Page Eight

15 6 0
                                    

DALAWANG salitang binitawan mo na ngayon ay umukit sa aking memorya

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.

DALAWANG salitang binitawan mo na ngayon ay umukit sa aking memorya. Dalawang salitang nagbigay ng maraming tanong, maraming "paano kung", at mga "sana" na hindi napagbigyan.

Kung hindi ba kita pinagbigyan noon, nagkaroon ba tayo ng pag-asa?

~O~O~O~

NAKILALA ko siya sa maliit na port ng aming isla noong nakaraang taon. Naalala ko pang magdapit-hapon na noong sa wakas ay dumaong na ang sinasakyan kong motorboat mula sa siyudad kung saan ako nag-aaral ng Kolehiyo.

Paakyat na ako ng hagdan ng port nang bigla akong madulas. Naririnig ko pa rin ang sigawan ng mga tao at ng crew dahil mahuhulog ako sa malalim na tubig.

Ngunit hindi iyon natuloy dahil naagapan niya ang aking braso at hinila ako papunta sa kaniya.

Moreno. Payat. Hindi kagwapuhan. Iyon ang first impressions ko sa kaniya. Nakaakyat na ako ng port at nilingon ko siya para magpasalamat. Napansin kong pareho kami ng suot na school uniform.

"Thank you nga pala," ani ko. May hiya pang ngumiti ako sa kaniya.

Nang ngumiti siya ay tila lumiwanag ang kaniyang mukha. May dimple siya sa kaniyang kanang pisngi na siyang nagpadagdag ng appeal nito.

"Walang anuman. Buti nga hindi tayo nahulog sa dagat, hindi pa naman ako marunong lumangoy."

Natawa ako sa kaniyang sinabi.

"Ako nga pala si Reymond Aguilar," aniya habang kami ay naglalakad kasabay ng mga nagsidatingang mga pasahero.

"I'm Eighth Alfonso," sagot ko.

"Eighth as in number eight?" hindi makapaniwalang bulalas niya na siyang ikinatawa ko.

"Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ng mga magulang ko but, yeah, Eighth as in ikawalo. Eya na lang ang itawag mo sa'kin." Napasulyap ako sa kaniyang ID. "Pareho pala tayo nang school na ina-attend-an?"

He looked down at his school uniform pagkatapos ay napatingin sa aking ID lace. "Oo nga, ano?" natatawang sambit niya. "Ano'ng course mo, if you don't mind?"

"Tourism. Nasa second year pa lamang ako. Ikaw?"

"Nice. May balak ka palang libutin ang mundo, ha. Mechanical Engineering ako, third year na."

Nakarating na kami sa gate palabas ng port. Huminto ako sa tapat ng jeep na naghihintay ng mga pasahero para makausad.

"So, nice to meet you, Reymond. Thank you kanina. See you around sa school?"

Ngumiti si Reymond at tumango.

That was how we met.

Reymond was dedicated in his studies so we didn't see each other so often. Pero nagkakasabayan kami ng uwian.

I could still remember that he bought a ticket for the motorboat for me kasi napakahaba ng pila ko, at nasa malapit lang siya sa ticketing area. Hanggang sa naghintayan na kami sa ticketing area tuwing uwian, magkatabing umupo sa motorboat, at pagkatapos ay maghiwalay sa gate ng port.

A Shot of Lifestory (One Shots)Место, где живут истории. Откройте их для себя