Prologue

2.4K 64 12
  • Dedicated kay ChanoGrey
                                    

Ang labingtatlong taong gulang na si Lijan, 2009

Sa halip na naglalaro ako ng bilyar sa may labasan, nandito ako ngayon sa gitna ng kamatisan, nag-aani. Babad sa sikat ng araw ang kagwapuhan ko.

Tangna!

Napapailing ako at nadadamay ang mga kamatis na tinatanggal ko sa puno nito. Napapasobra kasi ang pagpisil ko sa mga kamatis kaya may posibilidad na malamog ang mga ito ilang araw lang kapag nasa palengke na.

Tsk! Tsk!

Kasalanan 'to ng Itay. Kaya wag niya 'kong sisisihin kung magreklamo sa kanya ang mga pinagsu-supply-an niya. Siya ang nag-utos sakin na mag-ani.

Nilingon ko siya na bahagya lang ding lumingon sakin at tahimik na tinuloy ang ginagawa. Hindi man lang iniintindi ang pagrereklamo ko kanina pa.

Tagaktak na ang pawis ko at init na init na 'ko. Buti na lang at binalot ko ang isa kong long sleeves sa buong mukha ko kaya nasasalo ang pawis ko sa noo. Mga mata ko lang ang makikita. Nakasuot din ako ng long sleeves para di mainitan ang braso ko. Hindi ako maselan pero tiyak na kapag nakita ng nanay ko na nangingitim ako lalo dahil sa sikat ng araw, tiyak mag-aaway na naman sila ng Itay. At sino bang anak ang hindi mabibingi sa away ng mga magulang?

Napapalatak ulit ako.

"Ka Julian, may naghahanap po sa inyo!"

Napalingon kami ng Itay sa sumigaw, si Pio, ang pinakamalapit naming kapitbahay, 500 metro mula sa bahay namin.

Tumayo ang Itay at dinaan ako sa tingin na nagsasabing ituloy ko ang ginagawa ko.

Tsk!

Malamang ang naghahanap sa kanya ay isa sa mga sinu-supply-an sa palengke. Wala namang kaibigan ang ermitanyo kong tatay.

Itinuloy ko nga ang ginagawa ko, labag man sa loob ko, at nakapuno ako ng dalawang malaking basket ng kamatis.

Masyado akong naging abala sa mga kamatis kaya nang saglit akong mapatingala ay nagulat ako nang makita ang isang nilalang na parang lalamunin ako sa laki ng mga mata.

"Sino ka?!" Paangil kong tanong at tumayo. Sinundan niya ko ng tingin at dahil maliit ang bata ay napatingala siya sakin. Mga nasa walo o siyam na taong gulang siguro siya.

"Are you poor?" Inosenteng tanong nito na nakatingala pa din sakin.

Hindi ako sanay makipag-usap ng Ingles pero nakakaintindi naman ako. At sa halip na mainsulto, mas gusto kong mangiti sa kuryosidad ng batang babae na mukhang manika.

"What are you going to do with the tomatoes? You were hurting them."

Hurting?

Bakit ko naman sasaktan ang mga kamatis?

"You seemed mad while picking them. They were now crying loudly at you!"

Anu daw? Baliw ba tong batang to? Nawala ang pinipigilan kong ngiti at napakunot-noo.

"You're not a gentleman." At nagsimulang ngumiwi ang bata at namilog pa ang mga bilugang mata na binubukalan ng luha.

Baliw nga...

"Wala kang pakelam! Umalis ka dito. Nasan ba ang mga magulang mo?"

Saan ba galing ang batang to? Ilang ektarya ang kamatisan na pag-aari ng Itay dito sa malapit sa paanan ng bundok at ilan lang ang mga nakatira sa bahaging to ng bayan. At lalong imposible na may maligaw na tao dito dahil bawat lupa ay pribado bukod pa sa mahirap puntahan dahil malubak ang daan.

"I'll tell my Dad to buy this land now so the tomatoes will be safe from you!"

"Layas!" Sigaw ko sa kanya at lumapit sa kanya lalo.

"Bad! Bad! Bad boy!" Sigaw pa rin ng bata na nakaramdam yata ng takot kaya humakbang paatras. At dahil sa ginawa ay sumabit ang paa nito sa isang halaman ng kamatis at napaupo doon.

"Anak ng!"

Napamura ako dahil lalong lumakas ang iyak ng bata bukod pa sa mapapagalitan ako ng Itay dahil sa nasirang halaman.

"Man are supposed to be gentle! Not like you! You are barbaric! I hate you!" Sigaw pa din nito at mabilis na tumayo at tumakbo palayo.

Nagtataka man kung paano napunta ang bata sa gitna ng kamatisan at sa mga pinagsasabi nito ay napangiti ako nang makita ko ang puwetan ng bata. May naupuan itong kamatis na napisa kaya nagmantsa sa dilaw nitong bestida.

Tinanaw ko ang batang tumatakbo na nadapa pa ulit hanggang makalayo iyon.

Napailing ako.

Ano bang nangyari? Saan galing yun? Hindi kaya na-engkanto ako sa tanghaling tapat sa gitna ng bukid? Pero may lamang lupa ba na nag-e-english?

At ano bang ginawa kong masama sa mga kamatis?

Umupo ulit ako at pinagpatuloy ang pagpitas. Tiningnan kong maigi ang isang kamatis sa kamay ko.

Hindi naman umiiyak ah...

Ang Pag-ibig ng BarumbadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon