Chapter 14

491 33 14
                                    


Lijan's POV

Narinig ko ang malakas na palakpakan at sigawan ng mga tao sa loob ng gymnasium.

Sa wakas natapos din ang speech ng nanay ko ngayong hapon.

Mula sa pagkakasandal sa pader sa backstage ay umunat ako at nilingon ang ilang mga alipores ni Gob. na nauna nang lumabas. Sigurado ako na naipit pa sa pagpapa-picture at konting chika ang nanay ko mula sa mga supporters nya.

Isa sa maraming charm ng nanay ko ay ang kagandahan niya kaya kung hindi man siya gobernadora ngayon ay malamang magiging sentro pa rin siya ng atensyon kahit saan magpunta. At nabanggit ko na din ba na siya ang Ms. San Gilberto 1991?

Naiinip akong humalukipkip at sisimple na sana ng labas sa stage para makita siya nang marinig ko ang boses niya. Bumalik ako sa pagkakasandal sa pader at hinayaan siyang mapansin ako.

Nagbibigay siya ng instruction sa sekretarya niya nang makita ko sa gilid ng mata ko ang paglingon niya. At sigurado ako na nagsasalubong na ang perpektong mga kilay niya.

Nilagpasan niya ang mga tao at dumaan sa harap ko. Ilang minuto pa ang pinalipas ko bago ako sumunod sa paglalakad niya.

Gusto kong mapailing. Kaya kong unagapay sa paglalakad niya pero sigurado akong hindi niya magugustuhan kung gagawin ko iyon sa pag-aalalang may makakita samin.

Sa gilid ng stage ng primary school kung saan siya ang guest speaker ngayong araw ay bakante pa ang ilang classroom at nakita ko siyang doon lumiko.

Naabutan ko siyang nakahalukipkip sa tabi ng blackboard. Kung naging teacher siguro siya,tutubuan ng nerbyos ang mga estudyante dahil sa ekspresyon ng mukha niya ngayon.

"Bakit hindi mo na lang ako hinintay sa opisina ko?" Seryosong tanong niya at lumingon sa labas ng bintana.

Huminto ako at patamad na umupo sa isa sa mga silya. Nasa dulo ang classroom at wala pang mga estudyante, malalaki ang mga bintana at kung may lilingon ay makikita agad ako dahil sa taas ko.

Nagkibit ako ng balikat. "Maiba naman. Sandali lang naman 'to. Gusto ko lang sabihin sa inyo na hindi ako mabibitbit ng mga inuutusan nyong pulis para umalis sa lugar na 'to."

"What? What are you saying?"

Napatingin ako sa nanay ko. Mukhang genuine ang pagkagulat sa mukha niya.

"May humarang saming mga pulis kahapon." Dagdag ko, nakakunot-noo.

"At bakit kita ipapadampot sa mga pulis?" Naguguluhan pa din niyang tanong.

Masama 'to. Kung hindi ang nanay ko ang nag-utos sa mga tarantadong pulis na 'yon, sino?

Napatiim ang bagang ko at tumayo na 'ko para umalis.

"Lijan!" Tawag niya. Hindi ako lumingon pero huminto sa paglalakad.

"Aalamin ko kung sino ang nasa likod nito. M-Mag-iingat ka."

Tinaas ko lang ang isa kong kamay bilang pamamaalam at tinuloy na ang pag-alis.

May makakatikim ng galit ko sa susunod na araw. Aalamin ko kung sino iyon at kung gusto niyang makita at makilala ako ay pagbibigyan ko siya. Makikilala niya si Lijan Austacio Baraquil kapag galit.

***************

Natapos ang unang klase ko sa hapon at wala akong balak na um-attend sa pangalawang klase dahil alas-siete pa ang tapos niyon. Sinabi ko kay Nicola na susunduin ko siya at isipin pa lang na makikita ulit siya ay napapangiti ako.

Binilisan ko ang paglalakad papunta sa kinapaparadahan ng motor ko at kasasampa ko lang nang makita ko si Laila na tumatakbo palapit sakin.

"Lijan!"

Ang Pag-ibig ng BarumbadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon