Chapter 7

665 27 4
                                    

Lijan's POV

Malakas ang kita ngayon dahil unang linggo ng pasukan. May baon ang mga estudyante kaya may pangsugal din. Halos hating-gabi na kami nakapagsara ni Tsong Enshong. Matapos kaming magtuos ng kita ay naghanda na 'ko sa pag-uwi.

"Lijan, hijo." Pahabol ni Tsong na may dalang sako.

"O?"

"Pakisuyo naman nito, itapon mo sa malayo at baka dito pa yan mamatay."

Gumagalaw-galaw ang sako.

"Ano yan?"

"Kuting. Nambubungkal sa kusina. Kapag nakikita ng Tiya Esther mo eh binabato ng tsinelas. Kawawa naman. Iligaw mo na."

Napailing ako. Mahilig kasing magkupkop si Tsong ng mga pusa at nawiwili naman ang mga pusa dahil binubusog ni Tsong ng mga pagpag mula sa karinderya nito. Pero kung gaano kamahal ni Tsong ang mga naliligaw kabaligtaran naman sa mga kamay ni Tiyang.

"Akina." Tinali ko ang sako sa likuran ng motor.

"Sa inyo ka ba uuwi?"

"Hindi."

Bumusina lang ako bilang pamamaalam at pinasibad na palayo ang motor.

Kakalampas ko lang sa school nang makita ko na naman si Lito at ang grupo ni Ramon.

Bahala nga sila sa buhay nila.

Hindi ako huminto at tuloy-tuloy sa pagda-drive nang mapatingin ako sa sideview mirror at makita ang taong pinagigitnaan nila Ramon bukod kay Lito.

Putakte!

Bigla akong kumambyo pabalik nang walang preno-preno at huminto sa tapat nila Ramon.

Mula sa likuran ni Ramon ay sumilip ang babae na base sa ekspresyon ng mukha ay nakilala ako.

"Anong problema dito?" Seryoso kong tanong kina Ramon at tinitigan ng madilim ang babae. Hindi ako nag-abalang bumaba sa motor ko.

Ang Pag-ibig ng BarumbadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon