Si Queen of Assassin," wika niya.

"Anong tungkol kay Queen of Assassin?," Tanong ni Allaine.

"Allaine, alam kong gusto mong makilala si Queen of Assassin. Pero hindi mo na kailangang makilala siya dahil si Queen of Assassin at si Jazlyn ay iisa!!!," Sigaw niya. Nagulat na lang ako sa sinabi niya pati na rin ang mga kaibigan ko.

"Alam ko," napatingin naman ako kay Allaine. Alam niya na ako ang queen of assassin. Pero paano?

"Paano mo nalaman?," Tanong ko kay Allaine.

"Nung nalaman ko na ikaw si Athena. Sabi mo sa akin noon pinadala ka ni queen of assassin para imbestigahan kung sino ang nagpapanggap na siya. Tapos ang dami mong nalalaman tungkol sa kanya. Tapos lahat nang miyembro nang Dark Night ay nandoon sa bahay ni Renren at wala yung queen of assassin. Napansin ko na ikaw yung nagbibigay ng utos sa kanila. Kaya naghinala na ako," paliwanag ni Allaine.

"Paano ba yan hindi gumana ang sopresa mo?," Wika ko kay Vince.

"URGHH PATAYIN NIYO NA SILA!!!," Sigaw ni Vince. Mukhang nanalo kami sa debate namin.

"Handa ka na Allaine?," Tanong ko.

"Always," wika niya at nakipaglaban na kami. Hiwa dito hiwa doon. Saksak dito saksak doon. Habang wala pang na atake sa akin pinuntahan ko sina kuya at kinalagan. Hanggang sa may isang sinugod ako buti na lang na sanggahan ko agad siya. Nakalagan ko na si kuya. Tinulungan niya naman ako sa pagkalag nang iba. May aatake sana ulit kaya tinapon ko ang sandata ko sa kanya lalo sila dumami kaya no choice ako kung di makipagpisikalan dahil napapalibutan na nila ako. Someone is going to punch me so i grab his arm and then throw him upside down. I kick one of them while i punch the other one. I take down all of them kaya kinalagan ko na ulit sila. Yung iba nakikipaglaban na din kaya ayos lang. Kaso lang hindi kami prepare na mangyayari ito kasi nakapalda ang mga girls buti na lang ako naka short. Si  Jaira naman nasa likod nang pader at nagtatago. Hindi pa kasi siya marunong makipaglaban. Ilang minuto lang ay dumating na ang mga pulis at nahuli na sila. Dinala ko sila sa dati kong tinitirhan at halos mapuno nang luha yung bahay namin kasi itong dalawa iyak ng iyak.

"I miss this house," wika ni Kuya.

"Me neither. This house is full of our happy memories even the sad and hurtful one," wika ko.

"Hindi lang kaya kayo ang nakakamiss ng bahay na ito pati kaya kami," wika ni Royster.

"Wala pa ring pinagbago ganon parin," wika ni Katelyn.

"Hey, is this me? Grabe ka Jazlyn ha. Maglalagay ka na lang ng picture natin yung bungi pa ako," wika ni Nyx. Nagsitawanan naman silang lahat sa sinabi niya.

"Miss Athena?,"tawag ni Samantha.

"Miss Samantha, tungkol po doon sa sinasabi niyong kailangang puntahan namin. Sino po ba ang tinutukoy niyo?," Tanong ko agad sa kanya.

"Kailangan niyong umuwi sa inyo para mahanap niyo ang makakatulong sa inyo. Pero bago iyon kailangan niyo munang bawiin ang tirahan niyol doon. Sapagkat pinapamahalaan na siya ng pinsan niyong si Ji kailangan niyo na agad bumalik kung hindi mawawasak ang pinaghirapan ng pamilya niyo ngayong wala na ang lola niyo," paliwanag ni Samantha.

"Anong sinabi mo?! Wala na si lola! Paanong nangyari iyo inaalagaan siya ni Ate doon?!," Galit na wika ni Kuya. " Imposible gumawa na sila ng hakbang para agawin ang trono,"

"Trono?," Tanong ni Allaine.

"Bakit hindi niyo tanongin si Kim. Alam niya ang ibig namin sabihin," wika ko.

"Sigurado ka ba jan Jazlyn?," Nagdadalawang isip na wika ni Kim. Tumango na lang ako sa kanya. "Ang totoo, ang tunay na apelyido nina Jazlyn ay Dongfang. Para makalayo sa gulo, nanirahan sina Jazlyn dito para pagbumalik sila sa kanila handa na siyang kalabanin ang pinsan niya na takam sa kapangyarihan.  Si Shin at ang ate nilang si Jina ay nanirahan naman sa palasyo nila. At isa pa si Jazlyn ang totoong tagapagmana ng palasyo kung hindi siya siguradong babagsak ang lugar nila," wika niya at nagulat naman sila sa nalaman nila.

"Teka! Bakit hindi namin alam yan?,"tanong ni Allen.

"Kasi nga secret," wika ko.

"Kung ganon kailangan na nating bumalik sa America para mabawi natin ang dapat sa atin," wika ni Kuya.

"Sige kumain muna kayo. Bukas na lang kayo umalis papuntang America," wika ni Samantha.

"Oo nga na gutom ako dun sa nangyari kanina," wika ni Dominick.

"Lagi ka namang gutom kailan ka ba nabusog," wika ni Allaine. Pinagtawanan nila si Dominick dahil sa sinabi ni Allaine. Havang ako ay ngumiti na lang nang konti.

"Mukhang na balik ka na sa dati ah," wika ni Allaine.

"Bakit ayaw mo ba? Sabihin mo lang kung ayaw mo babalik ako sa pagiging rude and cold ko," wika ko.

"Hindi naman sa ayoko pero nakakamiss lang kasi na lagi kang nakangiti," wika niya.

"Tsk. Kumain na lang nga tayo,"wika ko.

This day is really full of pain and sadness but behind of this there is still happiness that's awaiting for you.

The Mysterious Queen of Assassin (under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon