Chapter 16

392 22 6
                                    

Laila's POV

Kalalabas ko lang sa banyo at didiretso sana sa kama ko para matulog na nang malingunan ko si Nicola sa tabi ng bintana. Kaninang bago ako pumasok sa banyo ay nandoon na siya, nakatanaw sa labas ng bintana samantalang ang makikita lamang doon ay ang floodway at ang kalsada na nasa kabilang panig kung saan malapit din ang eskwelahan nila. Kung makakatanaw man ng tao doon ay bahagya lang maaninag ang mukha dahil ilang metro din ang lawak ng ilog.

"Nicola, hindi ka pa ba matutulog?" Tanong ko sa kanya habang nagpapagpag ng unan.

"Lumingon siya sakin, "I'm not sleepy yet ate, I'm waiting someone to show up."

Someone daw. Nagkibit ako ng mga balikat, "Ang magbabalut ba?" At naghikab. Talagang antok na antok na 'ko, ginabi na din ako ng uwi dahil nag-research pa 'ko sa library.

"Hmn.. no." Nakangiti niyang lingon sakin at nangalumbaba sa pasimano ng bintana.

Hindi ko na siya inintindi at natulog na. Pero nang maalimpungatan ako sa mga kaluskos ay napamulat ako at muntikan ng mapasigaw nang makita si Nicola na nakaluhod sa tabi ng kama ko at nakatingin sakin.

"Sorry to wake you up, ate. Itatanong ko lang sana kung may load ka?" Alanganin siyang ngumiti.

Napabuntong-hininga ako, medyo naiinis sa pagkaputol ng tulog. Kinuha ko sa drawer ko ang cellphone ko at inabot sa kanya. "Pang-text lang yan."

"Uhm... wag na lang. Thank you ate." Tumayo siya at hindi ko na namalayan ang susunod na ginawa niya dahil inaantok na 'ko...

^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*
In third person's POV

Kinuha ni Nicola ang cellphone na bigay ni Lijan at binasa ulit ang mga texts nito kaninang hapon. Text na nagtatanong kung kumain na siya, nasundo ng ate niya o kung nasa bahay na.

Nakagat ni Nicola ang ibabang labi dahil sa pagsisisi na nakalimutang mag-paload bago umuwi kanina. Ayaw niya namang maki-text dahil ayaw niyang mag-reply kay Lijan kung text din lang. She loves hearing his voice...

Pinatay ni Nicola ang ilaw sa kwarto nilang magkapatid at matutulog na din sana nang maisipang sumilip muli sa bintana. At ganoon na lang ang tuwa niya nang makitang nakatayo si Lijan sa kabilang panig ng ilog kung saan madalas niya itong makita, nakatanaw din ito sa direksyon ng bahay nila. Kakawayan sana ito ni Nicola nang maalalang hindi siya nito makikita dahil sa dilim. Maingat at walang ingay na lumapit sa pinto si Nicola hindi para kapain ang switch ng ilaw kundi para lumabas ng kwarto.

There is still a way to hear his voice, plus see him personally, closely...

Samantala, saktong pagtalikod ni Nicola sa bintana ay siya namang pagdating ng grupo nila Ramon at pinagitnaan si Lijan...

^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*
Lijan's POV

Napa-uklo ako nang tadyakan ako mula sa likod ng isa sa mga lalake. Napaubo ako at halos kapusin ng hininga. Nalalasahan ko na din ang dugo sa labi ko dahil sa malakas na suntok ni Ramon. Iniinda ko na din ang sobrang sakit sa iba't ibang parte ng katawan ko nang pinagtulung-tulungan ako ng mga tarantadong 'to.

Alam kong ang pinaka-mabuting gawin ay tumakbo pero hindi tumatakbo si Lijan Austacio Baraquil. At gawin ko man ngayon ay huli na sa kalagayan ko. Apat na lalake ang napatumba ko kanina pero sabay-sabay nang sumugod ang natirang lima. Not a fair fight. Kung binigyan nila 'ko ng pagkakataong labanan sila ng isa-isa ay may tsansa pa 'ko pero hindi ganoon mag-isip ang mga tambay na 'to at kanya-kanyang upak ang ginawa gamit ang mga dalang kahoy at tubo.

Sinubukan kong tumayo pero hindi ko pa man naitataas ang isang tuhod ko ay inumang na sakin ng isa ang paa niya para tadyakan ako. Mabilis kong hinawakan ang paa niya at hinila. Natumba siya kasama ko at nakipambuno sakin. Sinubukan kong ipilipit ang mga braso niya pero nahila na agad siya patayo ng mga kasama at naramdaman ko na ulit ang paglapat ng kahoy na humahampas sa laman ko.

Ang Pag-ibig ng BarumbadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon