"Hi Jennie!"

"Wow! Buo na araw ko nakit ko na si crush!"

"Jennie ang sexy mo naman!"

"Jennie notice me senpai"

I can see on my peripheral view that she's not loving the attention we're getting. Well technically, para sa kin lang naman yung mga sipol at komento na yun pero dahil kasama ko siya alam kong rinig niya yung mga pagbati at komento sakin ng mga estudyanteng nakaabang sa pagdating ko. And based on what I see, she looks mad. I even saw her jaw clenched while she's glaring at the guys na sumisipol at tumitingin sa legs ko. She looks like she wants to strangle each one of them. Gusto kong kiligin pero ayokong mag assume. Iaapproach ko sana siya kaso bigla siyang naglakad ng mabilis. I fastened my pace as well kaso dahil sa haba ng mga biyas niya nahirapan akong habulin siya kaya ayun napag iwanan ako.











-----

Lisa's POV

Pagpasok pa lang namin ng gate, agaw eksena na agad yung presensya ni Jennie. Yung iba alam kong nagulat dahil nakita nila kaming magkasama, pero yung iba alam kong inaabangan talaga siya para pagpiyestahan na naman yung nakalantad niyang legs. Pati si Manong guard na imbes na magbag check sa mga pumapasok na estudyante, eh sa legs niya rin nakatingin. Ito naman kasing babaeng to, lagi na lang kapos sa telang damit at palda ang suot. Kaya yung mga manyakis na estudyante di mapa- ire.

I glared at that guard at mabuti naman at mukhang natauhan at inalis niya ang tingin sa hita ni Jennie. Pero siyempre hindi umubra yung tingin ko sa mga estudyanteng pasaway. Habang naglalakad kami, I heard different comments na para sakin nakakabastos pero para kay Jennie parang wala lang. Nagngalit ang panga ko sa inis. Parang biglang gusto kong manapak kaso alam kong hindi pwede. I am the student council president at may pangalan akong pinangangalagaan dito kaya hindi pwede. Diretso lang ang tingin ko at pilit na iniignore yung mga komento nila. Kita ko naman sa gilid ng mga mata ko nakatingin si Jennie sakin. Alam kong napapansin niya na yung pagbabago sa mood ko pero hindi ko siya magawang tignan. Kakabati lang namin at ayokong pagsabihan siya sa the way niyang magsuot ng damit dahil sigurado akong pagmumulan lang yun ng panibagong away. Wala naman din kasi akong karapatang pakialaman siya tungkol dun. Pero hindi ko talaga maiwasang magalit. Imbes na sumabog ako sa galit sa mga naririnig ko, naglakad na lang ako ng diretso leaving her behind. I can hear her called my name pero hindi ako lumingon at nagtuloy tuloy lang sa pagpasok sa room.

Agad akong umupo sa pagitan ni Jisoo at Seulgi at pagtapos ay saka ako naglabas ng isang malalim na buntong hininga.

"Oh anong nangyari sayo?" tanong ni Seul.

"Wala" sagot ko habang umiiling.

Napagawi naman sa may pinto ang mga mata ko and I saw Jennie. Medyo hinihingal pa siya. Malamang dahil yun sa paghabol niya sakin. Her eyes landed on me at mukhang naguguluhan siya kung bat ko siya biglang iniwan. Agad ko namang iniwas ang tingin ko sa kanya. Ayokong kasing mabasa niya ang nararamdaman ko. Hindi ko din kasi alam kung bakit ganun na lang yung inis na naramdaman ko kanina habang pinagpipiyestahan nung mga estudyante sa labas yung katawan niya.

Kahit na hindi ako nakatingin, pansin kong sakin siya nakatingin habang naglalakad siya paupo sa upuan niya.

I shut my eyes closed. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Naiinis ako sa mga nakatingin sa kanya at naiinis din ako sa kanya dahil ang ganda ganda niya at napaka agaw eksena niya. Now, pano ko magpapaliwanag sa kanya? Anong sasabihin ko kapag tinanong niya ko kung bat ko siya biglang iniwan? Kahit na gustuhin ko mang iwasan siya, hindi naman pwede dahil mamaya may PE class kami at siya pa ang partner ko. Hindi pwedeng ganito kami. Kasalanan ko to eh! So, pano na?

Aish! Padalos dalos ka kasi Lisa! Well, bahala na. Bahala na lang mamaya.













--------

Jennie's POV

Kanina pa ko tahimik habang nakatitig lang ako kay Lisa. Sa tuwing magtatama ang mga paningin namin, bigla na lang siyang umiiwas. Hindi ko alam kung bakit bigla na naman siyang naging snob samantalang kanina ang saya saya pa namin sa may parking lot. Nagkaganyan lang naman siya nung nagsimulang magcomment yung mga estudyante sa labas eh. Teka nagseselos ba siya?

Gusto kong matuwa at isiping oo nagseselos siya kaya lang ayokong mag assume dahil masama yun. Masama sa puso ang pag aassume. Kasi pag mali yung inassume mo masasaktan ka lang.

Pero ano pa nga bang ibang dahilan para magkaganyan siya? Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam kaya mas mabuti pa itanong ko na lang sa kanya ng personal tutal may PE class naman kami mamaya at doon siguradong hindi niya na ko pwedeng iignore.

















------

Comeback na bukas putek!! Handa na ba kayo??? Can't wait for tomorrow! Power stream blinks ha!!! Let's not fail our Queens!!

Bad Chick [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon