Chapter 8

570 25 1
                                    


Lijan's POV

Nagtaka ako nang ibaba ng Itay sa lamesa ang nilagang talbos at pritong danggit.

Ibinaba ko ang kape ko at tinitigan ang Itay na umupo sa harap ko at nagsimulang kumain ng tahimik. "Kaka-grocery ko lang, 'tay ah?"

Hindi agad siya sumagot.

"Alam mo namang hindi ako mahilig sa mga de-lata."

Napailing ako. At pinaalala ko sa sarili ko na dadalhin ko na lang kina Tsong Enshong ang mga de-lata kesa abutan pa ng expiration. Alam ko namang hindi siya kumakain ng mga de-latang ulam, baka lang kako gusto niyang matikman kahit isang beses.

"Magkatay na lang tayo ng manok mamaya."suggestion ko.

"Mas gaganahan ako kung ung Texas mo ang kakatayin mo."

"Itay naman..." napakamot ako. Ang Texas na tinutukoy niya ay ang panlaban ko sa sabong. Minsan lang ako maglaro pero nanalo lage ang manok ko. Kapag wala akong oras na magsabong ay pinapadala ko kay Pio na talamak na sabungero.

"Kumusta ang pag-aaral mo?" Tanong nito mayamaya.

"Okay lang. Kinakaya pa."

Kung ang negosyo kong bilyaran ang kinumusta ng Itay, marami akong ikukwento lalo na at bawing-bawi ko na ang puhunan ko. Kaso hindi man niya ipahalata na tutol siya sa mga bisyo ko pinapakita naman niyang wala siyang pakialam.

"Ang mga kamatis, nadala mo ba sa nanay mo."

Ganyan naman lage ang tanong ni Itay kapag galing ako sa kapitolyo. Mas gusto ni Itay kamustahin ang mga kamatis kesa sa pinagdalhan nito.

"Okay lang si Gov." Sa halip ay sagot ko.

Pero hindi na nagsalita si Itay, pinagpatuloy na lang ang tahimik na pagkain. Hindi ko alam kung interesado siyang makaalam ng tungkol sa nanay ko. Pero malamang hindi.

Noong bata ako pinapasundo ako ng tauhan ng nanay ko para dalhin sa foundation nito at ibilang sa mga batang walang magulang. Sa pamamagitan noon ay nagkakasama kami ng konting oras kapag dumadalaw si Gov. Austacio doon. Pero saglit lang yon at kaagaw ko pa ang maraming bata na uhaw din sa atensyon at mga regalo mula kay Gobernadora. At kapag oras na ng pag-uwi ay excited akong ikuwento kay Itay ang nangyari sa maghapon at ipakita sa kanya ang mga regalo ng nanay ko. Pero sa lahat ng yon ay wala man lang siyang komento. Guguluhin niya lang ang buhok ko at uutusan akong magsepilyo bago matulog. At kapag akala ng Itay ay tulog na 'ko, dudungaw ako sa bintana at nakikita ko siya na nakaupo sa labas at nagkakape.

Kaya habang lumalaki ako ay nasanay na kaming dalawa na huwag pag-usapan ang nanay ko. Pero sa kabila non, hindi pa din pumapalya sa pagpapadala ng mga inaning gulay si Itay kapag pumupunta ako sa kapitolyo. Hindi ko makita ang rason niya kung bakit kahit alam ko naman na hindi yon paraan ng panliligaw ni Itay. Dahil imposible nang magkabalikan sila. Ni hindi ko nga alam ang kwento nila. At wala din akong balak alamin.

Kinuha ko ang pinggan at sumandok ng kanin at sinaluhan si Itay sa pagkain.


^*^*^*^*^*^*^*^*^*^


Linggo ngayon kaya araw ng palengke. At araw din ng pagtulong ko sa Itay na magsupply ng mga inaning gulay sa palengke sa bayan. Naihatid na ng Itay ang unang hakot kaninang madaling araw.

Kaya matapos kaming magumagahan kanina ay ako na ang nagboluntaryong mag-drive ng lumang pick-up truck na ginagamit lang kapag papunta sa bayan.

Nang makarating kami ay tinulungan ko ang Itay sa pagbababa ng mga gulay. At nakinig sa pakikipag-usap niya sa mga pinagsusupply-an niyang mga tindero. Gusto ko rin naman matutong makipagtransaksyon dahil hindi lang naman sa sugal mabilis ang kita.

Ilang ektaryang taniman ng gulay din ang pag-aari ng Itay at medyo matanda na siya para solohin ang pagtatrabaho don. Kahit alam kong hindi ako ideal na anak, alam ko naman ang mga responsibilidad ko.

Sinenyasan ako ni Itay na irebolusyon na ang sasakyan. Mabilis lang naman kasi syang makipag-usap. Medyo allergic siya sa maraming tao kaya kapag natapos makipag-tuos sa mga tindero ay gusto na agad umuwi.

"May pupuntahan pa ba kayo?" Tanong ko, ang alam ko kasi ay nagsusupply din siya ng gulay sa isang rancho sa katabing bayan.

"Wala na. Pero may dadaanan tayo. Iliko mo pagkalagpas mo sa tulay."

Tinuloy ko ang pagmamaneho at gusto ko sanang iliko bago ang tulay para masilip ang bilyaran ko. Bukas na lang siguro ako dadaan pagkatapos ng klase.

Niliko ko nga ang sasakyan at hindi ko maiwasang hindi abangan ang madadaanan naming malaking lumang bahay.

"Ihinto mo." Utos ng Itay kahit nagtataka man kung bakit sa mismong tapat ng malaking bahay niya pinahinto.

Sumunod ako sa pagbaba niya at nakita ko siyang umikot sa likod ng pick-up. Kinuha niya ang isang malaking plastic na may lamang sari-saring gulay na inani namin.

Kalahati lang ang plastic at kayang-kaya namang buhatin ng tatay ko kaya hindi na ako nag-alok ng tulong. Isa pa, magsasabi naman siya kung kailangan niya.

"Hintayin mo na lang ako."

Kumibit-balikat lang ako. At nilingon ang mataas na hagdan ng lumang bahay.

Lumang estilo ang bahay na Kastila at parang kailangan ng ipa-renovate. Naisip ko tuloy kung hindi natatakot ang tumitira don. Nang maisip ko ang mga tumitira ay naisip ko din ang babaeng lageng naka-bestida.

At gusto ko man magtaka ay hindi ko pa din mapigilan ang mangiti.

Nasa loob kaya siya? Bakit sa tagal ko ng pakalat-kalat sa barangay na to ay kelan ko lang siya nakita? Madalas ako kina Mang Rudy na kapitbahay nila pero minsan di ko siya nakita. Mas pamilyar pa sakin ang babaeng magulo ang buhok na naging kaklase ko daw sa isang subject.

Mayamaya ay bumaba si Itay sa hagdanan at sinenyasan uli ako na tutuloy a kami.

"Sinong binisita nyo sa loob?" Hindi kaya umiibig ang tatay ko at umaakyat na ng ligaw dala ang mga gulay?

"Kaibigan ko."

Hindi na siya nagkwento kaya sinimulan ko ng paandarin ang sasakyan.

Ang Pag-ibig ng BarumbadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon